𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 18: Deal

161 8 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

***** Jenas

Wala akong pagkakataong tanungin si Cerrah tungkol sa panaginip ko kanina, kating kati na akong kausapin sya pero nahihiya akong lumapit sa pag aalalang baka mag assume sya na gusto kong maalala ang nakaraan namin para balikan sya. Pero hindi, gusto ko lang na maibalik ang alaalang ninakaw sa akin at pagkatapos nuon anu't ano pa man ang kalalabasan ay iisa lang ang pasyang gagawin ko. Makikipag annul ako kay Cerrah upang pakasalan si Kira. Alam ko namang nagawa ko lang na magpakasal kay Cerrah dahil sa misyon gaya ng ginawa ni Flare na nakipag kasal kay Astrid para makuha ang ledger na pinangako ni Apollo sa kanya, kaya nga lang, pagkatapos maikasal si Flare kay Astrid ay nagpakamatay si Apollo nang hindi sinasabi kung nasaan ang ledger.

"Jenas" habang nakaupo sa bamboo chair ay tinawag ako ni Saenz "Maliligo lang ako sa ilog"

"Wala bang tubig sa banyo?" tanong ko

"Meron, pero maliwanag kasi ang buwan susulitin kong makahuli ng mga talangka" sagot ni Saenz. Napansin ko si Aluza na pababa sa hagdan bitbit ang tuwalya.

"Sasama ka kay Saenz? Aluza?" tanong ko

"Hindi no" sagot ni Aluza "Maliligo ako sa cr, kung saan man pupunta yang kaibigan mo ay wala akong pake" ngumisi lang si Saenz sa kanya. 😑 haaayy away bati ang dalawang to. "Ikaw ba? sasama ka ba jan" tinuro nya si Saenz

"Hindi no" pang gagaya ko sa sinabi ni Aluza "kung saan man pupunta yang kaibigan mo ay wala akong pake" ngumisi lang si Saenz at nang umalis na sya ay nagsimula namang maligo si Aluza.

Sinulit ko ang pagkakataon na makausap si Cerrah habang wala ang dalawa. Pero nasaan na si babae? tumayo ako at nag simula nang luminga linga sa paligid. Umakyat ako sa taas at nagbaka sakaling nasa kwarto sya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto pero di ko sya natanaw sa kama nya kaya pumasok ako para tingnan sa terrace ng kwarto nya pero...

Biglang sumara ang pinto ng kwarto at mayroong matigas na bagay ang tumutok sa likod ng ulo ko

"Bang" walang emosyon na boses ni Cerrah, inalis nya ang pagkakatutok ng bagay sa ulo ko at hinarap ako "Bakit di ka aware sa paligid mo? kung kalaban ako patay ka na agad" Dahan dahan kong tiningnan ang hawak nya, lotion. Lotion lang pala peeewh! "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong ni Cerrah at lumakad sa kama nya, umupo sya at nag simulang maglagay ng lotion sa hita at legs nyang... Wow, sarap 😓 shet, dami ko nang kasalanan kay Kira neto ah! "Talk" matigas na tono nya.

"What's with Succedaneum?" tanong ko. Tumaas ang kilay ni Cerrah "Anong meron sa succedaneum?"

"Dun tayo nag simula" casual nyang sagot "Why?"

"Nang narinig ko ang word na succedaneum ay nanaginip ako, I became a succedaneum" sagot ko "Of what? of who?"

"My ex" sagot ni Cerrah "Nag promise ka sakin nuon na magiging substitute ka ng bf ko dahil binabalewala nya ako"

"Then?" tanong ko

"You took my virginity" sagot nya "Hindi tayo pero nag se sex tayo until nakipag hiwalay ako sa bf ko dahil di ko na kayang tiisin ang pangchi cheat nya, hanggang sa naging tayo" napangisi ako

"Sure ka bang hindi ka nag chi cheat sa bf mo nuon? nakikipag sex ka sakin kahit di pa kayo break" panunubok ko

"He cheated first" sagot ni Cerrah "At harap harapan nya akong sinasaktan, niloloko at ginagago, now tell me Jenas, deserve nya ba ang loyalty at faithfulness ko?" hindi na ako sumagot pa, may point naman kasi sya "And besides ikaw ang dahilan kung bakit natauhan ako, pinakita mo sa akin na hindi kawalan ang hayop na yon" tss! inuuto na ko nito, baka akala nya mahuhulog ako sa kanya dahil inaangat nya ako sa pedestal.

"How about the song?" pag iibang tanong ko

"What song?" tanong nya

"The song you were singging at the van" sagot ko

"Why? do you have also a dream about that song?" natatawang sagot ni Cerrah "Sigurado ka bang panaginip mo lang yon o everytime na pinapaalala ko sayo ang mga nagyayari sa nakaraan natin ay may bumabalik sa alaala sayo?"

"Nangyari na ba na kinanta mo iyon nuon?" tanong ko. I want to know kung totoong bumabalik ang alaala ko kapag may pinapaalalang nakaraan sa akin si Cerrah

"Hindi ko iyon kinanta pero kinanta sa atin iyon ng mga kaibigna natin" sagot ni Cerrah, natigilan ako, tama sya, may mga tao sa likod namin na kumakanta nun "Nangyari yon nang sumakay tayo sa public vehicle nang minsang mag survey tayo for thesis, Pinag tripan ng driver ang mga pasahero nya dahil puro estudyante tayong sakay nya, Ang grupo natin ay college levels while puro highschool ang ibang pasahero at sobrang kulit at ingay nila kaya narindi ang driver, kada may magpapara para bumaba ng jeep ay hinihinto nya ng malakas ang jeep kaya nag tatalsikan tayo sa harap at nag gigitgitan, dahil duon ay nagkahalikan tayong dalawa" kwento nya. "Pag baba natin ng jeep ay kinakantahan tayo ng mga highschool ng tunong ng kasal at nang naglalakad na tayo ay kinakantahan naman tayo nila Mhar"

"Mhar?" tanong ko

"Di mo rin sila maalala?" tanong ni Cerrah at plastic na ngumiti "Jenas naman, akala ko ako lang ang kinalimutan mo pati pala mga kaibigan natin" hindi ako sumagot "Selfish"

"Hindi ako selfish" sagot ko

"Yeah right" bagot kong sagot "Bakit ba bigla kang nagkainterest sa nakaraan natin?" tanong ni Cerrah "Don't tell me" di ko pinatapos ang sasabihin nya

"Don't get the wrong idea Cerrah, Gusto ko lang malaman kung pinakasalan lang kita para ma accomplish ang misyon like what Flare did to Astrid"

"Nagpakasal sina Flare at Astrid?" gulat na tanong ni Cerrah

"Bakit kilala mo si Astrid?" sabay naming tanong sa isa't isa

"How come naaalala mo si Astrid tapos pagdating sa amin na wash out lahat ng memory mo" tanong ni Cerrah

"Huh?" tanong ko "Kilala ko si Astrid dahil misyon sya ni Flare, under survaillance namin ang ama nyang si Apollo" nakatitig lang ng masama sa akin si Cerrah

"Let's make a deal Rivera" seryosong wika ni Cerrah "Gusto mong maalala ang past natin diba?, at may naaalala ka tuwing ginagawa o sinasabi ko ang mga pangyayaring related sa nakaraan natin" wika nya "Let me be Kira's succedaneum, kung anong meron sa inyo ni Kira ngayon ay isantabi mo muna, mag focus ka sa akin"

"What do you mean?" tanong ko di ko sya ma gets

"Gagawin natin lahat ng ginagawa natin nuon bago ka mawalan ng ala-ala hanggang sa may matandaan ka tsaka ka mag decide kung itutuloy mo ang annulment natin o hindi" sagot ni Cerrah "Deal?"

"Deal" sagot ko

"It include Sex" pahabol ni Cerrah

"Hell no!" tanggi ko

"Hell Yes! You agreed bawal mo nang bawiin" pag didiin ni Cerrah

"Kuya Jenas?" narinig ko si Aluza na hinahanap ako sa ibaba kaya dali dali akong lumabas ng kwarto ni Cerrah. Mahirap na, baka isipin ni Aluza na sumakabilang kwarto ako.

"Tawag mo ako?" patakbo akong bumaba sa hagdan

"Maliligo ka ba? mainit ang tubig" tanong ni Aluza

"Oo maya maya" sagot ko

"Kuya, matutulog na ako, masyado akong napagod sa byahe natin kanina" paalam ni Aluza

"Okay, sige" sagot ko at umakyat na si Aluza sa itaas

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon