Chapter 24

903 41 7
                                    

"Jah kakain na labas ka naman dyan miss ka na namin." Rinig kong pagtawag sa akin ni kuya Stell mula sa labas ng kwarto ko.

"Hindi pa ako gutom kuya." Sagot ko sa kanya. Hindi na sumagot si kuya at mukhang umalis na sa tapat ng kwarto ko.

Tatlong araw na ang lumipas ng nakipag break si Josh sa akin. Hindi ako lumalabas ng kwarto, hindi muna ako pumupunta sa cchool sinabi ko muna kay Ava na sya mag asikaso ng papel namin dahil for bind and signature na lang naman iyon. Nag dahalin na lang akong may sakit kaya hindi ako makapunta sa school.

Ayokong pilitin ang sarili ko na mag panggap sa harap nila na ayos lang ako dahil alam kong iiyak lang ako sa harap nila pag tinanong nila ako. Simula noong naghiwalay kami ni Josh parang may kulang na sa akin, siguro dahil nasanay na ako na lagi syang naandyan.

Hindi ko nanaman napigilan mapaluha. Josh is my first and last boyfriend sana pero sumuko siya, our relationship seems so perfect pero nauwi din kami sa hiwalayan. Parang dati kami pa nag advice kay kuya Stell at kuya Pau na h'wag mag hiwalay pero kami pala ang maghihiwalay. Napatawa na lang ako ng mapait sa inisip kong yon.

Makalipas pa ng dalwang araw ay nagdesisyon na akong lumabas dahil hindi pwedeng habang buhay ako magmumukmok dito sa kwarto ko, hindi pwede tumigil ang mundo ko dahil lang nakipag break sa akin si Josh.

Nag-ayos ako para pumasok sa school ngayon, tiningnan ko ang sarili ko at pansin ang mata ko na namumugto dahil sa pag-iyak at medyo namutla din ako.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si kuya Stell at kuya Pau na kumakain ng breakfast dahil papasok sila sa trabaho. Napatingin sila sa akin at mukhang nagulat dahil lumabas na ako.

"Oy bunso lumabas ka din. Papasok ka? Halika kain ka muna." Pag-alok sa akin ni kuya Stell.

"Busog pa ako kuya, sige pasok na ako." I gave them a fake smile.

Pagkarating ko sa Lasalle ay agad kong nakita si Ava gulat akong sinalubong nya ako ng yakap.

"Hindi mo kailangan magkunwari sa harap ko Jah, alam kong nasasaktan ka iiyak mo lang yan." Tumulo ang luha ko sa sinabi nya pero agad ko itong pinahid at kumalas sa yakap namin.

"Thank you pero kaya ko to Ava." I smiled at her. Nginitian nya ako ng alanganin halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Ano ba kasi nangyari?"niyaya nya akong maupo sa isang bench.

"Pagod na daw siya eh." Huminga ako ng malalim, parang may dumurog nanaman sa puso ko ng maalala ko ang mga sinabi ni Josh noong araw na yon. "Ginawa ko naman lahat diba Ava? Naging mabuting boyfriend naman ako?" Tanong ko.

"Yes Jah. Nakita ko kung paano kayo nagsimula ni kuya Josh na inggit nga ako sa inyo kasi almost perfect na ang relationship nyo. Baka naman magbabago pa isip nya Jah baka magulo lang isip nya noong araw na yon." Pilit pinapagaan ni Ava ang nararamdaman ko ngayon. Ngumiti ako sa kanya ng mapait.

"Hindi na magbabago isip non Ava. Kilala ko si Josh, kung ano yung sinabi nya hindi na magbabago yon. So I think ito na talaga ang ending namin." Lumapit sa akin si Ava at hinagod ang likod ko.

"Nandito lang ako Jah kaya mo yan." She cheer me up.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng papel pero hindi pa rin mawala ang nararamdaman kong sakit banda sa puso ko at minsan ay may pumapatak na luha na lang bigla sa mata ko. Ilang araw ang nagdaan at ganoon ang naging routine ko, I tried to socialize with my friends but I always ended up crying pag napapag-usapan kami ni Josh.

Linggo ngayon at wala akong planong lumabas, nandito lang ako sa kwarto ko at nanonood ng mga videos namin ni Josh sa phone ko. Ang saya saya namin dito, hindi kami masyadong nag-aaway mahal namin ang isa't-isa. May pumatak na namang luha sa mga mata ko dahil sa pinapanood ko, miss na miss ko na talaga siya.

May narinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad kong inayos ang upo ko at pinahid ang luha sa mga mata ko. "Pasok hindi naka lock yan!" Sigaw ko. Pumasok si kuya Stell at sinalubong nya ako ng masaya nyang ngiti.

"Sunday ngayon gusto mo lumabas? Bonding naman tayo bunso." He sat on my bed.

"Tinatamad ako kuya next time na lang po." I smiled at him.

"Sige movie marathon na lang tayo mamaya?" Pangungulit nya. I just nodded as sa response, alam ko naman kaya nya ako kinukulit para hindi na ako mag mukmok dito.

"Malapit na graduation mo any plans?" Tanong nya. Napaisip naman ako.

"Hindi ko pa alam kuya? Baka magpahinga muna ako saglit tapos siguro mag-apply na ng work?" Sagot ko.

"Hindi mo tinanggap yung offer ni dean sayo no?" Tanong nya. Nagulat naman ako dahil alam nya ang tungkol dito.

"Paano mo nalaman yung tungkol sa offer?" Nagtataka kong tanong. Si Ava lang kasi ang nakakaalam noon bukod sa amin ni Dean.

"Kuya mo ako Jah." He chuckled. "Akala mo hindi ko nahalata noong tinanong mo ako noon kung kaya kong malayo kay Pau? Narinig ko rin kayo ni Ava na naguusap sa phone isang beses." Napasimangot naman ako dahil nahuli nanaman ako.

"Yeah hindi ko tinanggap yung offer kuya, hindi ko kayang iwan siya na ganoon ang sitwasyon nya." Tumungo ako. Hinawakan nya ang balikat ko saglit.

"Iba na ngayon Jah hiwalay na kayo piliin mo naman yung sarili mo." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "I know you love Josh at hindi naman ako tutol don pero don't lose yourself because of him. You should back on track, do what you love Jah this time piliin mo naman yung sarili mo."

Napaisip ako ng gabing yon sa sinabi ni kuya masyado nga yata ako naging depende kay Josh na lahat dapat ng magiging desisyon ko at pangarap ko ay dapat mapapasaya din siya. Kinabukasan pumunta ako sa school para kausapin si dean sana hindi pa huli ang lahat.

"Good Morning Mr. De Dios bakit ka naparito?" Binigyan nya ako ng masayang ngiti, siguro ay may hint na siya kung bakit ako pumunta dito.

"About your offer sir, pwede ko pa ba kunin yung offer?" Nakita ko naman na lumapad ang ngiti nya.

"Sabi na hindi mo ako bibiguin Mr. De dios! Syempre pwede mo pang tanggapin matagal na kitang hinihintay bumalik dito sa office ko."

"Thank you sir, this time hindi na po magbabago ang isip ko." He offered me a shakehands.

"Good to hear that Mr. De Dios."

Pagkatapos namin mag-usap ay tinawagan ko si Ava sinabi ko sa kanya na magkita kami sa ice cream parlor na malapit sa condo nya.

"Wazzup?"Bati sa akin ni Ava pagkarating dito sa loob ng ice cream shop. Inabot ko sa kanya ang inorder ko para sa kanyang ice cream.

"Thanks anong meron bakit bigla ka nagpapa ice cream dyan?" She chuckled and eat her ice cream.

"Tinanggap ko na yung offer ni dean." Walang emosyon kong sabi.

"What?! Omg congrats Jah! Matutupad na pangarap mo!" Hinawakan nya ang isa kong kamay na nasa lemasa at inalog-alog ito.

"Thank you." Simpleng sagot ko. Binitawan nya ang kamay ko at sumimangot.

"Ano ba yan parang wala lang sayo? Hindi ka ba masaya? Pangarap mo yon oy!"

"Masaya naman pero pag naiisip ko na hindi ko na kasama si Josh sa susunod na chapter ng buhay ko nasasaktan ako." I smiled bitterly.

"Malay mo naman Jah gumawa pa rin ang universe ng paraan para magkabalikan kayo? Baka hindi pa lang ito ang right time." She shrugged.

"Ayoko umasa nakakatakot." I chuckled.

"Sino ba may sabing umasa ka? Gaga ka." Natawa pa siya. "Just go with the flow Jah wala naman makakaalam sa mga mangyayari eh."

"Yeah, hindi ko nga din alam na magbebreak pala kami eh." Tumawa ako ng mahina. Tumigil ako sa pagtawa ng nakita kong seryoso lang nakatingin sa akin si Ava.

"Magiging maayos ka rin Jah soon tiwala lang." She smiled at me.

Sana nga kasi pakiramdam ko durog na durog ako ngayon.


--

Our Zone ticket cutie :(



Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now