Special Chapter

1.2K 54 14
                                    

"Gusto ko na lang maging hotdog!" Pagrereklamo ko pagdating ko dito sa Cafeteria.

Umupo agad ako at binagsak ang gamit ko ng bahagya sa table.

"What happened?" Austin asked.

"Hindi na ako naubusan ng gagawin parang mas gusto ko na lang maging pasyente kaysa maging doctor." I pouted at nakatanggap naman ako ng masamang tingin kay Austin.

Manang-mana talaga sya kay tito Pau!

"Kira that's not a good Joke." He said and inabot nya sa akin ang pagkain kong inorder nya na.

"Hindi naman ako nag jojoke Austin! Pre-med pa lang sumusuko na braincells ko. Bakit ko ba pinangarap maging doctor? Ikaw sure ka na bang mag law school ka?" Natatawa kong tanong.

Medical Technology kasi ang kinuha kong course then Legal Management naman si Austin.

"Yes dream ko yun eh. Ikaw pangarap mo maging doctor kaya kailangan mo mag tyaga mahaba haba pa ang journey natin para makarating sa pangarap natin." He smiled at me and start eating his food.

Ang deep talaga ng lalaking to.

"Sabi ko nga." I sighed and eat my sausage.

"Wait nasaan na pala si Kia? Kailangan na natin bilisan hihintayin tayo nina Daddy." Tanong ni Austin.

Naku yare ka Kianna nasaan ka nanaman? Gumagana nanaman ang pagiging strict kuya ni Austin

"Hello people!" Masiglang bati ni Kia.

Kuhang-kuha nya ang energy ni tita Via.

"Speaking of the Devil." Pang-aasar ko at agad namang sumimangot si Kia.

"You're so grabe sa akin ate Kira." She pouted. I laguhed and and pat her head.

Our bunso is so cute talaga.

"Bakit ngayon ka lang Kianna? Oh kumain kana ng lunch mo aalis na tayo." Binigay ni Austin ang pagkain ni Kira.

"You're so strict naman kuya ilang minutes lang naman ako late. Sumilay pa ako sa crush ko eh." She giggled. Nakatanggap naman sya ng death glare kay Austin.

"Anong crush crush? Kianna 15 ka palang, bata ka pa." Panenermon ni Austin.

Kiara pouted at tumingin sa akin. Alam ko na ang ganyang tingin nanghihingi nanan ng backup.

Pasaway na bata, madadamay nanaman ako nito!

"Hayaan mo na Austin crush lang naman hindi pa naman magboboyfriend yan." I said and drink my soda.

"Ay nako subukan mo lang Kianna!" Shuta hindi pa rin sya tapos.

"Hindi nga po kuya promise." Sabi ni Kia at tumango na lang si Austin bilang sagot.

All of my life silang dalawa ang kasama ko. Like our parents naging mag bestfriends na rin kami at parang magkakapatid na rin.

Austin is our strict kuya, I'm the middle child na laging neutral lang then si Kia ang goofy na bunso.

"Didiretso na ba tayong bahay namin after natin kumain?" I asked.

"Yes nandun daw sina dad and sina tito Ken. Baka nagpaplan nanaman sila ng something." Austin answered.

"Ano nanaman kaya trip nila this time? Last time nagpunta tayo ng hongkong ng biglaan, basta na lang nilang naisipan mag hongkong ng araw na yon." Kia said at natawa naman ako.

Wala na yata magawa ang parents namin sa mga pera nila kaya kung ano na lang ang maisipan.

"Sana naman sa bahay na lang muna ang dami ko pang aaralin eh." I sighed.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now