🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂CHASE POV
Mag tatanghali na nang makarating ako sa dati naming bahay, naabutan ko si Lola Soldedad na nag hahain ng pagkain sa labas ng tindahan nya."Lola!" masaya kong sigaw. Napalingon sa akin si Lola at masayang tumakbo palapit sakin para yakapin ako
"A'seh! Apo ko!" sigaw niya, "Si Ki-be?" tanong niya. Hindi ko sinagot si lola, hindi nya alam ang tungkol sa trabaho namin ni Ama at lalong lalo na hindi nya alam na matagal na syang patay, Baka atakihin sa puso si lola kapag malaman nya, nandito ako para mag isip at mahimasmasan tungkol sa pagkakatuklas ko sa tunay na pagkatao ni Coco at ayaw ko nang ma divert ang isip ko sa pagpapaypay kay lola kapag mahimatay, ts! "Halika! Halika!" hinila nya ako "Tamang tama ang dating mo at magtatanghalian na kami ni Jamiah"
"Jamiah?" tanong ko, sinong Jamiah? May pinsan ba akong pangalang Jamiah?
"Anak ng kaibigan ni Ki-be" sagot ni lola, agad akong naging alerto sa narinig ko. Nandito si Coco? talagang hinanap nya kami ni Ama? Paano?
"Si Coco?" tanong ko
"Hindi, Jamiah ang pangalan nya, anak ng kaibigan ng tatay mo na si Amir daw, malapit na daw mamatay ang tatay nya eh, gusto nyang makausap si Ki-be bago man lang daw malagutan ng hininga" paliwanag ni lola. Si Amir, matagal nang nakukwento ni tatay na may kaibigan silang hindi naituloy ang misyon dahil sa insedente na nagpa imbalido sa kanya, bukod duon kapag kinukulit ako ni tatay na sulatan si Collins ay sinasabi kong anak nalang ni Amir ang liligawan ko
***Flashback
"Kahit hindi ko kilala si Amir sa anak nalang nya ako magpapakasal dahil hindi makulit ang anak nya, hindi nya ginugulo ang buhay ko, ayaw ko sa makulit na bata" inis kong sagot kay Ama habang nakain kami, sina Saenz, Flare at Gertrude naman ay tahimik na kumakain lang at hindi makatingin sa amin, alam kasi nilang mauuwi lang sa away ang usapan namin ni Ama at nasanay na silang palagi akong mag wa walk out at magpapagutom hanggang sa hatidan nalang ako nina Flare at Saenz ng pagkain na niluto ni Getrude.
"Baog si Amir, wala syang kakayanang magka anak, at hindi na sya mag kakaanak kung magkaroon man ng himala dahil imbalido na ang ibabang bahagi ng katawan nya" sagot ni Ama at sumubo ng pagkain sabay walk out. Sa unang pagkakataon nakita naming natalo sa usapan si Ama, naging sensitibo sya nang mapag usapan ang kaibigan nya. Nang maka alis sa kusina si Ama ay binulungan ako ni Saenz
"Nag mana ka pala kay Salvador" bulong nya, naka kunot nuo akong tumingin kay Saenz "Wo walk out palagi" napansin kong napangiti sina Flare at Gertrude.**** end of Flashback
Hindi kailan man magkaka anak si Amir liban na lang kung nag ampon sya tulad ng ginawa ni Ama na pag ampon kina Flare, Gertrude at Saenz, pero malaki talaga ang hinala ko na si Coco ang tinutukoy nya.
"Hindi lola, matagal nang patay ang tatay ni Coco" pagpipilit ko"Hindi nga Coco ang pangalan ni Jamiah, sa dami ng kaibigan ni Ki-be sigurado akong iba yung Coco na sinasabi mo at Jamiah na tinutukoy ko" paliwanag ni Lola
"Anong itsura nya? May kulay pink ba ang buhok nya?" tanong ko "Maputi ba? Matangkad o maliit?"
"Maputi, maliit lang pero kulay itim ang buhok" sagot ni lola, luminga linga ako
"Nasaan ba sya?" tanong ko. Sigurado akong si Coco ang tinutukoy ni lola.
"Nasa ilog naliligo" sagot ni lola, inilapag ko ang bag ko sa sahig at agad na tumakbo sa ilog. "Teka apo!"
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Non-Fiction🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...