Chapter 33

1K 44 13
                                    

"Austin wag ka dyan baka mahulog ka dyan!" Sigaw ko dahil nakita kong umakyat si Austin sa upuan sa may garden.

"Hoy asan anak ko? Bantayan mong mabuti yan!" Sabi ni kuya Pau sa Kabilang linya.

"Oo nakikita ko siya. Sige na mamaya na ulit." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Naiuwi na nina kuya Pau si Austin ilang linggo na ang nakakaraan at nag simula na rin ang pagiging titong ama ko. Pag wala kasi akong pasok at sina kuya Pau ay may pasok ay ako ang nagbabantay kay Austin pag busy kami parepareho ay iniiwan namin si Austin sa mommy ni kuya Pau. 

Si Kira naman ay binibista namin ni Josh kapag may time kami hindi dahil sa naaawa kami sa bata kaya namin yun ginagawa kundi dahil gusto talaga namin.

"Tito Jah nagugutom po ako." Sabi sa akin ni Austin pagkalapit ko sa kanya.

"What do you want baby?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at mukhang nag-iisip dahil nakalagay pa ang index finger nya sa may dimples nya.

"Wala po ako maisip eh." Sabi nya at natawa naman ako. Tagal nyang nag-isip tapos wala din pala siya isasagot. Inopen ko ang phone ko at binuksan ang isang food delivery app.

"Here pili ka dyan anong gusto mo tapos pa deliver na lang natin okay?" Sabi ko at kinandong sya at nagtingin kami ng pwedeng kainin nya. Napili nya ay nuggets, burger and fries.

Yare ako sa magulang nito fastfood nanaman kakainin nito. 

Maya-maya ay dumating na ang order namin ni Austin at nagsimula na siyang kumain. Habang pinagmamasdan ko siya ay lalo kong nakikita ang pagkakahawig nila ni kuya Stell. Hindi kaya mag-ama talaga sila? Napailing naman ako sa isipin na yon. Paano naman mangyayari yon eh hindi naman pumapatol si kuya Stell sa babae and si kuya Pau ang karelasyon nya kaya imposible. 

Bigla ko naman naalala yung buong pangalan ni Austin. He's name is Lester Austin, nalaman ko lang yun noong kinuha na namin siya ni kuya Pau at kuya Stell. Pati yung name parang kinuha sa pangalan ni kuya Stell? Siguro coincidence lang? Tama coincidence lang yun.

"Tito Jah kailan po uli tayo mag vevachaytion nina daddy?" Tanong ni Austin. Natawa naman ako dahil na bulol nanaman siya. Kumagat siya sa burger nya at nagkadungis ang bibig nya kaya pinahiran ko ito gamit ng tissue.

"This weekend baby. Are you excited?" Tanong ko.

"Yes po!" He giggled pero biglang nawala ang ngiti sa labi nya.

"Why are you sad?" Tanong ko.

"Mag vacheytion po chayo tapos maiiwan si chira, kawawa naman siya." He pouted. He's only four years old pero iba na siya mag-isip talaga pareho sila ni Kira na matured na mag-isip.

"Sorry baby kaso hindi siya pwede sumama di siya papayagan nina sister." Sabi ko at lalo lumungkot ang mukha nya. Hinawakan ko ng bahagya ang baba nya at kinurot ang pisngi nya. "You are so nice you know that? ganto na lang bilhan na lang natin si Kira ng madaming pasalubong  para maging happy siya. Okay ba yon?" Sabi ko at bigla naman siyang ngumiti. 

"Ochey na ochey po!" Masaya nyang sabi at niyakap nya ako. Aww cute.

Humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako. "Tito Jah love mo po ba si chira?" Tanong niya at napangiti naman ako. She loves kira talaga, magbestfriend yata silang dalawa? 

"Yeah I love kira. bakit?" Tanong ko.

"Pwede nyo po ba cha ampunin ni tito Josh? Para pareho na po kami may daddy." He said and smiled at me. Nginitian ko siya at ginulo-gulo ang buhok nya.

"Hindi kasi ganoon kadali yun Austin eh. Hindi pa ako ready magka family and hindi naman kami magkarelasyon ng tito Josh mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya at si Austin naman ay nakatitig lang sa akin na akala mo naiintindihan nya talaga ang sinasabi ko.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now