Prologue

2.2K 59 12
                                    

Pagkababa ko ng eroplano ay pumikit ako upang damahin ang hangin after five years nakauwi din sa tunay kong tahanan. 

Nagmadali ako maglakad upang makita ko na ang mga kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita. Pagkakuha ko ng luggage ay tumakbo na ako dahil alam kong hinihintay na nila ako. 

Napangiti ako ng makita sila ngunit nagulat ako ng palibutan ako ng media. "Mr. Justin De Dios what are you feeling right now that your movie are recently trending around the world?"Tanong ng isang reporter. Ngumiti muna ako bago sumagot.

"Of course I'm very happy that my team's hard works paid off."Sagot ko. Natupad ko na ang pangarap ko isa na akong director ngayon, hindi lamang basta director ngunit isa sa mga kilalang director. Lahat ng sakripisyo at pag-iyak ko noon ay nasuklian na ngayon.

"So are you staying for good here in the Philippines?"Tanong naman ng isa pang taga media.

"Yes at hindi na ako aalis pa ulit."Tumingin ako ng direkta sa camera. Nagulat naman ako ng nasa tabi ko na si kuya Stell, kuya Pau at kuya Ken may hinanap pa akong isa pero wala siya. Bakit ko ba ineexpect na makita siya dito?

"Sorry guys but Justin needs to rest. I hope you will understand."Malakas na pagkakasabi ni kuya Pau para marinig ng mga taga media. Nag mistulang body guard ko silang tatlo hanggang makasakay ng sasakyan.

"Jah!" Sigaw ni Ava pagkapasok ko sa sasakyan. Niyakap ko siya hindi pa rin siya nagbabago maingay pa rin siya.

"Blooming ah!"Bati ko sa kanya at natawa naman siya. Tumingin ako kay mama at papa at niyakap din sila bumyahe pa sila dito sa Manila galing Pangasinan para masundo lang ako.

"I'm so proud of you anak!" Naiiyak pa si mama kaya nagtawanan kami dito sa sasakyan.

"Hoy Jah lilibre mo kami ah hirap maging body guard mo, nakalmot pa ako oh."Turo ni kuya ken sa braso nya.

"Napakahilig mo sa libre Ken Suson parang hindi ka pinapasweldo ni Josh---"Hindi natapos sabihin ni kuya Stell ang sasabihin ng hampasin siya ni kuya pau. "Aray naman mahal!"Reklamo nito.

"Napakadaldal mo talaga Stellvester!"Kuya Pau rolled his eyes. Hindi pa din sila nagbabago limangtaon na nakalipas ganito pa rin sila.

"Okay lang kuya Pau."I smiled. 

"Siya Siya umayos na kayo dyan at aalis na tayo."Sabi ni dad dahil siya pala ang driver.

Dumiretso kami dito sa bahay ni kuya Stell at kuya Pau, nakapagpatayo na sila ng sarili nilang bahay parang dati lang ay magkakasama pa kami sa condo. Dito muna ako mag stay pansamantala hanggang sa makahanap ako ng malilipatan. Nililibot ko ang paningin ko dito sa bahay ng may umakbay sa akin.

"Did you like our new house?"Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Our? diba bahay nyo to ni kuya Pau?"Nagtataka kong tanong. Natawa siya sa reaksyon ko.

"Mahal na mahal ka ni John Paulo eh sa atin daw itong tatlo itong bahay na ito nasanay na siya na tayong tatlo magkakasama since college."

''Wow no touched naman ako dun."Nilagay ko pa ang kamay ko sa may puso ko at nagkunwaring mangiyak-ngiyak.

"Baliw ka Jah."tawang-tawa siya sa ginawa ko."Namiss kita bunso."Nagsisimula na siya magdrama emsz.

"Namiss ko din kayo."sabi ko at tiningnan sina kuya Ken na nagkukulitan sa living room.

"Pati si'---"Hindi nya nanaman natapos ang sinabi nito dahil sinamaan ko siya ng tingin, natawa naman siya.

"Bahala ka dyan kuya."Pumunta na lang ako kay na kuya Pau dahil aasarin lang ako ni kuya Stell.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now