Chapter 17

905 34 6
                                    

Mahimbing akong natutulog ng mag ring ang phone ko. Kinapa ko ang phone ko sa side table at sinagot ito habang papikit pikit pa ako dahil sa antok.

"Hello Jah open the door andito ako sa labas ng condo mo. I brought food nag dodoorbell ako hindi mo binubuksan ang pinto kaya tinawagan kita." Sabi ni Josh sa kabilang linya.

"Sorry tulog pa kasi ako, wait lang pagbubuksan na kita." He ended the call.

Bumangon ako kahit antok na antok pa ako at pumunta sa pinto para pagbuksan si Josh. Pagkabukas ko ng pinto ay nakasandal siya sa pader at may dalang paper bag ng jollibee. Lumapit siya sakin at automatic na ngumiti.

"Hi babe antok ka pa?" Natatawa niyang sabi dahil nagkukusot pa ako ng mata.

"Oo umaga na kami natapos ni Ava gumawa ng thesis eh ginawa na namin lahat ng pina revised para medyo makapahinga kaming dalawa."Sabi ko at naglakad na kami papasok ng condo.

Nilagay nya ang pagkain na dala nya sa dining area at ako naman ay nahiga dito sa couch dahil antok pa talaga ako.

"Nasaan si Ava?" Tanong nya.

"Umuwi na pagtapos namin gumawa pinapatulog ko nga dito kahit saglit pero ayaw nya, uuwi na daw siya." Lumapit siya sakin.

Sumenyas siya na uupo siya kaya inangat ko ang ang ulo ko at pinaupo siya tapos humiga ako sa lap nya.

"Nako baka sa condo ni Ken yon natulog." He chuckled.

Nagmulat ako at kumunot ang noo."Bakit sila na ba?"Tanong ko.

Pinaglalaruan nya ang buhok ko at lalo naman akong inaantok sa ginagawa nya.

"Hindi ko alam sa dalawang yon ang gulo nila ilang taon na silang ganyan." Sabi nya. "Nasaan pala sina Pau?" Tanong niya.

"Umuwi sila kay na kuya Stell, sinasama nga ako eh kaso kailangan ko matulog kasi umaga na nga kami natapos gumawa ng thesis paper." pagkwento ko.

"Buti na lang pala naisipan kong pumunta dito. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya tumayo ka na dyan kain na tayo tapos matulog ka nalang ulit mamaya anong oras na oh 2pm na." Sabi nya at tiningnan pa ang orasan na nakasbit sa wall.

"Sige gutom na din ako sabayan mo ako ah." I smiled at him kahit antok pa talaga ako.

Tumayo na ako at hinila nya ako papuntang dining area. Habang kumakain ay ang daldal ni Josh habang ako ay tahimik dahil antok na antok talaga ako.

"Gusto mo kape?" Tanong nya.

"Ayoko gusto ko lang talaga matulog." Sabi ko at kumain ng chicken.

Pagkatapos naming kumain ay nag prisinta na si Josh na siya na ang magliligpit at matulog na lang daw ako.

Agad akong pumunta sa kwarto at humiga sa kama pagkahiga ko ay nakatulog na agad ako.

Paggising ko ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakayakap kay Josh habang siya naman ay busy manood ng movie sa tv.

"Anong oras na?"Tanong ko.

"6 pm." cassual na sagot nya.

Napabalikwas agad ako sa sinabi nya. Grabe halos buong maghapon akong tulog tapos siya nandito lang sa tabi ko nakaka konsensya naman binisita nya ako tapos nagtulog lang ako.

"Hala bakit hindi mo ako ginising? Nasayang lang tuloy punta mo dito natulog lang ako maghapon." I pouted at tinawanan nya naman ako.

"Anong nasayang? Eh ang sarap mo nga pagmasdan habang natutulog ka. Tsaka natulog din ako kanina nauna nga lang ako magising sayo." Sabi nya at hinalikan ang noo ko.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now