Chapter 22

772 42 10
                                    

Nagising ako ng may marinig ako na may nag-uusap sa gilid ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil kumikirot ito. Nagmulat ako at napansing wala ako sa kwarto ko, iaangat ko sana ang kanang kamay ko ng mapansing nak swero ako.

Naririnig ko ang boses nina Ava pero hindi pa yata nila napapansing gising ako dahil may pinag-uusapan sila.

"Anong nangyayari?" Sabi ko at agad naman silang naglapitan sa akin.

"Bunso pinag-alala mo kami. Kamusta pakiramdam mo?"Tanong ni Kuya Stell. Nakapalibot silang lahat sa kama ko, at ngayon ko lang napansin na kumpleto sila na nandito.

"Medyo nahihilo pa. Anong nangyari?" Tanong ko kay Ava.

"Nahimatay ka kanina sa parking lot nataranta ako kaya diniretso na kita dito sa hospital instead na sa university Clinic." Pagpapaliwanag ni Ava. Naalala ko naman na bigla nga ako nahilo kanina habang nag-uusap kami. 

Tumingin ako kay Josh ng hawakan nya ang kamay ko namumugto ang mata nya. Umiyak ba sya? nakita ko naman nagkatinginan sina kuya Stell at pumunta muna sa may couch dito sa room ko.

"You always said to take care and don't be so hard to myself pero bakit ikaw pinabayaan mo ang sarili mo?" Hinapos nya ang kamay ko.

"Sorry masyado lang akong nagkulang sa oras, ang dami ko kasing hinabol na gawain." Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil magagalit lang siya sa akin.

"Masyado mo ako pinag-alala Jah noong tumakbo si Stell sa akin at sinabi ang nangyari hindi mo alam kung paano ako nag-alala sayo. Please don't do that again ha? Hindi ko kaya na nakikita ka dito sa hospital na nakahiga." He kissed my hand.

"Sorry Josh hindi na mauulit." Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong pagkain?" Tanong nya. Nag-isip naman ako.

"Gusto ko lang ng sabaw." Sabi ko.

"Sige bibili muna ako, babalik din ako agad okay?" Hinalikan nya ang noo ko at umalis na sila ni kuya Ken at Ava.

Lumapit sa akin si kuya Stell. "Justin anong sabi ko sayo diba magpahinga ka. Anong sasabihin ko nito kay na mama mag-aalala yon." Kumuha siya ng tubig sa side table at pinainom ito sakin.

"Kuya pwede wag mo nang sabihin? Gagaling din naman ako agad eh." Pakiusap ko. Sigurado kasing mag-aalala yon at mapapatakbo rito sa Manila.

"Pero Jah..."

"Please kuya?" Pinutol ko ang sinabi nya. Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sa akin.

"Sige pero promise mo sa akin na magpapahinga ka muna sa pagtanggap ng comissions." Sabi nya at napabuntong hininga ako.

"Opo kuya." Tumungo ako. Ang gusto ko lang naman ay tumulong pero lalo pa ako nakadagdag sa  problema.

Maya-maya ay dumating na sina Josh na may dalang pagkain. Hinanda ni Josh ang pagkain at si kuya Stell at kuya pau naman ay uuwi muna para kumuha ng gamit.

"Jah kain na." Josh said. Inalalayan nya ako makaupo para makakain. Kinuha nya ang pagkaing binili nya at sinubuan ako. 

"Walang lasa Josh ayoko na." pagrereklamo ko. 

"Nakakatatlong subo ka palang Jah paano ka gagaling?" Sabi nya at binaba ang tasa sa table.

"Basta wag mo ko iwan gagaling na ako." I smiled at him. 

"Naku De Dios may sakit kana gumaganyan ka pa." He laughed.

Umabot ako ng tatlong araw sa ospital, hindi ako iniwan ni Josh umuuwi lang siya kapag kukuha ng damit ginawa nya pang office tong hospital dahil dito nya ginagawa ang trabaho nya. Lalabas na ako ngayong araw, inaayos na ni kuya Stell ang bill ko sa baba at si Josh naman ay inuwi muna yung iba kong gamit pero pabalik na rin siya.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now