Chapter 40

1.4K 46 10
                                    

"Josh gising malelate na ako!" Niyugyog ko siya para magising siya. Kakagising ko lang at tanghali na kami sa pupuntahan namin.

Ngayon ang Press Conference ng movie ko with Japs again, this is my third project with him.

"Inaantok pa ako." Sabi nya pagbangon nya. Nakapikit pa siya habang nakaupo sa kama.

"Kasalanan mo to eh, sabi mo isa lang nakadami tayo kagabi tinanghali tuloy tayo ng gising!" Sabi ko at nagmadali na pumasok sa cr para maligo.

"Makareklamo kala mo hindi sinisigaw pangalan ko kagabi!" Rinig kong sigaw nya sa labas.

"Josh Cullen!" Sigaw ko habang naliligo ako at rinig ko naman ang pagtawa nya.

Paano ko ba natiis tong taong to makasama sa iisang bahay sa loob ng two years?

Yes two years na kaming nagsasama ni Josh at wala pa rin nababago.

I'm happy with my life rightnow. Josh is always beside me. We're living our dream life si Kira na lang ang kulang. Wait ka lang Kira konti na lang makukuha kana namin ng Daddy mo.

Pagkatapos ko maligo ay hinila ko na sa cr si Josh para maligo. Ang bagal kumilos ng isang to eh kainis.

"Bilisan mo!" Sigaw ko at narinig ko nanaman ang pagtawa nya ng bahagya.

Tinawanan pa talaga ako hindi na nga ako mapakali dito!

Maya-maya ay nakapag-ayos na kaming dalwa at dali dali na kamig pumuntang parking lot para makaalis na.

"Hindi na tuloy tayo nakakain." I pouted.

"Mag drive thru na lang tayo. Wag ka ng toyoin dyan big day mo ngayon." Sabi nya habang nag dadrive at nakahawak ang isang kamay nya sa thigh ko.

Nakasanayan nya na tong gawin simula noong nag kabalikan kami.

Tama ang desisyon ko na mag risk ulit noon at hindi ko pinagsisihan na pumayag ako na tumira kami sa iisang bahay. Josh is a husband material, hindi nya hinahayaan na ako lang ang mapagod sa mga gawain sa bahay lagi nya akong tinutulangan.

Natuto na kami sa mga nangyari noon. Hindi na kami nagtatago ng sikreto sa isa't-isa, nag uusap na agad kami pag may kakaibang nangyayari. Hindi namin hinahayaan na mawalan kami ng communication sa isa't isa, lagi kaming nag ha-heart to heart talk.

"Ito na food mo oh." Sabi nya at inabot sakin ang isang paper bag.

"Thank you." Sabi ko at binuksan ko ang isang burger. Kinagatan ko muna ito bago ilapit sa kanya.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong nya at napairap ako.

"Alam kong gutom ka na rin. Kaya susubuan na lang kita habang nag da-drive ka." Sabi ko at napangiti naman sya at kumagat sa burger na hawak ko.

Pagkarating namin sa location ay agad na akong pumunta sa dressing room ko upang malagyan ng make up. Iinterviewhin din kasi ako mamaya kaya kailangan akong ayusan.

Nagpaalam si Josh na pupuntahan nya muna daw si Japs sa dressing room nito. Kaya tahimik lang ako habang inaayusan wala akong makadaldalan, inaantok tuloy ako kulang kasi ang tulog ko medyo masakit pa yung katawan ko epal kasi si Josh.

Papikit na sana ako ng bumukas ang pinto. Nakita ko ang reflection ni Josh sa salmin na nasa harap ko at may dala siyang bouquet of roses.

"For the best director of my life." He said and kiss my lips. Inabot nya sa akin ang flowers.

"Thank you love." Sabi ko at pinagmasdan ang roses na binigay nya.

He never fails me talaga.

"I love you." He said.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now