Chapter 30

983 41 14
                                    

"Sir Jah may nagpadala po ulit ng bulaklak." Sabi ng kasambahay namin dito sa bahay.

Nandito kami ni kuya Stell at kuya Pau sa garden pareparehas kami nakaharap sa laptop at nagtatrabaho. 

"Kayo na bahala diyan manang or itapon nyo na lang po pag wala kayo mapaglagyan." Sabi ko sa kanya. Hawak nya ang isang boquet of roses.

Nagkatinginan naman si kuya Pau at kuya Stell pero hindi ko na lang sila pinansin at tinuloy na lang ang ginagawa ko.

"Ilang araw ka ng pinapadalahan ni Josh ng bulaklak ah. Ilang araw mo na ring hindi tininatanggap yung mga bulaklak." Tinigil muna ni kuya Stell saglit ang ginagawa nya at tumingin sa akin.

"Hayaan mo siya mapapagod rin yon." Sabi ko ng waang emosyon.

"Jah--" Pinutol ko ang sasabihin ni kuya Pau.

"Don't push it, I'm not in the mood kuya Pau." Narinig ko na lang ang buntong hininga nila at nag focus na ulit kami sa kanya kanya naming ginagawa.

Hindi nga nagloloko si Josh ng sinabi nyang he want me back kasi araw-araw nya akong pinapadalhan ng mga bulaklak, pero hindi siya nagpapakita sa akin pero mabuti na yon baka ibato ko pa sa kanya mga basura nya. Akala nya ata madadala nya ako sa pabula-bulaklak nya? No ayoko na ulit masaktan.

"Jah ken texted me he said that na tatambay daw sila dito sa bahay mamaya kasama si Josh at Ava okay lang?" Tanong ni kuya Stell.

"Oo naman bakit hindi? bahay nyo naman to eh." I smiled at them. 

Hindi na lang siguro ako lalabas ng kwarto para hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung bakit pero pag nakikita ko si Josh nasasaktan ulit ako. Naaalala ko yung mga times na umiiyak ako at sobrang lugmok noong nasa America ako. 

Noong kami pa kahit anong hirap, kahit anong problema basta alam kong nasa tabi ko siya hindi ako napapagod pero noong simula nya akong iwan para lagi akong ubos na ubos, hirap na hirap ako makabangon noon mabuti na lang at nakaya ko.

Pumasok si kuya Stell sa loob dahil may kukunin daw siya kaya kami na lang ang natira ni kuya Pau dito. Nagpakawala ako ng buntong hininga at napatingin sa akin si kuya Pau.

"You know Jah you can open to me naman diba?" Kuya Pau said and close his laptop. Sumubo muna ako ng cake na hinanda ng kasambahay kanina bago siya sagutin.

"Hindi nagkwento si Josh sa inyo?" Tanong ko. Sigurado naman kasing nakwento nya na yon.

"Sabi nya lang nag-usap kayo pero hindi nya sinabi kung ano yug pinagusapan nyo." He smiled.

"He want me back." Akala ko magugulat siya sa sasabihin ko pero mukhang hindi naman dahil hindi nagbago ang expression ng mukha nya. "Hindi ka na shock?" Naguguluhan kong tanong. Natawa naman siya.

"Bakit ako magugulat? Jah kung alam mo lang nako..." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Paano ko malalaman kung di mo sasabihin?" Inirapan ko siya at sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Ah lumalaban ka na sa akin Justin?" Sabi nya at natawa naman ako. Kahit kailan talaga ate chona tong si kuya Pau eh.

"Joke lang di ka naman mabiro." He rolled his eyes.

"Pero seryoso ano nangyari noong sinabi nya sayo na he want you back?" Tanong nya kaya nawala ang ngiti ko sa labi. 

"Hindi ako naniwala, nagalit ako. Ano pagkatapos kong masaktan bigla siyang babalik ng ganun ganun lang?" 

"I understand you Jah pero hindi lang naman ikaw yung nasaktan." He tried to be fair sa sinasabi nya.

"Pinili nya yon yung masaktan kaya wala na ako dun. Buti nga siya may choice ako wala." Sinara ko yung laptop ko at tumayo na. " Sige na kuya Pau pahinga muna ako thank you." Sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now