Chapter 6

1.3K 49 8
                                    

"Sinasabi ko talaga sayo Josh Cullen Santos! Subukan mo saktan kapatid ko maghahanap ka ng ibang mukha!"pangbabanta ni kuya Stell kay kuya Josh.

Do I need to address him as kuya pa rin? Hindi ba pwede Josh na lang kasi nililigawan nya na ako?

Nandito kami sa condo nagpakain si kuya Josh kasi pumayag daw ako magpaligaw, akala mo naman sinagot ko na kung makapag pakain.

"Hindi ko nga sasaktan kapatid mo kuya Stell."pang-aasar nya kay kuya Stell.

"Kuya? Gago mas matanda ka pa sakin."natawa naman kami sa sagot nya.

"Nagpakain ka agad eh nanliligaw ka pa lang naman? Hindi naman ikaw ang gusto nito eh, ako kaya gusto ni Jah."Nilapitan ako ni kuya Ken at inakbayan para maasar si kuya Josh.

Yung dalwang jowa naman ay mabubulunan na katatawa.

"Akala mo lang yon! Umalis ka nga, akbay akbay ka pa hanap ka ng sarili mong bebe."sabi ni kuya Josh at natawa naman ako.

"Kuya Josh tama na nga yan."pag-suway ko sa kanya.

"Yare tayo dyan kuya zoned."nakisali na rin si kuya Pau sa pang-aasar.

"Parang ewan tong kapatid ko eh, tinatawag na kuya yung nanliligaw sa kanya." natatawang komento ni kuya Stell.

"Wag mo na nga ako tawaging kuya, hindi naman tayo mukhang mag-kuya eh." He pouted.

Aww! He's so cute.

"Mukhang mag tito lang."pang-aasar nanaman ni kuya Ken kaya nabato sya ni kuya Josh ng unan.

"Edi Josh, pati ba naman yan pag-aawayan nyo pa."I said at kumuha ng pizza.

Kumuha din si kuya Josh ng pizza at yung isang kamay nya ay umakbay sakin.

"Awit fifth wheel ako? Wanted bebe." Kuya Ken said out of nowhere.

"Wala dre mahina ka."pangloloko ni Josh.

"Napakayabang! kung hindi pa kita tinulungan baka ako pa rin gusto nyan ni Jah!"panunukso nanaman ni kuya Ken kay Josh.

Makapagkwentuhan naman sila parang wala ako dito? Kahit naman na realize ko na na si Josh yung gusto ko eh may part pa rin sakin na nahihiya ako sa pag-amin ko kay kuya Ken.

"Alam mo Jah mag kuya nga kayo nitong si Vester!" Kuya Pau said.

Napatingin naman ako sa kanya habang yung dalwang nasa gilid ko nag-aasaran pa rin.

"Bakit?"tanong ko.

"Kasi ganyan din sya dati, he's not aware na gusto nya na ako."pagkukwento nya.

"Oh? Talaga? Nasa dugo na yata namin pagiging manhid?"I chuckled.

"Pero Jah noong una Jah akala talaga namin si Ken yung gusto mo pero noong nakikita namin kayo ni Josh narealize namin na gusto nyo ang isa't-isa kaya nagulat kami noong umamin ka kay Ken. Hindi ko naman akalain na nagmana ka sakin." Natatawang pagkukwento ni kuya Stell at aminado pa sya na mana ako sa kanya.

"Hinayaan ka na lang namin kasi baka mali rin kami kaya tinutukso ka pa rin namin kay Ken pero si Josh nga pala talaga gusto mo."Sabi naman ni Kuya Pau.

"Bebe Jah? Pwede dito ako matulog? Sleepover ako sa kwarto mo?"pag-singit ni Josh sa kwentuhan namin.

I was about to answer ng magsalita si kuya Stell.

"Anong sleep over sleep over? Umuwi ka hindi ka pwede mag sleep over dito hanggat di ka pa sinasagot ng kapatid ko."Sabi ni kuya Stell.

Natawa kami sa reaksyon ni Josh dahil para siyang batang inagawan ng candy.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now