Chapter 34

1.1K 46 12
                                    

"Saoirse na miss mo si dada?" Sabi ko kay saiorse na dinidilaan ang kamay ko. 

Nandito ako sa likod ng bahay namin sa Pangasinan. Dito ako dumiretso pagkatapos mangyari ang gabing yon. Hinanap ako nina kuya Stell at sinabi kong nandito ako at pinakiusapan silang wag sumunod dito dahil gusto ko mapag-isa.

That night when he kissed me natakot ako sobra. Natakot ako kasi alam ko yung ganitong pakiramdam, gantong ganto yung pakiramdam ko pag hinahalikan nya ako noon and I don't want it anymore. Ayoko ng masaktan ulit, ayoko ng maramdaman akong mag-isa na lang ako ulit na walang kakampi. 

"Jah pinapatawag ka na ng mommy mo sakin kakain na tayo ng dinner." rinig kong sabi ni dad kaya pinunasan ko agad ang luha ko bago pa siya makalapit sa akin.

He looked at me and smiled. "Sige magkukunwari na lang ako na hindi ko alam na umiyak ka." Papa chuckled.

"Dad!" I pouted.

"Alam mo Jah don't always act that you're strong sometimes it's okay to be weak." He tapped my shoulder.

"Yeah dad I'm weak, I'm very very very weak. Hinayaan ko nanaman ang sarili kong masaktan." Sabi ko at binitbit si Saoirse.

"Bakit? Hindi ka naman sinaktan ni Josh ah?" Sabi nya na kinagulat ko.

"Huh?" Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Kaya ka umiiyak because of Josh right? Sabi mo hinayaan mong masaktan yung sarili mo? Paano eh hindi pa nga ulit kayo nagsisimula?" He smiled at me. Hindi ko akalain na makakausap ko si papa sa mga ganitong bagay.

"Papa hinayaan ko nanaman siya makapasok sa buhay ko kahit sinabi nyang payag siya na hanggang magkaibigan lang kami dapat hindi ako pumayag." Pagkukwento ko.

"So?" He shrugged.

"Papa si Josh yung pinag-uusapan natin dito! yung iisang taong nakasakit sakin ng sobra." Sabi ko at hindi naman nagbago ang reaksyon ng mukha nya.

"Anak tapos na yung pahina na yon ng buhay nyo kung baga nasa book two na kayo ng story nyo." Sabi nya at napangibit naman ako. 

"At maaaring maulit ang nangyari sa book one kahit nasa book two na papa." Sabi ko. "Tara na nga po gutom na ako." Pagyaya ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay bumalik na rin ako ng Manila dahil may trabaho pang naghihintay sa amin. Hinatid ako ng parents ko dito sa manila dahil wala akong dalang sasakyan, ayaw nilang pumayag na mag commute ako at gusto daw nila makalaro ang apo nila. 

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin na nilalaro nina kuya Stell si Austin. Nakabalik na rin sila dito kahapon lang. Sinalubong ako ng yakap ni Austin noong nakita nya kami.

"Tito Jah! buti bumalik ka na. Bachit mo kami iniwan dun? daya mo!" Sabi nya at natawa naman ako. Napatingin ako kay kuya Stell at kuya Pau na nakatingin lang sa amin ni Austin.

"Sorry baby may ginawa lang na importante si tito. Pero babawi ako sayo okay?" Sabi ko at tumango-tango siya at si mama at papa naman ang niyakap niya.

Lumapit sa akin si kuya Stell at alam ko na ang sasabihin nya kaya bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya. "Don't push it I'm tired." Sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko. 

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay binagsak ko agad ang sarili ko sa kama. Feeling ko ay pagod na pagod ako kahit na tulog lang naman ako sa byahe. Nilagay ko ang kamay ko sa may puso ko.

Bakit ba kasi kailangan ko ulit maramdaman to? Ayoko ng gantong feeling, na susuffocate ako. Dahil sa isang halik na yon bumalik lahat ang mapait na kahapon. Bumalik yung sakit na naramdaman ko noon, kung paano ko kinalimutan ang sarili ko, kung paano ako nalugmok pagkatapos nya akong iwan.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now