𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 9: Sacrificial Lamb

152 7 0
                                    

🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

"Paano si Chase?" tanong ni Aluza

"Susunod sya" sagot ni Saenz, "Mas ligtas ang pupuntahan nya kaysa sa atin"

"Why don't we come to his place?" tanong ko. Medyo mahaba at pababa ang slant na daanang tinatahak namin

"Delikado kapag magkakasama tayo" sagot ni Saenz. "Mag hintay kayo jan" utos ni Saenz at lumiko sa pa crossing na lagusan, akma syang naka abang para tingnan kung may kalabang sasalubong sa amin. Nang balikan nya kami ay sabay sabay kaming lumabas ng lagusan kung saan naka abang sa amin ang isang naka bukas na minivan truck. "Pasok" utos ni Saenz at pinaakyat kami ni Aluza sa back seat at pag sara ni Saenz ng pinto ng van ay napansin kong may tao sa driver's seat kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Saenz!" takot kong tawag pero alam kong hindi ako narinig ni Saenz kaya nang bubuksan ko nalang sana ang pinto para bumaba ay syang pag bukas naman ni Saenz sa pinto ng driver's seat, napahinto pa sya nang makita ang lalaking naka sumbrero

"Bok!" tila naging lively ang tono ng boses ni Saenz kaya mabilis syang tumakbo sa kabila para sumakay sa tabi ng driver nang may magpa ulan ng bala sa amin, mula sa lagusan ay naglabasan ang mga lalaking humahabol sa amin kaya pinaandar agad ng driver ang van.

Gumapang ako sa trunk ng van at Sumilip ako sa tinted na bintana kung saan nakita kong hinanghina nilang kinaladkad palabas ng lagusan si Chase

"Teka! Saenz! si Chase!" sigaw ko, gumapang din palapit sa akin si Aluza at tumingin

"Saenz si Chase! wag nating iwan si Chase! Nahuli nila si Chase!" nagpa panic at natatarantang sigaw ni Aluza

"Saenz si Chase!" umiiyak na sigaw ni Aluza

"Saenz wag nating talikuran si Chase" mahina kong wika habang papalayo kami. Maya maya ay nakita ko kung paano barilin si Chase at kung paano bumulagta sa lupa "Chaseeee...!!!" sabay naming sigaw ni Aluza, naiyak na si Aluza habang ako ay nakakadama ng galit "Bakit mo hinayaang mamatay si Chase?!" galit kong sigaw

"Sa- Saenz- hinahabol  tayo ng kalaban naka motor sila" utal utal na wika ni Aluza, napatingin din ako sa likod. Oo nga naka motor na sila. Alam kong pinag babaril na kami pero tila bullet proof ang sasakyang sinasakyan namin. Lumipat sa pwesto namin si Saenz.

"Aluza, lumipat ka sa harap" utos ni Saenz kaya naman sumunod si Aluza. Tumabi sa akin si Saenz na tila may kinukuha sa gilid nya.

"Patay na si Chase" wika ko. May isang maliit na butas sa likod ng van ang nilusutan nya ng bunganga ng hawak nyang baril kung saan nagpaputok sya. "Bakit iniwan natin sya?"

"Sa tingin mo magkakasaysay ang sakripisyo nya kung babalikan natin sya at mahuhuli tayo?" tanong ni Saenz "Ilan lang tayo laban sa ga batalyon na dami ng kalaban, tingnan mo nga minuto lang ang lumipas nasundan agad nila tayo. Ngayon ayan!" tinuro nya ang humahabol sa amin "Sumusunod parin sila" Biglang inabot sakin ni Saenz ang hawak nyang armalite

"Ano to?" tanong ko well, I know armalite yun pero, bakit ako ang hahawak?

"Marunong ka bumaril diba?" tanong nya. Nanlaki ang mata ko

"Ng 45!; oo pero eto?" tanong ko "Seryoso ka ipapahawak mo sakin to?"

"Basta hawakan mo nalang ng madiin, itutok mo sa kalaban at pindutin mo ang gatilyo ganon lang ka simple gamitin yan" sagot ni Saenz.

"Hindi nila tayo matatamaan dahil customize na bullet proof ang sasakyan pero kung hindi natin sila lalabanan ay masusundan at masusundan nila tayo. Walang katapusang habulan" wika ni Saenz.

"Better ready Cerrah. Bubuksan ko ang trunk, barilin mo sila tutulungan kita" pinakita nya sa akin ang hawak nyang armalite. Nang buksan nya ang likod ng van ay humarang sya sakin

"Basta baril lang ng baril, wag kang matakot i shi shield kita" Kailangan kong magtiwala at sumunod kay Saenz kung ayaw kong masayang ang sacripisyo sa amin ni Chase, at sakripisyo ngayon sakin ni Saenz na gagawin nyang pananggalang ang sariling katawan nya para di ako matamaan ng bala "Aluza yumuko ka lang" utos ni Saenz.

Nang makita ko na ang kalaban ay nagsimula na kami ni Saenz na paulanan ng bala ang mga humahabol samin, mayroong sumesemplang, natatamaan at nasisiraan ng motor, talagang nagkakarambola sila. Huminto na lang kami sa pagbaril nang hindi na nakasunod sa amin ang mga kalaban. Nang maisara ni Saenz ang van

"Astig ka talaga Cerrah" puri ni Saenz at humarap sa akin, gumapang sya sa mga upuan para maka balik sa passengers seat pero may napansin ako, may dugo sa dinaanan ni Saenz.

"Saenz may dugo" wika ko

"Okay lang ako Cerrah" sagot ni Saenz. Umupo ng maayos si Aluza at sumilip sa kinauupuan ni Saenz pero tinapik ito sa nuo "Sabi ko okay lang ako, kailan ka ba naging concern sakin?" pag susungit ni Saenz kay Aluza

"Di ako concern sayo, gusto ko lang siguraduhing mamamatay ka na" sagot ni Aluza at umayos ng upo.

"Malas mo masamang damo ako" sagot ni Saenz.

*****Saenz

Hingal akong umupo sa upuan habang hawak hawak ang duguan kong tagiliran. Kanina ko pa iniinda to nuong nakikipag barilan ako sa compound nila Boss, kung tutuusin ay daplis lang naman ito nang i cover ko si Cerrah pero sa tuwing kumikilos ako ay napu pwersa ang sugat ko kaya siguro ngayon lang dumugo ng sobra.

"Mukhang nadaplisan ka ah" wika ng kasamahan ko.

"Mm" sagot ko

"Anong gulo ang pinasok nyo ni Chase?" tanong nya sa akin. "Dinamay nyo ako. Pumayag ako sa inutos sakin ni Chase dahil akala ko simpleng misyon lang ang gagawin natin ayun naman pala hindi"

"Pasensya na Bok" sagot ko

"Bakit kasama nyo si Aluza?" tanong nya sa akin "Akala ko ba di kayo okay"

"Hindi naman talaga" sagot ko

"Sino naman yung isang kasama nyo?" tanong nya ulit sakin habang pasulyap sulyap sa rear view mirror "Gusto ko sya" Di ako makapaniwala sa sinabi ni Jenas, ibig bang sabihin hindi parin nakakalimutan ng puso nya ang nararamdaman nya kay Cerrah? "Gusto ko kung paano sya bumaril, mapapakinabangan natin sya hindi sya pabigat saatin" 😑 iba pala motibo ni G*go haayysst! Natural magugustuhan mo kung paano sya bumaril ikaw nagturo sa kanya nuon eh "Saan tayo pupunta ngayon?" tanong nya

"Sa safehouse ko" sagot ko "Pero malayo pa yun dito. Siguro magpalipas muna tayo ng dilim sa kagubatan na madadaanan natin" Huminga ako ng malalim nang tingnan ko sa rear view mirror si Cerrah na nakatingin sa likod kung saan kami nagdaan. "Cerrah" tawag ko. Tumingin sya sa kinaroroonan namin "Sorry kung kailangan nating iwan si Chase, Sa sitwasyong ganito, lahat kami ay handa nang mamatay, Hindi lang si Chase ang naunang nag sacripisyo para iligtas ang kasamahan, marami pa sila, nagkataon lang na ... Si Chase ngayon ang naging Sacrificial Lamb"

🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

My gosh! Chase 😭😭😭
Bakit ka nagpahuli sa kalaban? dapat sumunod ka kaagad kina Saenz

Ikaw naman Saenz?! parang di ka kaibigan 😡

""""""""""""'
Sayang 🥺 nabawasan ng gwapo sa grupo ng Civet Elite

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon