Sabi nga nila seize every moment dahil mabilis ang oras at hindi mo ito mamamalayan, mabilis nagdaan ang mga araw naka dalwang buwan na agad kami ni Josh ganoon pa rin naman kami walang nagbabago kung paano kami noong simula.
"I miss you my baby." He pouted. Magkavideocall kami ngayon, umuwi kasi kami ni kuya Stell dito sa Pangasinan dahil Christmas break na.
Hindi siya na kasama dahil may lakad sila ng family nya pupunta sila sa Japan para bisitahin ang lolo at lola nya doon, sa Japan na sila mag cecelebrate ng Christmas at New Year. Kahit gusto namin maging magkasama sa pasko at bagong tao ay hindi pwede dahil kailangan din namin ng panahon sa pamilya namin.
Si kuya Stell ay dito sa amin mag cecelebrate ng pasko at bagong taon dahil last year ay doon siya sa father side nya kaya ngayong taon naman ay kami ang sinamahan nya.
"I miss you too. How's Japan?" I asked. Mag iisang linggo na kasi siya roon at isang linggo na rin kaming hindi nagkikita.
"Ito ang lamig, ang kapal ng snow sa labas babe. Sana nandito ka para may kayakap ako sa ganitong kalamig na panahon."nag act pa siya na kunwari ay lamig na lamig siya.
Tinawanan ko naman siya dahil sa kaartehan nya. "Mag doble ka ng jacket arte mo Jashkalen ha!"
Narinig ko naman na may tumawag sa kanya at napatingin siya sa roon. "Sige sige sunod na ako." Sabi nya at humarap sa akin. "Jah mamaya na lang ulit tawag lang ako ng mga pinsan ko." pag-papaalam nya.
"Sige sige enjoy ka Josh!"
"Okay I love you." He said.
"I love you too baby hamster."
Lumipas ulit ang mga araw at araw-araw pa rin kaming magkausap ni Josh kahit sa messenger lang hanggang sa sumapit na ang pasko.
Nasa kwarto ako ngayon nag-aayos na ako dahil 11pm na Noche Buena na mamaya. Biglang nag ring yung phone ko at tumatawag pala si Josh sa messenger.
"Merry Christmas babe!" bati nya sakin ang ingay ng background dahil nagpaparty na sila doon sa Japan.
"Tangek 11pm pa lang dito sa Pilipinas." I chuckled.
"Eh nauna Christmas dito bakit ba!" He rolled his eyes at natawa ako.
"Nasaan sina mommy Stella? Batiin ko lang." naglakad siya papunta sa parents nya at tinapat ang camera dito.
"Merry Christmas po!" Bati ko sa kanila mukha naman silang enjoy na enjoy dahil nasayaw sayaw pa ang daddy ni Josh.
May pinagmanahan talaga si Josh ng kakulitan eh.
"Merry Christmas Jah sayang wala ka dito." sabi ni mommy stella.
"Okay lang po yun enjoy po kayo dyan." kumaway-kaway pa ako sa kanila.
"Jah baba na daw tayo sabi ni mama!" rinig kong pagtawak ni kuya sa akin sa labas ng kwarto ko.
"Susunod na!" Sigaw ko.
"Josh tawagan kita mamaya pinapatawag na ako ni mama."
"Sige babe ingat kayo dyan!" I ended the call.
Nacelebrate naming masaya ang pasko at bagong taon kahit magkalayo kami ni Josh ay naglalaan pa rin kami ng oras para sa isa't isa.
Bumalik na kami ni kuya Stell ngayon dito sa Manila dahil magpapasukan na ulit sa lunes. Kakabalik lang din ni Josh, kuya Ken at kuya Pau dito sa Manila galing sa mga kanya kanyang bakasyon at pupunta raw sila dito to catch up.
Nagluluto si kuya Stell sa kusina habang ako ay nagwawalis dahil padating na yung tatlo baka magreklamo pa sila na madumi ang condo namin.
Nagkatinginan kami ni kuya Stell ng may nag doorbell na. "Ako na magbu-bukas kuya!" tumakbo ako sa pinto para buksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlo na ang daming dalang paper bag.