Chapter 1

1.6K 55 4
                                    

"Nasaan ba yung school na yun?" I said in frustration. Kanina ko pa kasi hinahanap yung university na pinapasukan ng kuya ko.

Damn tama nga sila, nakakaligaw nga dito sa Manila. Sinubukan kong tawagan si kuya Stell pero hindi nya sinagot. Siguro ay nasa klase pa sya. Saan ba kasi yang Taft na yan? alam ko lang Top eh! 

Nirestart ko yung phone ko para umayos yung waze, baka kaya kung saan ako dinadala nito kasi nagloloko nanaman.

Makalipas ng kalahating oras ay nakarating din ako sa Lasalle. tinawagan ko ulit si kuya Stell at hindi pa rin nya sinasagot. Ipagtanong ko na lang siguro? sabi naman nya sikat sya dito eh?

Naglakad ako papasok, at madaming estudyanteng naglalakad, siguro dahil maglalunch na din? Tumingin-tingin ako ng mapapagtanungan at may nakita akong lalaking nakatayo sa isang gilid. Lalapit na sana ako sa kanya ng mag hesitate ako dahil mukha syang mayabang pero he is cute ah.

Tatalikod na sana ako ng tawagin nya ako. "What do you need?" sabi nito. 

Hinarap ko sya at lumapit, nakaramdam naman ako ng hiya kaya napakamot ako sa batok ko.

"Hi! I'm looking for my kuya kasi, Do you know Stell Ajero by any chance? Hindi sya sumasagot sa tawag ko eh."

Lumapit sya sakin at sinusuri ang mukha ko. "Kuya mo si Stell?" pagtataka nya.

"Do you know him?" masaya kong sabi, sa wakas tapos na paghahanap ko.

"Hindi." sabi nya, at napasimangot naman ako.

"Joke lang dre! Tara samahan kita sa kanya." Sabi nya at inakbayan nya ako habang naglalakad.

I felt awkward, pero hinayaan ko lang. Pumunta kami sa lugar na madaming puno then may natanaw akong tatlong lalaki.

Nakita ko naman si kuya at nagbabasa sya sa ilalim ng puno, may kasama syang dalwang lalaki yung isa ay nag-aaral din samantalang yung isa ay naglalaro yata sa phone nya.

"Hoy Vester may naghahanap sayo kapatid mo daw." Sabi ng lalaking nagdala sakin dito.

Napatingin naman samin si kuya pati yung dalwang lalaki.

"Jah!" Bati nya sakin. Nilapitan nya ako at ginulo-gulo ang buhok ko.

Inirapan ko sya. "Hindi mo sinasagot tawag ko, ilang oras ako naligaw."

Tumawa naman sya."Oh? sorry naiwan ko yata sa locker phone ko." pagpapaliwanag nya.

"Whatever." I said. 

Tumingin ako dun sa lalaki na naghatid sakin. "Thank you ah." I smiled to him, I thought aalis na sya pero lumapit pa sya dun sa mga kasama ni kuya.

"Kaibigan ko yon si Josh, halika pakilala kita sa kanila." sabi nya at hinila ako.

Bakit parang kaladkarin ako ngayong araw?

"Guys!" Tawag ni kuya sa kanila, kaya agad silang tumayong tatlo. "Si Justin nga pala, kapatid ko sa mother side." pagpapakilala sakin ni kuya at ngumiti naman yung tatlo.

"Hi Justin, I'm Paulo but you can call me Pau." Sabi nya at nag shakehands kami.

"Pau?" napa kunot yung noo ko, pamilyar kasi sya, tumingin ako kay kuya Stell at napangiti ako ng naalala ko. 

"Hi Kuya Pau, finally nice to meet you." Tumingin ako kay kuya Stell ng nakakaloko, at napaiwas naman sya ng tingin, si Kuya naman ay parang nagtaka sa sinabi ko.

"Hi I'm Ken." Pagpapakilala ni Ken, sya yung naglalaro kanina. Nag shakehands din kami at napatingin ako sa kanya dahil ang lakas ng dating nya.

"Ehem!" Hindi ko namalayan na hindi pa pala kami nagbitaw ng kamay, kung hindi pa umubo tong naghatid sakin kanina.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now