🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂******Jenas
Nakapag plano na kami ni Saenz tungkol sa pagliligtas namin kay Cerrah, nakipag cooperate na rin kami si mga natitirang Civet Elite na nakaligtas sa ambush kahit na limitado ang kilos at back up namin dahil pinag hahanap ng kalaban ang natitirang musang.
Isang mansion ang kinaroroonan ni Cerrah base sa nasagap namin sa transmitter nya. Naka full gear kaming dalawa ni Saenz habang si Kira naman ay naka camouflage at nag aabang dahil sya ang snipper namin.
"Puma, this is Lynx over"
"This is Puma go ahead" sagot ni Saenz
"Naka pwesto ka na?" tanong ko
"Oo" sagot ni Saenz
"Lynx sigurado ka bang tama yung blue print na binigay ng source ni Sendo?" biglang sumabat si Kira sa usapan namin ni Saenz
"Oo" sagot ko. Sana, totoo ang pinadalang blue print ng source ni Sendo kung hindi, talagang maliligaw ako sa laki ng mansion na ito.
"Lynx, Ang focus mo ay si Cerrah. Kami nang bahala ni Kira na mag assist sayo, Within 10 minutes dadating na ang backup natin. Kumilos ka muna na parang musang" utos ni Saenz
"Affirmative" sagot ko.
Marahan kong tinahak ang mansion. Creepy... Parang tirahan ni Dracula, Kulay itim at pula lang ang makikita sa loob, pati pintura itim at pula, ang sahig naman ay kulay pulang carpet, ang mga kutina, mga gamit at kung anu ano pang nilalaman sa loob ng mansion ay itim at pula lamang.
Napahinto ako nang makarating ako sa isang napaka lawak na lugar, ewan ko ba kung ballroom to o gymnasium pero ang nag bigay pansin sa akin ay ang kabaong na nasa pinaka gitna ng madilim na lugar na ito. Parang spotlight ang chandelier sa ibabaw ng kabaong na may nakasinding tatlong itim na kandila sa sa gilid nito. Dahan dahan kong nilapitan ang kulang itim na kabaong upang silipin ang nilalaman nito pero... bago pa man ako makalapit ng husto ay natanaw ko sa ibabaw nito ang letrato ni Cerrah na naka frame kaya naman labis akong kinabahan at tumakbo upang malapitan ko ang coffin, nakahinga ako ng malalim nang mapagtanto kong walang laman ang kabaong. Napalingon ako sa gilid ko nang marinig kong tila may mabilis na tao ang tumakbo habang may hila hilang kadena, pakiramdam ko ay pinag lalaruan ako dahil pinaiikutan lang ng tumatakbong tao sa dilim ang kinaroroonan ko. Hindi ako nag sasalita, tanging ginagawa ko lang ay pinakikiramdaman ang paligid at kinukundisyon ko ang sarili upang maging alerto sa kung ano mang plano ng kalaban. Maya maya ay huminto ang tumatakbo, unti unti ay may naaninag akong naka paa na nag lalakad mula sa dilim papalabas sa liwanag ng chandelier, unti-unti, nakita ko kung sino iyon...
"Cerrah" wika ko, wala syang emosyon, ang mga mata nya ay tila walang buhay, maputla sya, ang kulay ng suot nyang gown a kulay lila na may halong itim at puti. May roon syang koronang kulay itim na rosas, sobrang pula ng labi nya dala ng lipstick na gamit nya. "Cerrah tara na tumakas na tayo" aya ko, pagkakataon na ito na makatakas nang walang kalaban na nangingialam. Pero nagtaka ako nang hindi kumilos si Cerrah, nanatili syang naka tayo at nakatitig lang sa akin "Tara na Cerrah" Parang pamilyar ang postura na pinapakita ni Cerrah sa akin ngayon. Naka attention position sya, hanggang sa nag ready stance sya.
**************
Cerrah pivot her right foot turning left, she followed it with a low block, She execute s right middle block, turn to the right side follow with a low block. She step forward, execute a right middle block. Then she look over her left shoulder and execute a left low block in forward stance and without moving she follow the block with a right hand middle punch.
Walang ginawa si Jenas kundi umiwas ng umiwas sa asawa nya, ayaw nyang patulan si Cerrah sa takot na masaktan nya ito. Ang ipinagtataka lang nya, bakit kinakalaban sya nito? bakit sila nag lalaban?
Cerrah look over her right shoulder and have her right foot step out follow with right hand low block, without moving, she follow the low block with a left hand middle punch.
Para kay Jenas ay hindi na tatalab sa kanya ang ginagawang tactics ni Cerrah, basang basa nya ang technique na ito dahil tinuro nya ito kay Cerrah. Teka! may mumunting alaala nanamang syang nakita sa isip nya pero walang masakit na epekto ang dumapo sa ulo ni Jenas, siguro ay dahil saglit lang nag flash sa isipan nya ang mga alaalang iyon. Patuloy ang pag atake ni Cerrah sa kanya.
Cerrah bring her left foot to the right heel, left side, In walking stance, she execute s left high block then execute a right front kick follow with a right punch na sinasalag naman ni Jenas She pivot on the right foot turning clockwise in the opposite direction followed with a right high block then execute a left front kick, land the kick forward followed with a left punch. Cerrah move her left foot to the block in forward stance with a left hand low block. She step forward with right foot, finishing form with a right punch. She pivot on right foot, turn her body to the left.
Wala nang panahon si Jenas na makipag iwasan kaya naman lahat ng paraan ay ginawa nya upang ma huli si Cerrah, nag tagumpay sya nang mayakap nya sa likod ang asawa.
*****Jenas
"Anong nangyayari sayo Cerrah?" tanong ko pero hindi sumasagot si Cerrah hanggang sa matapat kami sa harap ng malaking salamin sa sumasakop sa buong pader. Kitang kita ko ang itsura naming dalawa, Yakap ko si Cerrah sa likod nya, habang ang asawa ko ay... dumudugo nanaman ang mata, ibig sabihin... nag a activate nanaman ang nanochip sa mata nya "Cerrah" bulong ko, napansin ko mula sa salamin na mayroong bagay ang hinugot ni Cerrah sa hita nya, isang punyal, Akala ko ay ipag sasaksak nya sa akin pero... balak pala nyang saksakin ang sarili nya kaya naman pinigilan ko sya sa abot ng aking makakaya, pinipilit nyang saksakin ang sarili nya "Tumigil ka na Cerrah!" sigaw ko "Please" nanlalambot ako sa nakikita ko, nasa kasalukuyang kirot sya dala ng nanochip at ngayon naman ay balak nyang saktan ang sarili nya, sigurado akong dahil sa akin iyon.
"Bitiwan mo ako Rivera" walang emosyong wika ni Cerrah
"Hindi" sagot ko
"Please" pag mamakaawa nya, umaagos na ang dugo sa leeg nya habang nakapikit sya
"Hindi pwede, Cerrah" sagot ko "Ilang beses na kitang binitawan, sa pagkakataong ito gusto kitang kapitan hindi dahil sa ayaw kong saktan mo ang sarili mo kundi dahil ayaw kong masaktan ka"
"Please Rivera, mag tiwala ka sakin" sagot ni Cerrah
"Hindi kita bibitawan" pagmamatigas ko
"Kung hindi mo ako bibitawan, tulungan mo nalang akong saksakin ang balikat ko" wika ni Cerrah, tumingin ako sa magkabilang balikat nya, may nakaumbok sa kaliwang balikat nya
"Ano yan?" tanong ko "Anong nasa balikat mo?"
"Program, kumokontrol sa akin para lumaban sayo, parang drugs na nag u urge na manakit ng tao" sagot ni Cerrah, Yakap ko si Cerrah, habang mahigpit na hawak ang mga kamay nyang naka hawak sa punyal na nakatutok sa balikat nya, hinayaan kong gawin nya ang balak nyang pag saksak sa balikat nya habang naka kapit parin sa mga kamay nya upang mapigilan sya kung mayroon syang di magandang gagawin. Hanggang sa masaksak nya ang balikat nya, nag dugo ito, naramdaman kong kumalma ang buong katawan ni Cerrah, idinikit ang ulo nya sa dibdib ko na tila ngayon lang naramdaman ang sobrang pagod, maya maya ay biglang naginig ang buong katawan nya, tumirik ang mga mata at mayroong mumunting bula ang lumabas sa bibig nya "Cerrah!" sigaw ko at binuhat sya upang ilabas sa lugar kung saan di kaaya aya ang paligid.
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Please be inform na ang mga stance jan ay kung anu ano lang 🤣🤣 wala akong alam sa kahit anong self defense, though, basic stike and blockings lang sa arnis 🤣🤣 kaso matagal na iyon kaya nalimutan ko na rin eii, basta kung anu man ang pinag gagagawa ni Cerrah bahala na kayong umintindi sa kanya 🤣🤣😂😂
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
غير روائي🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...