Chapter 31

999 42 13
                                    

"Jah tara na wag ka ng kj!" Hila sa akin ni Josh papalabas ng kwarto ko.

"Pagod nga ako! ang kulit mo naman Josh!" Hinihila ko ang braso ko na hinihila niya.

When he said that he want our friendship back, bumalik na rin ang pagiging makulit nya lagi na lang siya nandito sa bahay like old times lagi nya ako tinetext, vinivideocall para siyang bata na laging nawawala pag hindi ako nagpaparamdam. 

"Dali na pag ako nalunod ikaw ang may kasalanan ha?" He pouted. 

"Eh sino ba may sabing mag swimming ka? tsaka nandyan naman si kuya Pau, kuya Stell at Kuya KEn." I rolled my eyes.

Hindi ko alam kung bakit nanaman to nandito eh? Parang hindi CEO ang daming time daig pa ako. Kakauwi ko lang galing Showbt at namili na kami ng mga magiging cast sa movie kong gagawin tapos nadatnan ko itong si Josh nandito nanaman sa bahay.

"Hindi na kita mapipilit?" Nagpaawa pa siya ng mukha nya. Natawa na lang ako, isip bata talaga tong bwisit na to.

"Oo na! Pero sa gilid lang ako ng pool ha? pagod ako eh." Tuwang-tuwa siya sa naging sagot ko at hinila ako papunta sa pool area namin dito sa bahay.

Pagkarating namin sa pool are ay umupo kaming dalwa sa gilid ng pool. "Kuya Ken bakit wala si Ava?" Tanong ko kay kuya Ken na nagswim palapit sa amin.

"Busy sa work." Sabi nya at tumabi sa amin ni Josh.

"Parang kayong apat lang naman ang hindi busy ang dami nyong time." I chuckled.

"Kami lang to Jah!" Josh chuckled. "Nagugutom ako kuha ako pagkain gusto mo Jah? kuha kita." Tumango na lang ako at tumayo na siya para kumuha ng pagkain.

Nag eenjoy ako sa pag tatampisaw ng paa dito sa pool, narerelax ko. Tiningnan ko si Kuya Pau at kuya Stell na nagkukulitan habang naliligo sa pool. They are so inlove with each other.

"Okay na talaga kayo ni Josh?" Napatingin ako kay kuya Ken na nagsalita. Nginitian ko siya at tumango.

"We decided to be friends again." Sagot ko.

"Yun ba talaga gusto mo?" Seryoso nyang tanong sa akin. Si kuya Ken hindi siya ganoon magaling makipag-usap sa iba pero siya lagi nag aadvice sa akin tungkol sa mga bagay-bagay kahit noon pa man.

"Oo nakakapagod rin naman na lagi kami nag-iiwasan. Atleast kahit hindi na kami naiwan pa rin yung friendship namin sa isa't isa diba?" I said at tiningnan ko ang mga paa kong nakababad sa tubig.

"Hindi mo na siya mahal?" Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Okay na magkaibigan kami kuya Ken hindi na kami magkakasakitan." Sagot ko.

"Hindi mo na sagot ang tanong ko Justin." Sabi nya. Sasagot pa sana ako ng dumating na si Josh. Nilapag nya ang pagkain at drinks na dala nya.

"Oh Jah kumain kana gutom kana galing ka pa sa trabaho." He smiled to me. Nagkatinginan naman kami ni kuya Ken. Sumubo ako ng lasagna na dinala ni Josh.

"Dahan dahan sa pagkain Jah ah baka mabusog ka agad." Sarkastikong sabi ni kuya Ken at tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin at lumangoy na siya papalayo samin.

"Ano trip non?" Tanong ni Josh napansin nya sigurong inasaar ako ni kuya Ken.

"Ewan ko don hindi nanaman yata nakainom ng gamot." I chuckled. "Buti di sumasakit ulo mo dyan sa tatlo no? magkakasama kayo sa isang kumpanya."I said and sipped my iced tea.

"Hindi naman, matino naman sila pag nasa trabaho. Ikaw how's your work na stress ka ba?" Siya naman nagtanong sa akin.

"Na stress pero masaya pa rin ganun siguro pag gusto mo yung ginagawa mo." I smiled at him.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now