Chapter 38

1.2K 46 13
                                    

Slightly R-18 kaya mga bata tulog na.

"Parang ayaw ko na pala Ava next time ko na lang pupuntahan si Josh." Sabi ko habang nandito kami sa labas ng company ni Josh. Akmang tatalikod na ako ng hinila ako ni Ava.

"Kailan pa naging duwag ang isang Justin De Dios? Nakipag sapakan ka nga noong college tayo tapos ngayon titiklop ka?" Panenermon nya sa akin.

Pupuntahan kasi naming yung apat ngayon magdadala kami ng lunch. Para kay Josh lang talaga to pero dinamay ko na yung tatlo baka kontrahin pa ako eh.

"Oo na nga, ito na nga tara na." Sabi ko at naglakad na kami papasok ng buiding.

Sa totoo lang hindi ko pa alam gagawin ko at sasabihin pag nakaharap ko na si Josh. Bigla ko lang naisip na bigyan siya ng lunch para pambawi?

"Hoy kalma lang! Hindi ka mapakali dyan." Bulong sa akin ni Ava habang nasa elevator kami. Yung puso ko naman grabe magwala akala mo naman kasali ako sa kung anong competition eh.

Tumunog na yung elevator at lumabas na kami ni Ava. Tumigil kami sa harapan ng isang pinto na may nakalagay na OFFICE OF THE CEO.

"Bakit dito tayo? Andito ba yung tatlo?" Kinakabahan kong tanong at itong si Ava tinawanan pa ako.

"Oo kanina pa sila nandyan kaya chill ka lang." Sabi nya at binuksan na yung pinto.

"Hi!" Sigaw ni Ava at napatingin yung apat sa gawi namin.

Nakita ko naman ang pagkagulat ni Josh. Well suprise?

Nagtataka siguro siya kung ano ang ginagawa ko dito. Kahit nga ako hindi ko alam kung bakit ako nandito ang alam ko lang gusto ko siyang dalahan ng lunch.

"Hey what are you doing here?" Sabi ni Josh pagkalapit namin ni Ava.

"Ay wala man lang hi? Tanong agad? Di pa ba obuse? Dinalhan namin kayo ni Jah ng lunch." Masayang sabi ni Ava at nakanigti lang ako ng bahagya ditto sa likod nya.

"Wow Jah napaka generous mo naman! Mahal mo talaga kami no?" Pang-aasar ni kuya Stell at kinuha nya ang paper bag na hawak ko na naglalaman ng pagkain nila.

"Mahal nya talaga tayo." Pang-aasar din ni kuya Pau at binigyang diin pa talaga ang salitang mahal.

Parang mali talaga na pumunta ako dito.

"Oh ikaw wala kang sasabihin?" I rolled my eyes to kuya Ken. Nag smirked sya at tumignin kay Josh.

"Wala pero si Josh meron yata." Sabi nya at napatingin tuloy ako kay Josh. Langya tong si kuya Ken talaga! Ang awkward tuloy ng hangin.

"Ha? Gago ka?" Sabi ni Josh at nagtawanan tuloy yung apat na kasama namin dito.

"Dinalahan ka ng lunch ni Jah tapos yan sasabihin mo? Sama mo naman dre." Sabi ni kuya Stell na tawa nang tawa.

"Ah. Thank you J-jah." Sabi ni Josh at binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

Nagsimula na silang kumain dito sa may mini Pantry ni Josh sa office nya. Hindi na kami kumain ni Ava dahil kumain na kami bago pumunta dito.

"Wow ang sarap ah! Ikaw nagluto nito Jah?" Tanong ni kuya Stell.

"Yep!" Masigla kong sagot at napatingin ako kay Josh na kumakain ng tahimik. Hindi nya ba ako papansinin kala ko ba mahal nya ako?

Pagkatapos nilang kumain ay nagrereklamo pa sila na kulang daw ng panulak. Kakapal din talaga ng mga to no?

"Tara bili tayo ng milk tea sa baba!" Yaya ni kuya Stell. Sumang-ayon naman si kuya Pau, Kuya Stell, Ava at Kuya Ken.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now