Chapter 16

931 33 4
                                    

"Give around of applause to the director of Romeo and Juliet Mr. Justin De Dios!" Umakyat ako sa stage at kumaway nakita ko naman si Josh, kuya Pau, Kuya Stell, Kuya Ken at Ava sa audience na pumapalakpak.

Masarap pala sa feeling na palakpakan ng mga tao dahil sa obrang ginawa mo. Napili ako bilang director sa stageplay na ito ng school namin dahil napansin ng mga professor na magaling daw ako sa ganito at ito ang forte ko agad naman akong sumagot ng oo dahil pangarap ko ito.

Pumunta ako sa gitna at ngumiti. Naghawak kami ng kamay ng mga kasali sa play at nag bow sa audience, lalong lumaki ang ngiti ko sa labi ng lumakas ang palakpakan nila.

Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa backstage. Nakatanggap ako ng text kay Josh na hihintayin nila ako sa labas at mag cecelebrate kaming barkada dahil successful ang play namin.

Kinuha ko na ang bag ko at handa ng umalis ng makita ko ang dean namin na papalapit sa akin. "Congrats Mr. De Dios ang ganda ng kinalabasan ng play, hindi kami nagkamali na ikaw ang pinili namin." He offered a shakehands at tinanggap ko iyon.

"Thank you Sir, thank you for giving me this opportunity." I respond and similed at him.

"Ang galing mo para sa isang baguhan na mag direct ng ganitong play you did great." pagpuri nya sa akin.

"Pangarap ko po kasi ito eh, yung maging director kaya ginawa ko po yung best ko para maging maganda ang kalabasan." pagkukwento ko at tumango-tango naman siya.

"Oh so pangarap mo talaga maging director? Kaya pala magaling ka kasi passion mo."

"Opo." Nahihiya kong sagot.

"Last term mo na ito right?" He asked and I nodded.

"Anong plano mo pagka graduate?" tanong niya.

"I want to pursue my degree po, mag-aapply po ako sa graphic designer or cartoonist pero pinag-iisipan ko pa po kung mag train po ako bilang director." pagkukwento ko.

"Perfect!" Sabi nya at napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko gets ang sinabi nya.

"Inapproached kita kasi may gusto ako i-offer sayo and sakto gusto mo din pala talaga mahasa ang skills mo sa pagiging director."

"What do you mean po?" I asked because i'm confuse.

May inabot siya sa akin na papel na hindi ko napansin na hawak nya ito kanina pa.

Tiningnan ko ito at nanlaki ang mata ko dahil ang nakalagay dito ang isang school sa USA na nag offer ng training para sa mga nais maging director.

"Napabilib mo ako Mr. De Dios, nakita ko na gustong gusto mo yung ginagawa mo. Binigyan ako ng school na yan na ng isang slot sa taong gusto maging director at mahasa pa mabuti ang skills nila at nakikita ko na para dito ka." Nagulat ako sa sinabi sakin ni Dean at parang hindi mag sink in lahat ng sinabi nya sa akin.

"Big opportunity to sayo lalo na pangarap mo pala talaga maging director, malaking impact to sa magiging career mo pag kinuha mo to alam mo namang hindi madaling makapasok sa mundo ng showbiz diba?" He said and I nodded.

"Hindi mo naman kailangan aga magbigay sa akin ng desisyon may panahon ka pa na pagisipan so pagisipan mo mabuti okay?" He tapped my shoulder at iniwan akong nakatulala.

"Justin buti na lang pala ikaw talaga kinuha nilang director no? Ang ganda tuloy ng kinalabasan noong play."Sabi ni Ava.

"Syempre magaling talaga boyfriend ko. Diba Jah magaling ka?"Sabi ni Josh.

"Jah."

"Huy Jah!"Tawag nya ulit sa akin ng malakas at natigil ang pag-iisip ko.

"Bakit ka nakatulala? May problema ba? Successful naman play nyo ah?"Nagtatakang tanong ni Josh.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now