🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Cerrah
Kinakabahan talaga ako sa kung anong mangyayari kapag magkita kita kami ng pamilya ni Jenas, baka galit parin sila sakin kahit na naipaliwang na lahat ni Aluza tungkol sa tunay na nangyari. 😭😭😭 Bakit pa kasi sumama ako kay Jenas eii..., naramdaman kong hinawakan ni Jenas ang hita ko habang nag mamaneho sya ng kotse, amp! simpleng manyak.
"Nag aalala ka ba?" tanong nya habang nakatingin lang sa kalsada
"Natatakot ako" sagot ko
"Hindi ka nila kakainin ng buhay, sinabi ko naman sayo na sila ang hihingi ng paumanhin dahil sa nag tanim sila ng sama ng loob nang inakala nilang iniwan mo ako diba?" tanong ni Jenas "Gusto nilang bumawi sayo kaya atat silang makita ka" tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse "Sasabihin ko rin na buntis ka"
"No!" sigaw ko
"Yes" sagot ni Jenas
"Jenas naman" wika ko "Nakakahiya"
"Kasal naman tayo, anong nakakahiya don?" tanong nya
"Mag hihiwalay nga kasi tayo diba?" tanong ko
"Hindi nga mangyayari yon diba?" sagot ni Jenas "Hindi ko hahayaang masira ang pamilya natin, ayaw kong lumaki ang anak natin na walang kinikilalang Ama" lihim akong kinilig sa sinabi ni Jenas, Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita 2 years ago, napaka matured nya mag isip, then nakilala nya sina Mhar kaya naging immature sya, tapos nagka amnesia sya kaya naging slight mature slight immature hanggang sa nalaman nyang magiging Daddy na sya, nararamdaman ko ang father instinct nya. "And Mrs. Rivera" napatingin ako sa kanya "Pinapangako kong magiging masaya ang pamilyang bubuuhin ko kasama ka" gosh! parang malalaglag ang panty ko sa kisig nya 😅😅😅 lalo syang sumarap dahil sa mindset nya ngayon aheheh 🤤🤤
"Bahala ka" pakipot ko. Pakipot si gaga 😂, napansin ko lang sa rear view mirror na napangiti sya.
Nang makarating kami sa bahay ng mga Rivera ay maraming nag bago, hmmm... mas dumami ang mga bulaklak na tanim? ang ganda kaya, tapos nagkaroon ng pond na may mga koi fish nice!
"Kailan pa to?" tanong ko kay Jenas habang tumatawid kami sa tulay ng fish pond nila
"Ewan ko kay Nieves, sila daw nagpagawa nyan sabi ni Mama" sagot ni Jenas
"Kuya!" bigla kaming napatingin sa direksyon ng babaeng sumigaw "Mama! Papa! nandito na sina Kuya At ate Cerrah!" sigaw nya, isa isang nagsidungaw sa pinto at bintana ang mga kamag anak ni Jenas, nanduon din ang mga pinsan nya at mga asawa at boyfriend ng mga ito.
Pag tungtong namin sa loob ng bahay ay binulaga kami ni Eugene
"Group hug!!" sigaw nya, sabay sabay na nag lapitan ang mga kapatid ni Jenas na sina Nieves Anne at Mierr Ann, Ang mga pinsan niyang sina Greacious, Sapphira, Serenity, Aluza, Alyza, Aiola bitbit ang pamangkin ni Jenas na si Xercei, Lumapit din sina Adonis, Eugene at Raph para maki group hug sa amin, napalibutan nila kami sa gitna at halos hindi na ako makahinga
"Tama na yan, di na makahinga sina Jenas" masayang wika ng pamilyar na boses, ang malambing na tinig ni Abuela Moon (Lola Moon) "Cerrah hija, kumusta ka na?" tanong nya, hinawakan nya ang kamay ko "Halika, umupo tayo" aya nya sa akin, napansin kong tumayo mula sa pagkakaupo sina Coud Van Heilden (Boss ni Nieves), Athrone De Silva (Boss ni Mierr), Orphen Seigle (Boss ni Sapphira) nandito pala sila? hanggang ngayon nagta trabaho parin sina Sapphira sa kumpanya ng magpipinsang iyon?
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Não Ficção🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...