𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 54: Kira's mission

132 3 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Kira

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, yung tipong ayaw mong mag sinungaling at manakit ng damdamin pero kailangan dahil tawag ng tungkulin. 😩 gusto ko si Cerrah para kay Jenas at ganon din naman si Jenas para kay Cerrah pero kailangang intact ako sa misyon. Nakatayo ako ngayon sa terrace ng kwarto ni Jenas, alam kong nararamdaman nya ang pagmamahal para kay Cerrah kahit na di nya maalala ang asawa nya, bakit? kasi mas pinili nyang matulog sa ibaba at hindi dito sa kwarto nya para makasama ako. Eto ang dahilan kung bakit hindi dapat pasukan ng kung ano aning impormasyon ang isip ni Jenas, maliligto sya, magugulo ang momentum nya at mawawala sya sa focus. Huminga ako ng malalim at inisip ang mission kong ito.

*****Flashback

"Kira nabalitaan mo na ba?" Tahimik lang akong gumagawa ng reports ko nang lapitan ako ni Viryl, bagot akong tumingin sa kanya "Nauwi sa engkwentro ang grupo ng Civet at ngayon nasa kritikal na kalagayan si Jenas"

"Ano?!" gulat kong tanong, "Nasaan na sya?!"

"Sa infirmary ng bureau" sagot ni Viryl

"Salamat" sagot ko at tumakbo para puntahan si Jenas

Nang makarating ako sa ospital ay agad kong inalam sa information desk ang lokasyon ni Jenas na itinuro naman sa akin kaagad, pag takbo ko sa ER ay nakita kong naka kumpol ang mga kasamahan nya habang kausap ng doctor

"I have a good news and a bad news" sagot ng doctor "Ang good news, natanggal namin ang syrum na tinurok sa systema ni Jenas bago pa man umabot sa utak nya kaya ligtas sya sa kamatayan"

"Ano po ang bad news?" tanong ng pinsan kong si Saenz

"Comatose sya, no one knows kung kailan sya gigising" sagot ng doctor

"Bakit naman ganon doc? may tinurok lang naman sa kanya bakit sobrang lala ng nangyari?" tanong ulit ni Saenz, dahan dahan akong lumapit sa kanila upang makinig sa usapan

"Yung tinurok na syrum kay Jenas ay malakas na uri ng likido kung saan maaaring mawalan ng isang portion ng alaala ang isang tao, usually ginagamit ng sindikato sa mga tauhan nila na may pakinabang pa. Mga taong marami nang nalalaman sa operasyon ng sindikato pero kailangang patahimikin pero dahil magagamit pa nila ang skills ng taong iyon ay buburahin nalang ang alaala, may laman itong nano chip na humahalo sa dugo para mag alter ng memories sa pamamagitan ng block technology program" paliwanag ng doctor.

******

Habang pinag aaralan pa ng mga panibagong heads ang nangyaring sagupaan ay unti unti naming natutunan ang tunay na nature ng trabaho namin. Lahat kami sa bureau na under ng 13 sectors ay binigyan ng idea tungkol sa 100 yrs. quest na mission namin.

Ang 100 yrs. quest ay ang misyong hawak namin ngayon, minana namin ito hindi lang sa batch nina Superior Marian Dean kundi sa ilan pang naunang henerasyon. Nataong sa generation namin ang ika 100 taon ng misyon. Ang sindikatong hinahunting namin ay minana rin at ipinagpatuloy ng mga kalaban tulad ng isang matagumpay na negosyo. Habang nag i improve ang teknolohiya ay nag u upgrade din sila ng tactics sa pagpapalaganap ng ilegal nilang gawain. Iyon ang Nano chip implant na tinuturok nila sa tao para, makalimot o maging carrier ng kung anong impormasyon na hindi mabilis ma de detect ng mga kagaya namin. May laman itong program na konektado sa severs at database nila para kontrolin ang tao, hindi direktang kontrolin kundi baguhin ang takbo ng isip ng isang tao specifically pag bubura o pag babawas ng ala-ala.

"Pwede nang lumabas ang lahat" utos ni Sir Kutaro, ang natitirang superior na buhay sa buong bureau, nang tumayo na kami ay tinawag ako ni Sir Kutaro "Kira" lumingon ako "Pwede ba kitang makausap?" nang makaalis na ang lahat ay lumapit sa akin si Sir Kutaro, sya ang nag silbing ama amahan ko sa bureau, sya ang umampon sa akin bago pa man maipanganak sina Mhar at Yvone, ako ang una nilang itinuring na anak

"Bakit po?" tanong ko "Papa"

"Alam kong hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyari kay Jenas at base sa mga pananaliksik ng grupo natin, may mga side effects ang serum na itinurok kay Jenas na maaaring makaapekto sa buong pagkatao nya" wika ni Papa, nakatingin lang ako sa kanya. "Ano't ano man ang epekto sa sistema ni Jenas, gusto kong ikaw ang mag handle sa kanya"

"Bakit ako po papa?" bigla kong tanong, alam nyang may nakaraan kami ni Jenas pero, alam naman ni Papa na nasasaktan ang asawa ko sa tuwing nagtatama ang landas namin ni Jenas

"Dahil ikaw lang ang makakatulong sa kanya" sagot ni Papa at humawak sa ulo ko "Naalala mo nuon? muntik nang masira si Jenas sa pagkamatay ng GF nya, ikaw ang umayos sa buhay nya at ngayon na maaaring maraming pagbabago sa kanyang pag gising may tiwala akong muli mo syang maaayos"

"Pero, pero paano po si Mama? paano ko sya mabibigyan ng hustisya Papa?" bigla kong naalala ang magandang mukha ni Ma'am Marian, ang malambing nyang boses at ang mainit nyang yakap sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob

"Nakamit na natin ang hustisya anak" sagot ni Sir Kutaro "Pinatay ko ang sarili kong kapatid para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng Mama nyo" halata ko ang lungkot sa mga mata ni Papa, ayaw ko na syang ma dissappoint kaya naman niyakap ko sya

"Sige Papa, pangako, susubaybayan ko si Jenas anu't ano pa man ang mangyari" pangako ko sa kanya. Niyakap din ako ni Sir Kutaro nang biglang bumukas ang pinto, tumambad sa amin sina Mhar at Yvone na nakatingin sa amin, nakadama ako ng hiya kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa. Jusko sana naman hindi nila isiping kabit ako ng Daddy nila. "Aalis na po ako" wika ko, yumuko akong naglakad palabas ng pinto pero paano ako makakalabas kung nakaharang silang dalawa?

"Wag ka nang mahiya sa amin Kira" wika ni Mhar. Nabigla ako dahil kilala nya ako?

"Kaya nga" parang malulunod ako sa boses ni Yvone, ka boses nya si Mama "Alam namin ang pagkatao mo Ate Kira" napatingin ako kay Yvone ate? tinawag nya akong ate? "Kinuwento ka na nuon sa amin ni Mommy, ikaw yung sinasabi nyang inampon nila ni Dad nuong di pa sila kasal, we're aware about your identity kaya di na kami magugulat kung super close kayo ni Dad"

"Ikaw ang unang baby nina Mommy at Daddy" natatawang habol ni Mhar

"Tanggap nyo kung sino at ano ako sa buhay ng parents nyo?" tanong ko

"Oo naman, masaya nga yon eh, may Ate kami" nakangiting sagot nina Mhar at Yvone. Napangiti ako sa kanilang dalawa

"Thank you" sagot ko

*****End of Flashback

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon