Ilang araw na lang ay mag start na ulit ang pasukan, naging busy kami sa pag eenroll at pagbili ng mga gamit para sa school. Lagi pa rin kami magkasama ni Josh nag-aaway kami pero sa maliit na bagay lang, nagkaayos din naman agad si kuya Stell at kuya Pau noong gabi na nag-away sila.
"Saan ba tayo pupunta Josh?" tanong ko habang nagdadrive siya, sabi nya kasi ay may pupuntahan kaming dalwa ngayon, pero ayaw nya naman sabihin kung saan.
"Secret nga! malalaman mo rin mamaya." sabi nya habang busy magmaneho.
Mukha namang hindi ko talaga siya mapipilit kaya hindi ko na siya kinulit at tumahimik na lang.
Pumasok kami sa isang subdivision, malalaki ang bahay na narito halatang mayayaman ang nakatira. Bigla naman akong kinutoban kung saan kami pupunta.
"Wag mong sabihing pupunta tayo sa bahay nyo?" Tanong ko kay Josh.
Tumawa siya ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Talino mo talaga jah."
Hinampas ko siya sa braso."Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi tuloy ako nakapaghanda parang tanga to." I rolled my eyes.
"Alam ko kasing kakabahan ka kaya hindi ko na sinabi. Wag ka ng magalit andito na tayo oh." Pinasok nya ang sasakyan sa isang gate magarbo ang bahay na ito.
"Tingnan mo naman yung ayos ko Josh mukha lang ako mamasyal sa park!" pagrereklamo ko sa kanya.
Tiningnan nya ako simula ulo hanggang paa at hinawakan pa ang mukha ko."Gwapo ka naman ah?" He said, tinigil nya na pala ang sasakyan pero hindi pa rin kami nababa sa sasakyan nya.
"Ewan ko sayo."I crossed my arms.
Hinarap nya ako at hinawakan ang mga kamay ko. "Kalma babe matatanggap ka nila okay and you look beautiful so wag ka ng mainis dyan ha?" He said and kiss my forehead.
"Dapat kasi sinabi mo, wala tuloy ako dala kahit cake man lang." I pouted.
"Akala mo naman may dala akong regalo nung nameet ko parents mo." tinawanan nya ako.
"Kahit na." nakasimangot pa rin ako.
"Relax okay? Excite na silang makita ka tara na."bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.
"Wag kang sumimangot baka sabihin ni mommy inaaway kita."
"Para ka kasing sira."hinampas ko ulit siya.
"Sorry na wag ka na magalit, ngiti ka na kung hindi patay ako kay mommy."sya naman nag pout ngayon.
"Oo na Jashkalen."I rolled my eyes and laugh.
Binuksan nanamin yung pinto at bigla naman ako nakaramdam ng kaba, ngayon alam ko na ang feeling ni Josh at kuya Pau nung pinakilala namin sila ni kuya Stell kay na mama.
Napansin siguro ni Josh na kinakabahan ako kaya hinawakan nya ang kamay ko. Pinagmasdan ko ang bahay nila at malaki din ito mas malaki lang siguro ito ng konti sa bahay namin sa Pangasinan.
Napunta ang tingin ko sa hagdan ng may marinig akong yabag ng mga paa.
Lalo lumakas tibok ng puso ko ng makita ko yung mga tao na papalapit samin. Isang teenager na lalaki, tapos dalwang babae halata naman na mommy ni Josh yung isa tapos may isa pang babae ito yata yung ate ni Josh then may isang lalaki na kamukha ni Josh ito na siguro daddy nya.
"Josh anak!"Sigaw ng mommy nya at niyakap sya, ganun din ginawa ni josh sa ibang family members nya.
Samantalang ako naman ay nandito sa likod ni Josh tahimik lang at sobrang kinakabahan.
Napatingin sa akin ang mommy ni Josh kaya ngumiti ako. "Good Morning po." npagbati ko sa kanilang lahat.
Jusko yung puso ko parang gusto na lumabas sa sobrang lakas ng tibok nito.