𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 28: Memories brings back memories

152 9 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Jenas

Napakunot ang nuo ko sa narinig ko

"Sigurado kang babalik ka bukas sa bayan? paano kung nanduon pa sina Paolo?" tanong ko

"Trust me bok bobo yung mga yon" kumpiyansang sagot ni Saenz, hinawakan ni Saenz ang pisngi ni Cerrah "Bibilhan kita ng harina, yeast at mga needs mo sa pag be bake" kinindatan nya pa ang asawa ko, hahamunin ko na sana ng away si Saenz pero hinawakan ako ni Cerrah sa kamay

"Thank you for your generosity FRIEND" sweet na sagot ni Cerrah at talagang inemphasize nya ang word na Friend.

"Mag siga ka na" biglang sumabat si Aluza na tila iritable, mahilig magluto si Aluza kaya naman sigurado akong magluluto sya kaya inutusan nyang mag siga si Saenz.

Kinagabihan pagkatapos naming kumain ay pumunta ulit ako sa kwarto ni Cerrah para kausapin sya.

"May napanaginipan ka nanaman ba?" tanong ni Cerrah habang nakaupo sa kama, ako naman ay nakatayo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Umiling iling ako

"May mga pamilyar na words ang may epekto sa katawan ko katulad nang Babe, simpleng salita lang yun pero biglang tumitibok ng mabilis ang puso ko" paliwanag ko "Yung I love you"

"I love you too" natigilan ako nang isagot yun sa akin ni Cerrah kaya tumingin ako sa kanya, hindi ko sya sinabihan ng I love you dahil sa mahal ko sya, sinabi ko yung I love you kasi nga bumibilis ang tibok ng puso ko kapag maalala kong sinabihan ko sya kaninang umaga ng I Love You Babe "Ayyiiee! joke lang Rivera!" makangiti nyang pahabol sabay peace sign. Ngumiti ako at tumabi sa kanya

"May picture ka ba nang mga kaibigan natin?" tanong ko

"Oo pero nasa bahay" sagot ni Cerrah

"May nag flash na mukha ng lalaki sa isip ko kanina at pakiramdam ko malapit syang tao sa akin" paliwanag ko

"Maybe isa kina Mhar, Jofer and Zaolo yun kasi sila lang naman ang palaging close mo" sagot ni Cerrah, Mhar? Mhar nanaman? sino tong Mhar na to?

"I want to meet this... Famous Mhar" wika ko, napangiti si Cerrah

"Trust me gugulo lalo ang mundo mo kapag magsama sama kayong apat, until now immature parin yung mga yon" natatawang kwento ni Cerrah bigla akong nagka interest sa mga naging kaibigan ko nuon

"Can you tell me what kind of friends I have back then?" request ko

"Hmmm..." pag iisip ni Cerrah "As far as I remember when you became our class president inihalintulad mo ang buong klase sa Jurassic Park at may time na inihalintulad mo kaming mga kaibigan mo sa mga dinosaurs" natatawang sagot ni Cerrah, when I saw Cerrah's smile I also saw a flash of hope na magiging okay ang kalalabasan ng deal namin, aminado ako na until now nalilito parin ako sa damdamin ko, I love Kira and I think ma i inlove din ako kaagad kay Cerrah because of her unbelievable aura, Her magnetic pull, The ambiance whenever I'm with her. "Gusto mo i kwento ko sayo yung nangyari sa atin nuon? baka it will help you to regain your memories"  suggest nya, ayaw i kwento ni Saenz ang nakaraan ko edi ipapakwento ko kay Cerrah kahit alam kong risk ang pagkakaroon ng information overload sa kalagayan ng isip ko.

Kinuwento ni Cerrah ang ilang pangyayari sa nakaraan namin, Kung sinu sino at kung anu ano ang mga ugali ng mga taong nakilala ko. Mga nagawa ko para sa kanya, Para akong super hero kung i angat nya sa pedestal, Para nya akong Knight in Shinning Armor pero kasabay ng mga magaganda at masasayang alaala na binalikan namin ay ang mga malulungkot at mapapait na karanasang sabay naming pinag daanan, hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga huling kwento nya, Hinayaan nina Saenz, at ng mga kaibigan ko na palabasing patay na ako, ginawa nilang miserable ang buhay ni Cerrah sa loob ng dalawang taon, Hindi ko rin alam kung paniniwalaan kong nakipag hiwalay na sa akin nuon si Kira dahil may mahal syang iba tila lumamig ang pakiramdam ko nang nag sabi si Cerrah ng against kay Kira. Alam kong galit si Cerrah kay Kira pero wag sana humantong sa sisiraan nya ang babaeng dahilan kung bakit buhay ako at hindi napariwara nang mamatay ang childhood sweetheart at first girlfriend kong si Savanna.

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon