Chapter 35

1.2K 43 13
                                    

"Dre nakita ko si Kmer hinahanap ka. May sasabihin daw tungkol doon sa group project puntahan mo daw siya sa labas ng building." Sabi ni Pau pagkarating nya dito sa tinatambayan namin. Kasabay niyang dumating si Stell. Hindi talaga mapaghiwalay ang dalwang to. 

Hinampas ko ng libro si Ken bahagya para mapunta ang atensyon nya sa akin, naglalaro kasi siya sa phone nya. Tinanggal niya ang earphone nya at tumingin sa akin. "Bakit?" Tanong nya.

"Samahan mo ako pupuntahan ko si Kmer sa labas ng building." Sabi ko.

"Ayoko bahala ka dyan." Sabi nya at sinuot na ulit ang earphone nya. Nawala naman ang ngiti ko. Napakatamad talaga nitong si Suson kahit kailan!

Tinawanan naman ako ng magjowa kaya nagdabog ako paalis.

"Oh ayan na pre yung flash drive ha? Wag mong iwawala yan dyan nakasalalay grade natin." Pag-abot ni Kmer ng flashdrive sa akin.

"Sige sige." Sabi ko. Tinapik nya ang braso ko at umalis na.

Nilagay ko muna ang flashdrive sa bag ko dahil baka mawala ito at pagnangyari yon baka isumpa ako ng mga kagrupo ko. Pagka-ayos ko ng bag ko ay napansin ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin at parang gusto akong lapitan. Napangiti ako ng bahagya. He's cute, matangkad pero mukha siyang batang nawawala. Bago siguro to dito? Hindi kasi naka uniform eh.

"What do you need?" Tanong ko ng nakitang kong tatalikuran nya na ako.

Lumapit siya sa akin at tila nahihiya. He's really cute damn. He has a angelic face parang hindi mo makikita na nakikipag-away to he look so innocent.

"Hi! I'm looking for my kuya kasi, Do you know Stell Ajero by any chance? Hindi sya sumasagot sa tawag ko eh." Tanong niya.

Kuya nya si Stell? Ang liit nga naman ng mundo magiging brother in law ko po yata si Stell, joke baka masapak ako non. 

Nilapitan ko siya at kunwaring sinusuri ang mukha nya pero gusto ko lang talaga makita ng malapitan ang mukha nya. "Kuya mo si Stell?" Tanong ko at nagliwanag naman ang mukha nya.

"Do you know him?" Masaya nyang sabi. Gusto ko matawa sa reaksyon nya dahil para siyang bata kaya naisipan kong asarin siya.

"Hindi." Sagot ko at nakita ko ang pagsimangot ng mukha nya kaya bahagya akong napatawa. Shit he's really cute, crush ko na yata siya.

"Joke lang dre! Tara samahan kita sa kanya." Sabi ko at inakbayan siya. Nakita ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko. Lahat yata ng reaksyon ng mukha nya bagay sa kanya? Unfair ka naman po yata Lord.


"Pau tanungin mo na kasi kay Stell kung ano yung social media account ni Justin!" Pagpilit ko kay Pau nandito kaming dalwa sa isang restaurant at kumakain ng dinner. Nauna ng umuwi si Stell at Justin dahil aayusin pa daw nila ang gamit ni Justin sa condo nila.

"Bakit ba kasi? Ikaw kaya manghingi kala mo hindi nya tropa si Stell eh." Naiinis na sabi ni Pau. Napakabugnotin talaga nitong si John Paulo!

"Gusto ko lang i-close mukhang mabait eh." Palusot ko.

"Type mo si Justin no?" Pang-aasar ni Ken. 

"Wow kasama ka pa pala namin? Akala ko hangin lang ang kasama namin dito eh." Sabi ko at tinawanan nya lang ako bago siya kumagat sa paborito nyang chicken.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko dahil mukhang hindi ko naman mapipilit si Pau na alamin ang account ni Justin.

"Justin De Dios." Biglang pagsalita ni Pau.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Yan yung full name ni Justin yan din pangalan nya sa facebook." Sabi ni Pau at bigla naman akong natuwa.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now