𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 36: My Mrs. Rivera

134 7 0
                                    


🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂
Tara sound trip:
Binibini by Zack  Tabuldo
&
Make it with you by Ben&Ben
🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂

*****Jenas

Nilaan namin ni Saenz ang buong mag hapon sa pag te training at pagko kondisyon ng katawan namin, Hindi na rin ginanahang kumain si Saenz gawa nang labis na pag iisip tungkol sa mga kasama namin kaya naman ay nagtaka din sina Aluza at Cerrah.

"Sure ka ayaw mong kumain?" tanong ni Aluza sa tahimik na si Saenz

"Mmn" sagot ni Saenz

"Kape?" tanong ulit ni Aluza, umiling iling si Saenz "Himala, nagpa purga ka ba sa bayan at naalis na yung mga anaconda jan sa tiyan mo?" napangisi ako sa hyperbole comment ni Aluza sa biglaang pagbabago ng apetite ni Saenz. Tumayo si Saenz

"Jenas ikaw na lang muna ang magbantay ngayong gabi, dun muna ako sa ilog" wika ni Saenz

"Magdamag ka don?" tanong ni Aluza

"Mmn" matipid na sagot ni Saenz at lumabas ng bahay

"Anong nangyari don?" nagtatakang tanong ni Aluza tanging kibit balikat nalang ang isinagot ko.

***********

Nang nag akyatan na ang mga girls sa itaas para magpahinga ay tumambay ako sa labas, sa may katre ay umupo ako bitbit ang gitara ni Saenz. Naisipan kong magpalipas ng oras sa pamamagitan ng paggigitara at pinili ko ang kantang Binibini na kinanta ni Zack Tabudlo

Nag simula na akong mag strum at kumanta

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Cerrah at suminag ang ilaw ng kwarto patungo sa labas kung nasaan ang medyo malawak na terrace

Lumabas mula sa loob ng kwarto si Cerrah papuntang Terrace

at nag simula syang sumayaw ng... Ballet
napangiti ako habang nag gigitara at kumakanta dahil ang ganda ng napapanood ko, Isang malumanay na sayaw ang ipinapakita sa akin ng aking asawa, tila ako'y nanghaharana sa ibaba habang siya ay sumasayaw sa ilalim ng asul na buwan.

Pagkatapos kong kumanta ay huminto n arin sa pag sayaw si Cerrah, nagkatitigan kaming dalawa at napangiti ako, naisip ko, ang dami ko pa palang dapat malaman tungkol sa asawa ko bukod sa nagkaroon kami ng relasyon nuon.

"Ang galing mo pala sumayaw" wika ko, pero pasigaw yon kasi medyo malayo ang distansya namin

"Ha?" tanong nya

"Ang galing mo palang sumayaw!" sagot ko

"Thanks!" sigaw nya, nagulat nalang kami ni Cerrah at sabay na napatingin sa kwato ni Saenz nang bumukas ang pinto nito sa terrace at lumabas duon si Aluza

"Ang ingay nyo naman!" reklamo ni Aluza "Hindi ako maka concentrate sa ginagawa ko"

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko habang nagpipigil nang tawa

"Nag yo yoga ako okay? I need peace of mind!" sagot ni Aluza "Okay na sana yung kumakanta ka pero yung nag sisigawan kayo na parang nasa magkabilang bundok kayo nakakairita sa eardrums yon"

#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon