🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂🍂*****Jenas
Nakita kong naglalaba mag isa si Cerrah kaya lumapit ako sa kanya
"Tulungan na kita" alok ko, tumingin sa akin si Cerrah
"No thanks" sagot nya at nag simula ulit na mag banlaw, kada galaw ng braso nya ay syang alog naman ng malulusog nyang dibdib "Tutulungan naman ako ni Saenz, nag sisibak lang sya para may panggatong si Aluza"
"Magpapatulong ka mag laba kay Saenz na ganyan ang suot mo?" tanong ko
"Bakit masama ba?" tanong ni Cerrah
"Masama dahil tingnan mo yang see through mong damit, hindi mo na kailangang ipasilip yang katawan mo dahil luwang luwa na" inis kong sita, tumayo si Cerrah at nag pamaywang
"Pakialam mo ba?" masungit na tanong ni Cerrah "Wala kang pakialam kung makita ni Saenz ang katawan ko, BF ko sya kahit anong gawin nya sa katawan ko wala kang pakialam naiintindihan mo?"
"BF mo? kailan pa?" nakangisi kong tanong, ayaw kong maniwala sa sinasabi nya.
"Since pinili mo si Kira" sagot ni Cerrah "Umalis ka nga dito, hindi kita kailangan istorbo ka lang sa trabaho ko" talagang natulala ako sa pagbabago ng kinikilos ni Cerrah. BI yata tong si Saenz eh natututo ng kabulastugan si Cerrah sa kanya.
kinagabihan...
*****Saenz
Biglang nag aya sa perya si Jenas kaya no choice ako kundi pumayag. Kasalukuyan kaming nakasakay ni Jenas sa bigbike habang hinihintay ang mga girls, sabay silang lumabas ng bahay nang sabay kaming nag salita ni Jenas
"Umangkas ka na sa akin Cerrah" sabay naming alok ni Jenas. Natulala sa amin si Cerrah habang nagkatinginan kami ni Jenas. Ngumiti si Cerrah at umangkas sa likod ko. One point., Habang pinapainit ko ang makina ng motor ay hindi ko namalayang nahihirapan palang maniobrahin ni Cerrah ang helmet nya kaya naman nabigla ako nang lumapit sa amin si Jenas, inayos nya ang helmet ni Cerrah kaya napatingin ako sa kanya. Nang matapos ayusin ni Jenas ang helmet ay bigla nyang sinarado ang helmet ko. Sisimulan ko na sanang paandarin ang motor nang biglang yakapin ni Jenas ang baywang ni Cerrah at binuhat sya pababa ng motor
"Ahh!" sigaw ni Cerrah sa pagka bigla
"Sakin ka na umangkas" malamig na tonong wika ni Jenas, tinanggal ko ang helmet ko at bumaba
"Gago ka ba Jenas?!" inis kong sita "Di mo ba naisip na baka masaktan yung tao sa ginawa mo? hinablot mo na parang bag lang si Cerrah ah!"
"Sumakay ka na" hinila ni Jenas si Cerrah papunta sa motor nya, hinawakan ko ang braso ni Jenas para pigilan sya
"Ano bang problema mo?" inis kong tanong
"Wala gusto ko lang i angkas ang ASAWA ko" inemphasize ni Jenas ang word na ASAWA "May problema ka?"
"Aba't!" akma ko sanang susunggaban si Jenas nang pumagitna si Cerrah
"Saenz, sige na, aangkas na muna ako kay Jenas" mahinahong wika ni Cerrah "Wag na kayong mag away" huminga ako ng malalim at talunang bumalik sa motor ko.
*****Aluza
"Aluza dun ka na kay Saenz sumakay" utos ni Kuya at pinaandar ang motor, iniwan nila kami ni Saenz, hindi ako iniimikan ni Saenz hanggang sa sumakay ako, ni hindi man lang nya chineck kung may gamit akong helmet, kung sabagay kahit i check nya ay wala naman akong magagawa dahil tatlo lang ang helmet at nalimutan yata ng dalawang lalaki na wala akong magagamit na protection sa ulo ko. Nang paandarin ni Saenz ang motor ay humawak ako sa baywang nya para hindi malaglag pero hinawakan nya ang kamay ko at inalis ang pagkakahawak ko sa baywang nya, tila ayaw nya akong kumapit o humawak sa kanya. Siguro ay galit si Saenz sa akin dahil sa nagawa ko sa kanya na pag papaasa. Nang makarating kami sa peryahan ay pinarada ng dalawang lalaki ang motor, at nang naglakad na kami sa mataong lugar ay nagpahuli ako ng kaunti, mukha kasing hindi ako kailangan sa grupo namin, nainis ako nang makitang sabay na humawak sina Saenz at Kuya sa magkabilang kamay ni Cerrah, bale, tatlo silang magka holding hands habang napapagitnaan nila si Cerrah. Nang makarating kami sa isang booth ay nagpaligsahan sina Saenz at Kuya na barilin ang mga naka display na maliliit na laruang sundalo, medyo nag eenjoy ako dahil kahit malayo at maliit lang ang mga laruan ay natatamaan nila hanggang sa mapanalunan nila ang naglalakihang teddy bears, masaya ako at nakangiti sa pag aakalang ibibigay sa akin ni Saenz o ni kuya ang laruan pero mali ako ng hinala, sabay nilang itinutok para ibigay kay Cerrah, natulala lang si babae dahil hindi nya alam kung kaninong teddybear ang una nyang kukunin. ppfft! arte
BINABASA MO ANG
#4 When I'm with You (Jenas and Cerrah Book2) 4th Story
Nonfiksi🍂🍂🍂🍂🍂🍂 It's been 2 years since namatay si Jenas, nabuhay nalang ng normal si Cerrah. Hindi na natupad ni Jenas ang pangako nyang babalik sya para magkasama sila ni Cerrah kaya nagpasya syang mag move on na lang. Umuwi sa Pilipinas si Cerrah pa...