Chapter 10

1.4K 54 4
                                    

Nagising ako dahil tumunog yung phone ko, babangon sana ako ng ma realize kong may nakayakap sakin.

Napangiti ako ng narealize ko na hindi nya tinaggal ang pagyakap sakin habang natutulog kami.

"Gwapo talaga ng boyfriend ko."I kissed his forehead.

Naalimpungatan yata si Josh sa ginawa ko dahil napangiti siya at mas hinigpitan nya ang yakap sa akin.

"Josh wake up."

"Good Morning baby."He kissed my lips.

Napatakip naman ako sa bibig ko ng marealize yung ginawa nya. "Josh hindi pa tayo nagtotoothbrush ano ba!" hinampas ko siya at tinawanan nya naman ako.

"Ngayon ka pa mahihiya sakin? Kung kailan patay na patay na ako sayo?" He kissed me again.

Bumangon na ako at hinila siya. "Maligo ka na nga, may pupuntahan pa tayo nina kuya Stell eh."

"Gusto mo sabay tayo?"pang-aasar nya nanaman.

Sinamaan ko siya ng tingin."Gusto mo suntok?"

"Ito na nga boss maliligo na." He kissed my cheeks first then pumunta na sa banyo.

My ghaaaad so clingy ha! Napangiti na lang ako ng sinarado nya ang pintuan.

Binuksan ko muna yung phone ko at nagtingin-tingin sa twitter. Nagkalat pictures namin nina kuya Stell dahil nag upload pala sila.

Nakita ko ang tweet ni kuya Ken picture naming lima sa dagat kahapon siya yung nasa gitna sa picture.

@kensuson_
Fifth wheeling...wish you were here.

Panigurado nagwawala na sa kilig si Ava ngayon. Nagscroll ulit ako at nakita ko naman ang tweet ni kuya Stell. Tinweet nya ang stolen shot nila ni kuya Pau mukhang nagbibicker sila dito sa picture kasi masama ang tingin sa kanya ni kuya Pau.

@stellvester_
Ang sarap mo talaga mahalin!@imszc

Natawa na lang ako sa tweet ni kuya Stell ang cute din talaga nilang magjowa eh. Sunod ko naman nakita ang tweet ni jashkalen. Ito yung picture noong sinagot ko siya kahapon nakakiss siya sa noo ko.

@joshcullen_s
Mamahalin kita kahit sa'n man tayo dalhin ng tadhana'y 'Di ka mag-iisa🎶 @jahdedios.77

Napangiti ako sa tweet nya. He's the sweetest grabe. I retweeted his tweet at nag tweet na rin ako, inggitero ako eh.

Pinili ko yung picture na kinuha ni kuya Stell kahapon yung magkaholding hands kami habang vinivideohan ko siya.

@jahdedios.77
My tangi<3 @joschcullen_s

Binitawan ko na ang phone ko at saktong lumabas na rin si Josh sa cr kaya ako naman ang naligo.

Naghilamos muna ako pagkatapos ay nagtoothbrush. Kinuha ko ang tootbrush ko at napansin na may toothpaste na ito. Napangiti ako bigla dahil dito, maliit na bagay pero natutuwa agad ako.

Delikado ka na talaga De Dios.

Binilisan ko na kumilos para makaalis na kami. Kasama namin parents ko ngayon pupunta kami sa isang island namin, hindi na kami kumain dahil doon na lang daw, nagpahanda daw si papa ng mga pagkain doon mag boodle fight daw kami.

Sasakyan namin ang ginamit namin, si papa na ang nagdrive para daw makalandi si kuya haha.

Ilang minutes lang ay nakarating na kami, nakita nanamin ang bangkang naghihintay sa amin.

Tumakbo kaming lima papunta sa dagat para makasakay na kami sa bangka, para kaming mga batang sabik gumala.

Pagsakay ko sa bangka ay inalalayan ako ni Josh. Nakakahaba ng buhok to ah.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now