Chapter 11

1.2K 42 5
                                    

"Napapagod na ako Josh."Tiningnan nya ako ng seryoso.

"Pagod ka na agad Jah? Kakasimula pa lang natin ah."He said.

"Eh pagod na nga ako gusto ko muna magpahinga!"I rolled my eyes.

"Akala ko ba ako ang pahinga mo?"malungkot nyang sabi.

"Josh OA mo ha? Pagod na ako maglakad, para ka namang nakikipagbreak ako sayo mga sagutan mo." Umupo muna ako sa nay malaking bato.

Tinawanan nya ako at inabutan ng tubig. "Sungit naman boyfriend ko! Mero ka ba?"He chuckled.

"Mga dre pahinga muna tayo napapagod daw si Jah!" Sigaw nya kaya nagpahinga din muna sina kuya Stell.

Pupunta kasi kami sa falls at hindi ko akalain malayo pala to, ngayon lang kasi ako pupunta rito kahit dito ako nakatira sa Pangasinan. Ang haba pala talaga ng lakarin parang gusto ko mahimatay sa sobrang init eh.

"Gusto mo buhatin kita para hindi ka na mapagod?"nakaupo siya sa tabi ko pinapaypayan ako.

"Buhatin? Mas malaki pa kaya ako sayo." I rolled my eyes again.

"Wow ang sakit mo naman magsalita!" Nagkunwari pa siyang nasaktan dahil humawak pa siya sa may bandang puso nya.

"Ano kaya pa ba Jah?" Tanong ni kuya Stell.

"Oo sandali lang pahinga pa ako saglit."

"Ay wala pala to si Jah!" Pang-aasar ni kuya Ken kaya nabatukan siya ni kuya Pau.

"Putsa ha! Fifth wheel na nga nabatukan pa!" reklamo nya at nagsimula na ulit maglakad.

Tumawa naman kami dahil sa kabiterran nya.

Nagsimula na ulit kaming maglakad hanggang sa nakarating na kami sa falls. Ang ganda pala rito, may ibang pang tao rito pero kakaunti lamang.

"Woooah!" Sigaw ko at tumalon mula sa mataas na bato papunta sa tubig.

Narinig ko ang splash ng tubig, sumunod naman ay si kuya Stell ang tumalon.

Nasa tabi ko si Josh at parang nainggit siya sa ginawa namin ni kuya Stell.

"Gusto mo i-try?"Tanong ko sa kanya.

"Ayoko Jah baka malunod ako, taas nyan oh."turo nya sa tinalunan namin.

"Pero gusto mo nga?"tanong ko ulit at tumango naman siya.

"Then go subukan mo! Face your fears Josh." I smiled at him.

"Oo nga Josh nandito naman kami ni Jah sa baba."nakisali na si kuya Stell para sa pagkumbinsi kay Josh.

"Hindi nga ako marunong lumangoy diba? Tatalon pa dyan? Ayoko pa mamatay."

Nilapitan ko siya at kinurot ang pisngi nya. "Do you think hahayaan ko mangyari yon sayo? Dalwa kami ni kuya Stell nandito sa baba aabangan ka namin promise lalapitan agad kita pagbagsak mo." I smiled to him.

"S-sige, sagipin nyo ako ni Stell ha?!"

"Oo nga kulit."ginulo-gulo ko ang buhok nya.

Umakyat na siya papunta sa mataas na bato kung saan kami tumalon kanina. Makikita mo ang takot sa mukha nya.

"Go baby!" I cheer for him para mawala ang kaba nya.

"Go Jashkalen!"Pag cheer sa kanya ni kuya Pau.

"Go ssob!" Sigaw naman ni kuya Stell.

"Go Santos walang duwag sa pamilyang ito!" Sigaw ni kuya Ken kaya natawa siya.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now