🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Jenas
Nang matapos kaming mag almusal ay napagpasyahan naming bumiyahe na papunta sa sinasabing safehouse ni Saenz. Ready na ako, nakaupo na sa driver's seat, nakikinig ng kanta habang naka headset, Oo, walang signal pero may cp 🤣. Napahinto ako sa pa chill chill nang pumasok si Cerrah sa van, napatingin pa ako sa kanya dahil umupo sya sa tabi ko na dapat si Saenz ang naka pwesto.
Tumingin lang sa akin si Cerrah na parang walang kakaiba sa ginawa nya at plastic na ngumiti.
"Bakit ka nandito?" tanong ko
"Inagaw ni Saenz yung pwesto ko" sagot ni Cerrah "Ayaw mo bang katabi ang asawa mo?" talagang na aalibadbaran ako sa tuwing dinidiin nya sa akin na mag asawa kami. Sumilip ako sa rear view mirror kung saan nakita ko si Saenz na patay malisyang nag a assemble ng mga baril. Alam ko namang naririnig nya kami ni Cerrah.
"Hoy Aluza natutulog ka nanaman ba?" tanong ko, sa pinsan ko nalang ibinaling ang inis ko kay Cerrah "Kakagising mo lang ah"
"Wala pa naman akong gagawin kuya, di naman ako marunong mag drive o mag ayos ng baril" bagot na sagot ni Aluza habang papahiga sa buong backseat
"Para kang buntis" sita ko. Biro lang naman pero napansin kong natigilan sina Saenz at Aluza. Napahinto sa pag a assemble ng baril si T*nga at si Aluza ay naudlot ang pag higa
"Buntis ka ba?" tanong ko"Hindi ako buntis!" sigaw ni Aluza kasabay ang sabat ni Saenz na "Hindi yan buntis"
"Sabi nyo eh" sagot ko "Nagtatanong lang naman naninigaw na kayo agad jan" nahuli ko pa sa rearview mirror kung paano nagkatinginan ang dalawa at kung paano irapan ni Aluza si Saenz na ngumingisi ngisi lang sa kanya. "Kayo bang dalaw-" hindi ko natapos ang itatanong ko sa dalawang nasa likod dahil tinakpan ni Cerrah ng palad nya ang bibig ko kaya umiwas ako
"Wag ka nang mangialam sa kanila, ang isipin mo kung paano mo ako maaalala" pag iiba ni Cerrah Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya
"Asa ka pa" bulong ko. Bigla sya ngumuso at akmang hahalikan ako sa labi. Mabuti nalang at mabilis ko syang napansin kaya nakaiwas agad ako. "Sh*t muntik na"
"Sayang!" nag snap ng daliri si Cerrah. Anong meron sa utak ng babaeng to? napaka wirdo talaga. "Can I say something?" tanong nya bigla. Sumenyas lang ako na mag proceed sya "I love YOU" sa di malamang dahilan ay bigla akong napangiti, di ko alam kung bakit biglang lumukso sa tuwa ang puso ko nang marinig kong sabihan ako ng I Love You ng babaeng nagki claim na asawa nya ako. Iritable ako sa kanya pero aaminin ko, masaya ako sa presensya nya.
"Ang kulit mo" wika ko at huminga ng malalim.
*****
Habang nagda drive ako sa isang rough road at liblib na kalsada ay naiirita talaga ako kay Cerrah, kanina pa sya kumakanta ng paulit ulit at imbes sana na sitahin nina Aluza at Saenz ay nakikisawsaw din sila sa trip ni Crazy Cerrah 😑
"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz 😐🤨"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz😑😐😑"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz😒🙄"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz 😳"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz😤"Jenas and Cerrah sitting on a tree" kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz😡"Titigilan nyo ba ako o ititigil ko tong sasakyan ko, pabababain ko kayo bahala kayong mag lakad!" 😠 galit kong sita. Natigilan ang tatlo sa pagkanta.
"Are we there yet?" tanong ni Aluza kay Saenz
"Ayun na oh!" tinuro nya ang isang dead end na gate di kalayuan sa sinasakyan namin
"Lapit na pala!" masayang sagot ni Aluza
"Jenas and Cerrah sitting on a tree" muling kanta ni Cerrah
"K-I-S-S-I-N-G!" Sabay nina Aluza at Saenz 😟😣😖😤😡🤬"Baba!" sigaw ko "Kayong tatlo baba!" pikon na pikon na talaga ako.
"Edi baba" sagot ni Cerrah at binuksan ang pinto ng van
"Teka!" sigaw ko. Baliw na babae to bababa ng hindi pa nahinto ang sasakyan! kaya ayun hininto ko na, isa isang bumaba ang tatlo at nang maglakad sila ay inakbayan ni Cerrah si Saenz
🤨 Close ba yung dalawang yon? tanong ko"Saenz pasan mo ko" wika ni Cerrah at nag simulang sumampa sa likuran ni Saenz, Nakadama akong konting inis sa ginagawa ng dalawa kaya naman gumapang ako palipat sa passengers seat para dungawin sila sa bintana habang natatawa lang si Saenz sa ginagawa sa kanya ni Cerrah.
"Hoy!" sigaw ko "Psst!" sitsit ko kaya tumingin sila sa akin. "Anong pasan pasan? alam mo nang sugatan yung isa mag papapasan ka pa?" pag susungit ko, di ko talaga alam ang dahilan kung bakit simpleng pasan lang ay nainis akong bigla. Tumaas ang kilay ni Cerrah at nag pamaywang
"Bakit ipapasan mo ba ako?" tanong ni Cerrah. Natigilan ako sa tanong nya "No answer means No" humarap ulit sya kay Saenz "Game na Saenz"
"Sakay!" sigaw ko "Kayong tatlo! Sakay!" Padabog akong bumalik sa kinauupuan ko "Umakyat na kayo dito" utos ko.
Sunod sunod nanaman silang umakyat sa van. Tahimik lang kami kaya naman hindi ako sanay na hindi nag sasalita si Cerrah kaya pasimple kong tiningnan sa rearview mirror kung anong ginagawa ni Kulit. Tahimik siyang nakatanaw sa labas ng bintana kaya naman nagpatuloy nalang akong mag maneho. Buti kahit paano ay hindi nya ako kinulit, bigla nanaman kasing sumakit ang ulo ko.
***********
Nang makarating kami sa safehouse ni Saenz ay napansin kong tila hindi napabayaan ang lugar na ito."May ibang tao pa ba dito?" tanong ko
"Oo, Matandang mag asawa pero nakatira sila di kalayuan dito" sagot ni Saenz "Kinupkop ko sila nang makita kong wala silang matutuluyan sa Maynila, kapalit ng pagkupkop ko ay nag silbi silang care taker dito."
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Nonfiksi🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...