𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 58: Quarrel

146 6 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Cerrah

"Masarap bang pag agawan?" tanong ni Aluza sa akin habang naka cross arms at sinusukat ang katawan ko mula ulo hanggang paa

"Aluza galit ka ba sakin?" tanong ko kay Aluza. Simula kasi nang maging close kami ni Saenz ay hindi na ako kinikibo ni Aluza. Hindi parin sya sumasagot at hindi nya ako pinapansin habang patuloy na nagwawalis sa sahig. Nasa ilog sina Jenas at Saenz ngayon, gumagawa sila ng sallong para makahuli ng maraming isda sa pagdating ng bagyo. "Aluza!" sigaw ko at hinawakan sya sa braso

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Aluza "Sagutin mo ang tanong ko! masarap bang pag agawan ng dalawang lalaki?"

"Ano bang problema mo? may galit ka ba sakin?" tanong ko "Bakit ganyan ang tinatanong mo?"

"Anong pakiramdam na dalawang lalaki ang nakatuon ng pansin sayo? masarap bang maging apple of the eye?" tanong ni Aluza

"I don't understand Aluza" tanggi ko

"You don't understand?" tanong nya "Si kuya pilit na inaalala ang nakaraan nyo samantalang ikaw nakikipag flirt kay Saenz"

"Kuya mo na mismo ang nagsabi diba? He loves Kira, at kung magbalik man ang alaala nya ay hinding hindi na nya ako mamahalin" sagot ko "And about Saenz, hindi ako ang nakikipag flirt sa kanya, He's just comforting me"

"Comforting your face!" sigaw ni Aluza at padabog na nagwalis ulit

"Are you jealous? akala ko ba hindi mo kayang mahalin si  Saenz?" tanong ko natigilan si Aluza "Jan kayo magaling ng pinsan mo, Yung sinasaktan nyo ang damdamin ng mga taong nag mamahal sa inyo" agad akong sinampal ni Aluza

"You don't know how much I suffer because of Saenz! wala kang alam sa buhay ko!" duon ay umiyak na si Aluza "Alam mo kung bakit ako galit sayo? kasi iniwan mo si Kuya!"

"Hindi ko sya iniwan! sya ang nang iwan sakin!" sigaw ko at duon ay muli akong sinampal ni Aluza sa parehong pisngi.

*****Jenas

Kahit hindi kami nag iimikan ni Saenz habang gumagawa ng sallong sa ilog ay pilit naming pinakikibagayan ang isa't isa. Masama ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa nyang pang aabuso sa pinsan ko, at galit ako sa kanya dahil sa iniputan nya ako sa ulo nang galawin nya ang asawa ko, kahit ba pareho silang broken hearted ay dapat hindi nila ginawa yun... natahimik lang ako habang nag lalakad, bitbit ko ang maso samantalang bitbit ni Saenz ang ibang gamit, malalim akong huminga.

Masisisi ko ba si Cerrah kung mag hanap sya ng makakasama? may kasalanan din ako, kahit na di ko sya naaalala ay nagkarelasyon parin ako kay Kira, Kahit ilang beses ipaalala sakin nina Cerrah at Saenz na ex gf ko si Kira at si Cerrah ang legal kong asawa. Kasalanan ko dahil pilit kong pinapamukha kay Cerrah na hindi ko sya mahal pero bakit ganon? Dikta ng isip ko pero naguguluhan ako, sa tuwing iniisip ko si Kira ay humahapdi ang dibdib ko pero kung si Cerrah ang nasa isip ko ay sumasaya ako. Malapit na kami sa bahay, siguro mga benteng lakad nalang nang maring namin ang sigaw ni Aluza.

"Alam mo kung bakit ako galit sayo? kasi iniwan mo si Kuya!" sigaw ni Aluza, nagkatinginan kami ni Saenz at tumingin sa bahay kung saan makikita namin sa bukas na pinto ang nakatayong si Aluza at Cerrah

"Hindi ko sya iniwan! sya ang nang iwan sakin!" sigaw ni Cerrah, napatakbo kami ni Saenz sa dalawa nang sampalin ni Aluza sa mukha si Cerrah

"Aluza!" sigaw ko at lumapit kay Aluza para hawakan ang balikat

"Cerrah" mahinahong wika ni Saenz at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Cerrah, may gumuhit na hapdi sa puso ko nang makita ko ang itsura ng dalawa, P*cha ka Saenz namumuro ka nanaman sakin. pero di ko pinahalatang hindi ako natuwa sa postura nila. Nakatingin kami ng masama sa isa't isa ni Saenz, concern kami sa mga babaeng nilapitan namin pero, pareho naming alam ang rules ng pag awat, alam namin sa isa't isa na mas lamang ang pag aalala ko kay Cerrah gayon din naman ang pag aalala ni Saenz kay Aluza. Kung baga sa away, hindi mo dapat pigilan at awatin ang kasama mo, dapat ang pigilan mong makakilos ay yung kalaban para makabwelta ang kakampi mo at di mapuruhan, ganon din naman sa sitwasyon ng dalawang babaeng ito ngayon.

"Anong nangyari dito?" tanong ko "Bakit kayo nag sisigawan?" huminga ng malalim si Aluza

"Bakit mo iniwan si Kuya? Alam mo ba kung anong ginawa mo? nag suicide si kuya nang dahil sayo!" umiiyak na wika ni Aluza kay Cerrah, Halata ang pagka bigla sa mukha ni Cerrah, umiling iling sya

"Hindi ko sya iniwan" umiiyak na sagot ni Cerrah, tumingin sya kay Saenz "Saenz alam mo ang nangyari hindi ko iniwan si Jenas diba?" sinubsob ni Cerrah ang mukha nya sa hubad na dibdib ni Saenz at niyakap naman sya ni G*go. Bibinggo na sakin to kahit tropa pa kita isa pang tsansing sa asawa ko.

"Sabi mo eh" huminahon ang boses ni Aluza "Bagay talaga kayong dalawa ni Saenz" napatingin kaming lahat kay Aluza "Parehas kayong sinungaling" pumiglas si Aluza para mabitawan ko. Padabog syang umakyat sa taas para mag mukmok.

"Aluza" tawag ko pero patuloy parin si Aluza sa pag akyat kaya naman umakyat rin ako. "Aluza" wika ko at hinawakan sya sa braso kaya napahinto siya sa paglalakad papunta sa kwarto nya "Mag sorry ka kay Cerrah"

"Bakit sya ang kinakampihan mo kuya?!" galit na tanong ni Aluza

"Dahil sinaktan mo sya" sagot ko

"Nag sorry ba sya sayo sa nagawa nyang pananakit sa damdamin mo?" tanong ni Aluza "Diba hindi? so bakit ako mag so sorry sa kanya?" natigilan ako sa inaasal ngayon ng pinsan ko, mabait na bata si Aluza bakit sya nagung ganito? "I want to rest kuya" binitiwan ko sya at hinayaang magkulong sa kwarto.

**********

Parehong nasa kanya kanyang kwarto ang dalawang babae nang mapansin kong nasa patio sa labas si Saenz, nakaupo sa banister na semento habang umiinom ng kape, lumapit ako sa kanya at sumandal sa doorframe, nag aabang ako ng tiyempo para magsimulang makipag usap sa kasama, pinisil pisil ko ang ilong ko at huminga ng malalim

"Kailangan nating aksyonan ang away ng dalawa" suhestiyon ko. Humigop ng kape si Saenz

"Yan din ang iniisip ko" sagot ni Saenz

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon