Chapter 26

990 42 9
                                    

"Direk I'll call the actresses that we list down that suits for the role." My assistant director said.

"Okay don't forget to tell them to be on time for the audition thank you." Sinara ko ang laptop at umalis na ang assistant director ko for my upcoming movie.

Binuksan ko ang phone ko napahinto ako ng makita ko ang lock screen wallpaper ko, naalala ko nanaman ang unang pagkikita namin makalipas ang limang taon. 

"Nakakahiya talaga!" Mahinang sigaw ko dito sa aking opisina. My lockscreen wallpaper that he saw was our photo together in Pangasinan nakatalikod kami dito sa camera at nakatingin sa dagat habang magkahawak kamay. "Bakit hindi mo kasi agad pinalitan yang lock screen wallpaper mo? ang tanga mo talaga Justin!" Panenermon ko sa aking sarili. Agad kong pinalitan ito at tumayo na para umalis sa office.

A well-known TV network in our country hired me to make movies and series for them that's why my busy life is back. I call kuya Stell to tell na pauwi na ako.

"Oh pake ko?" Rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. I rolled my eyes na akala mo ay nakikita nya ako.

"Tatanungin pa naman sana kita kung gusto mo ng strawberry cake kaso sinusungitan mo lang ako so--" Natawa naman ako ng bigla nyang pinutol ang sinasabi ko. Hindi pa rin nagbabago si kuya adik pa rin siya sa strawberry.

"Ito naman jinojoke lang! Ingat ka bunso ah? pauwi na rin kami ingatan mo yung cake ko." Magalang na sambit nya, natawa na lang ako sa kanya.

"Oo na." I chuckled and ended the call.

Dumaan muna ako sa mall bago umuwi dahil dito ko bibilhin ang cake ni kuya Stell. Habang naglalakad ako sa loob ng mall ay mayroong mga nakaka kilala sa akin at nagpapakuha ng pictures kaya agad kong binilisan ang paglalakad at bumili na agad ng cake. Parang kailangan ko ng mag invest sa  hoodie na jacket and mask? Bago ako lumabas sa mall ay nadaan ko ang Jollibee kaya umorder muna ako dahil namiss ko ito. This is my favorite fastfood lalo na noong college ako lagi kami dito kumakain ni... nevermind. Pagkaabot sa akin ng order ko ay agad na akong umalis.

Pagkarating ko sa bahay ay eksaktong kakarating lamang ni kuya Pau at kuya Stell. Simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas ay ang pag babalik ng pagiging third wheel ko sa dalwang to. Habang kumakain kami ay sinusubuan pa ni kuya Stell si kuya Pau ng chicken kaya napairap ako.

"Napaka bitter mo." Kuya Stell chuckled. Padabog kong kinuha ang sundae ko at kinain ito.

"Mag boyfriend kana kasi Jah para hindi ka laging aburido dyan pag nakikita mo kaming sweet ni Stell." Natatawang advice ni kuya Pau. Mukha lang talaga akong nandidiri pag nakikita silang ganito pero i'm happy for them kasal na lang ang kulang sa kanila.

"I'm taken." Casual kong sagot sa kanila. Natawa naman ako sa itsura nilang dalwa dahil napatigil sila sa paglalandian.

"Anong sabi mo?" Tanong ni kuya Stell.

"I'm taken...taken by none." pagkasabi ko non ay tumawa ako ng malakas nakatikim naman ako ng masasamang tingin mula sa kanilang dalawa.

"Pwede ba kitang sapakin?" Seryosong sabi ni kuya Pau kaya lalo akong natawa.

"Buang kana." Umiling-iling si kuya Stel at bahagyang tumawa. Tinuloy ko na ang pagkain ng Jollibee ko habang nagkukwentuhan kami ng mga bagay bagay pati na rin mga nangyari dito noong na sa America ako.

"Alam mo ba sumakit ulo namin ni Pau kay Ava at Ken noong umalis ka?" Pagkukwento ni kuya Stell.

"Bakit? dahil nagbreak sila? nakwento sa akin ni Ava yun eh." I said. Naalala ko noong umiiyak sa akin si Ava magkavideo call kami noon busy ako mag-aral sa america tapos siya nakain ng icecream habang umiiyak.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now