𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 47: Source

152 3 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Jenas

Maganda ang kinalabasan ng buong magdamag naming apat, naging smooth ang sayawan, walang threat, walang hassle kaya naman naging maayos din ang pag uwi namin, Nagising ako nang may tumamang sinag ng araw sa mata ko, agad akong napa igtad nang mapansin kong wala na sa tabi ko ang kagabi'y naka unan sa braso ko habang naka yakap sa akin.

Agad kong tiningnan ang oras sa wrist watch ko. Alas otso na nang umaga, bahagya akong napangiti. Siguro nagluluto na ng almusal ko ang misis ko eekk! 🤣 aga aga feeling nanaman ako 🤣🤣😑 damn!

Tumayo ako sa higaan at inayos ito pagkatapos ay lumakad ako sa terrace para lumanghap ng malinis at sariwang hangin. Grabe, nakaka miss talaga dito sa probinsya. Bahagya akong nag unat ng katawan nang may narinig ako di kalayuan, tila mayroong umuulan na tunog. Maganda ang panahon ngayon, maaliwalas kaya imposibleng umulan kaya naman iginala ko ang paningin ko para alamin kung ano iyon at di kalayuan sa terrace ko ay mayroong naliligo, naningkit ang mata ko paramakita kung sino ang babaeng naliligo sa isang bamboo shower. Teka, bamboo shower? kailan pa nagka bamboo shower dun? ang napapansin ko lang dati ay 3 meters na sementadong espasyo at poso para sa laundry area daw kuno ni Saenz, paano nagkaroon agad agad ng shower jan at! gawa pa sa kawayan? para syang DIY hindi! Do-it-Yourself shower talaga ang dating pero, itinuon ko  ang pansin sa mas magandang tanawing nakikita ko, naliligo ang babaeng... wow, ang kinis ng legs pataas, pataas sa hita... parang kilala ko yung kutis na to ah, pataas sa manipis at basang kamiseta na suot nya... bakat na ang pink na underware nice! pataas sa flat tummy and curvy waist, pataas, pataas pa sa bakat na rin ang bra nya, Cocomelon 🤣 alam ko na kung sino talaga to, yung leeg na may kiss mark palang eh! alam ko na kung sino 🤣🤣 si Cerrah! Yung ang aga aga, matigas pa si Tens tapos makikita mo kaagad ang Misis mong wet look 😏 nakapikit pa sya habang naka side ang buhok,

"Oohhhhhhhhh Cerrahhhhhhhh..." mahaba at tila nang aasar na tawag ni Saenz kay Cerrah, teka! anak ng! pinanonood nya kung pano maligo ang asawa ko?! nasa katre lang si Saenz, sa tambayan namin sa frontyard, nakaupo sya paharap sa pinagliliguan ni Cerrah habang may hawak na kawayan at itak, sisitahin ko sana sya pero nabigla ako sa sunod na sinabi nya "Binobosohan ka ni Jenas!" ngumuso sya sa direksyon ko kaya bago pa man makatingin sa akin si Cerrah ay agad akong umupo at yumuko para di nya ako makita. Mabuti nalang at concrete ang terrace at bannister nito 🤣🤣 Damn! hayup na Saenz talaga to pahamak.

Ilang saglit ay muli akong tumayo, naliligo ulit si Cerrah at tumingin ako kay Saenz na nakangisi sa akin, nag senyas ako na sasapukin ko sya at nag salita ako nang walang tunog sapat lang para mabasa nya ang kilos ng bibig ko

"Gago!" wika ko kay Saenz na walang tunog, natawa sya nang mabasa nya ang bibig ko kaya naman biglang napatingin sa akin si Cerrah, hindi ko napaghandaan iyon, uupo sana ulit ako pero nahuli na nya ako kaya napangiti ako ngiting aso 🤣🤣🤣 at napakaway
"Gu- good day Misis ko" nakangiti kong bati.

"Goodmorning!" masayang sagot ni Cerrah.

Agad akong bumaba at naghilamos ng mukha, lumabas ako ng bahay para isampay ang tuwalya na ginamit ko at para na rin puntahan si Saenz

"Hoy!" tinapik ko ang kamay ni Saenz dahilan para madulas nya ang pag kakaskas nya ng kutsilyo sa bolo

"Huy! masugatan ako" ihininto nya ang ginagawa nya

"Anong meron sa shower?" tanong ko

"Request nila may magagawa ba ako?" sagot ni Saenz

"Bakit kailangan nakaharap ka pa sa asawa ko?" tanong ko, napangisi sya

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" tanong nya sa akin, huminga ako ng malalim at umupo sa tabi ni Saenz

"Wala talaga akong maalala tungkol sa kanya, pero, yung damdamin ko sobrang nag iiba tuwing nakikita at nakakasama ko sya, kaya nga sinisikap kong ibalik kung anong meron sa amin dati kahit na parang nangangapa pa ako sa dilim" paliwanag ko

"Hindi mo kailangang gamitin ang isip mo Bok, gamitin mo ang puso mo" sagot ni Saenz at sinimulan ulit ang ginagawa, natahimik kaming muli "Anong plano mo?"

"Ha?" tanong ko

"Anong plano mo kapag magkita kayo ni Kira?" tanong ni Saenz "Akala mo ba hindi ko alam na madalas mong sinusubukang umalis dito para macontact mo sa bayan si Kira? kaya nga kahit na may spare akong sasakyan ay hindi ko pinapaalam sayo" sumeryoso si Saenz "Bok, kapag saktan mo si Cerrah, ako ang numero unong makakalaban mo"

"Bakit sobra kung protektahan mo si Cerrah" hindi ko sya tinatanong, statement ko yun pero kailangan nyang sagutin

"Patay na si Savanna" nakayuko nyang sagot, natigilan ako. Alam ko, matagal ko nang alam at hanggang ngayon ay minumulto parin ako ng nakaraan kung paano namatay ang babaeng hindi dapat ganon ang kahahantungan "Patay na si Chase" alam ko rin iyon, sinakripisyo nya ang sarili nya makatakas lang kami sa kalaban, kahit gustong gusto ko syang hintuan at balikan nuon, pikit mata kong iniwan ang kaibigan ko, ang anak ng nag silbing ikalawang ama ko. "Patay na si Gertrude" nabigla ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya.

"Ano?!" gulat man ay sinigurado kong si Saenz lang ang makakarinig ng reaksyon ko

"Patay na si Astrid" malungkot nyang wika, hindi ako makapag salita sa sinasabi ni Saenz, nagtataka ako, paanong nangyari yon? "Patay na si Faraday, patay na ang ilan sa mga kasamahan natin sa bureau, watak watak na ang iba't ibang sector, bagsak na ang organisasyon natin, nakakulong lahat ng nasa panig natin, natira sa bureau lahat ng traydor liban kay Ren na nagpapanggap na kakampi nila, hina hunting sina Flare, nagtatago sya sa safehouse ni Sendo kasama ang ilang kasamahan natin sa Civet. Madaming namatay pero hindi naipa media, pati tayo pinag hahanap ng kalaban na may koneksyon sa mga traydor sa bureau" kwento ni Saenz

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" tanong ko

"I have my own source Jenas" sagot ni Saenz "Sa tingin mo malalaman ko yung casa kung saan natagpuan natin si Savanna nuon? nang ako lang ang mag isa?"

"So ibig sabihin may recruits ka na?" tanong ko

"Wala" sagot ni Saenz "Just plain assets lang" natahimik na lang ako "Kaya ganon ko nalang ingatan si Cerrah kasi, ayaw ko nang may taong malapit sa akin ang mamatay ulit dahil sa kapabayaan ko"

🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Bored 😭
namamaga ang tainga ko, hindi ako makapag sulat ng maayos. May nana yung tainga ko kaya nabingi ako 😭 sobrang sakit sa tainga at ulo parang gusto ko nalang ihiga ng ihiga ang katawan ko 😭😭
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Naisipan kong sa librong ito i re reveal ang connection ng mga characters ko sa iba pang mga libro, mga dahilan kung bakit nagkakilala at nagkasama sama sila at kung anu-ano pa
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

May ipapasok ako na bagong character sa next chapter 🤣
Sino kaya ito?

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon