Chapter 25

873 39 9
                                    

"Again Congratulations to us!" The students and parents are clapping their hands, I saw my parents who's very proud of me right now.

Today is my Graduation Summa Cumlaude ako at Magna Cumlaude naman si Ava. Inilibot ko ang paningin ko pagkatapos ko mag speech, nakita ko sa hindi kalayuan si kuya Stell, kuya Ken at Kuya Pau na pumapalakpak. Inilibot ko ulit ang paningin ko at umaasang makikita ang isa pang tao na gusto kong makasama sa araw na ito ngunit hindi ko siya makita.

Bumaba ako ng stage at bumalik sa designated seat ko kung saan katabi ko si Ava.

"Nakakaiyak naman yung speech mo Jah, special mention pa ako." She chuckled.

"Of course best girl friend kita eh." I winked at her at tumawa naman siya.

Habang nag sasalita ang guest speaker ay hindi ko maiwasan lumingon-lingon dahil baka dumating na si Josh pero hindi ko pa rin siya makita.

"Relax Jah sure ako nandito yon, wag ka ng mag palinga-linga dyan nahihilo ako sayo." Bulong ni Ava. Bumuntong hininga ako at nakinig na lamang sa harapan.

Dumating ka Please. Yan ang iniisip ko ngayon, kahit ito man lang masaksihan nya dahil alam ko sa susunod hindi ko na siya kasama sa mga susunod kong achievements. Bahagya kong hinawakan ang bracelet na suot ko sa kanan kong kamay. "Please Josh..." Bulong ko.

Natapos ang ceremony. Nagyakap kami ni Ava, umiyak pa siya dahil mamimiss nya raw ako.

"Wag ka nga umiyak!" Reklamo ko at tumatawa naman ang mga magulang namin habang pinapanood kami ni Ava. Nagulat ako ng may yumakap sa amin, Sina kuya Stell pala ito.

"Congrats mga bata!" Bati ni kuya Pau habang naka group hug kami. 

"Congrats Bunso and Ava pero hindi pa kayo pwede mag-asawa." Pagbibiro ni kuya Stell.

"Congrats Dre, Congrats Ava iyakin." Pang-aasar ni Kuya ken kay Ava kaya kinurot siya nito sa tagiliran. Humiwalay kami sa pag group hug.

Nagsimula kami mag kuhanan ng mga pictures kasama ang parents namin, solo then as a group. Hindi ko pa rin maiwasan i-ikot ang paningin ko sa mga taong nandito dahil baka nandito si Josh at hindi ko lang napapansin. Napatingin sa akin si mama at nginitian ako.

"Wag ka ng malungkot nandito naman kami." Inakbayan nya ako saglit.

"Thanks ma." I smiled at her. Hindi na siguro siya darating, dapat sinisimulan ko ng masanay na wala na siya sa bawat importanteng araw na darating sa akin. Ito dapat yung araw na masaya ako pero hindi ko talaga maiwasan malungkot, nag sisimula nanaman ako makaramdam ng kirot sa puso ko.

"One last picture tayong tropa dali." Hinila ako ni Ava dahil nasa gilid lang ako. The photographer was about to take a picture ng magsalita si kuya Pau.

"Josh!" Napatingin ako kung saang direksyon nakatingin si kuya Pau. Napako ang tingin ko kay Josh. Hindi nya ako binigo dumating siya. Napako ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko at ang gagawin ko dahil ngayon lang kami nagkita simula noong naghiwalay kami.

Binati nya ang parents ko medyo halatang na awkward siyang makipag interact kay na papa. Nilapitan niya si Ava upang batiin ito, bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatingin siya sa akin.

"Congrats Justin." Matipid nyang sabi. He doesn't even call me Jah so we're back to being strangers.

"Thank you Josh." Seryoso kong sagot.

"Oh picture na! picture na! kanina pa naghihintay yung photographer." Sigaw ni kuya Ken kaya umayos na kami.

Nasa gitna kami ni Ava habang katabi ko sa kabila si Josh, parang napapaso ako pag napapadikit ang katawan namin. 

"Uy Jah wala pa kayong solo ni Josh." Pagpapaalala pa ni kuya Ken. Diba tahimik to si kuya Ken? Bakit pag sa ganitong sitwasyon umiingay siya.

"Wag na---" Hi-hindi pa sana ako ng hilahin kami ni kuya Ken para makuhanan ng picture. Nakita ko naman napailing na lang si kuya Pau at kuya Stell sa ginawa ni kuya ken at nagpipigil ng tawa.

"Closer please." Sabi ng photographer kaya lumapit ako ng kaunti kay Josh at ganoon rin siya. Hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko sa picture dahil nananaig ang kaba sa dibdib ko.

"Tara kain na tayo gutom na ako!" Sigaw ni  kuya Stell after namin makuhanan ni Josh ng picture.

"Anak lagi ka naman gutom wala ng bago doon." Pang-aasar ni papa kay kuya kaya nagtawanan sina kuya Pau.

"Pa wag mo naman ako ibuko." Napakamot si kuya sa ulo nya.

Akma ng aalis ang mga kasama ko ng hawakan ko si Josh at napatingin silang lahat sa amin. "Una na tayo. Sunod kayo Jah ah?" Sabi ni mama at tinaguan ko siya bilang sagot. Sina kuya Stell naman ay hindi na umangal at sumunod na lang sa sinabi ni mama.

Tumingin si Josh sa kamay kong nakahawak sa kanya at bumitaw ako. "Can we talk?" He nodded at nagsimula maglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahi tahimik lang siya at tahimik ko lang din siya sinusundan.

Nakarating kami dito sa rooftop, kami lang narito kaya tahimik. Umupo kami sa upuan na mahaba na narito.

"Thank you for coming." Paninimula ko. Nakatingin lamang ako sa ulap habang sinabi iyon.

"Tinupad ko lang yung pangako ko." Naptingin ako sa kanya. Hindi ako magkakaila namiss ko siya, namiss ko ang boses nya, namiss ko ang lahat sa kanya.

Natawa ako ng mapait. "Dapat masaya ako ngayon dahil graduate na ako ito yung hinihintay natin diba? Pero bakit ganoon yung akala ko na araw na magiging masaya ay naging masakit para sa akin?" Pinahid ko ang luhang pumatak mula sa aking mga mata. "Dapat cinecelebrate natin to together diba? Oo nandito ka nga pero hindi ito yung ineexpect ko Josh." Tumingin siya sa akin at nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan din siya sa nangyayari.

"Justin ikaw na ang may sabi hindi lahat ng gusto nating mangyari ay aayon ang tadhana. Congrat ah? Alam ko malayo pa ang mararating mo."  Tumingin siya sa mga puno na tanaw dito sa rooftop.

"Pero hindi na kita kasama pg nangyari yon." My voice broke. Simula noong naging kami ni Josh lagi na siya kasama sa mga plano ko, pati sa pag-buo ng mga panagarap ko siya ang gusto kong kasama pero malabo na itong mangyari ngayon.

"Kaya mo yan ikaw pa ba?" I saw his tears start falling.

"Pupunta na ako ng US next week, mag te-training ako doon para maging direktor." Inaasahan kong magugulat siya sa sinabi ko pero tila alam nya na ang tungkol dito. Parang nabasa nya naman ang iniisip ko.

"Stell told me last week na tinanggap mo daw yung offer ni dean." He explained and I just nodded.

"Hindi mo ba ako pipigilan?" Tanong ko. Alam ko ang pathetic ng ginagawa ko ngayon pero gusto ko pa rin isipin na may chance kami.

"Bakit naman kita pipigilan? matagal mo ng pangarap yan Justin and i'm happy for you na matutupad mo na yung gusto mo." He smiled and wipe my tears.

"Okay lang sayo na umalis ako?" Umiwas siya ng tingin. It means no.

"Sabihin mo lang Josh na gusto mo akong manatili hindi na ako aalis. Sabihin mo lang Josh." Hinawakan ko ang kamay nya. Parehas na kaming lumuluha ngayon hindi pa rin siya tumitingin sa mga mata ko nanatili siyang nakatungo.

"No Justin, pumunta ka ng US gawin mo yung gusto mo. Tapos na tayo Justin kaya dapat hindi mo na ako inaalala kung akala mo babalikan kita hindi na. Ubos na ubos na ako Justin ni hindi ko na kayang mahalin yung sarili ko so paano pa kita mamahalin? Hindi na kaya kitang mahalin Justin kaya sana kalimutan mo na ako." Tinanggal nya ang kamay kong nakahawak sa kamay nya.

"So I guess the horrible time has come for us after three years of being together. Now I will continue making beautiful memories and achieving my dreams alone." Pinahid ko ang luha ko at tumayo. 

"Good bye Josh." Yun na lamang ang huli kong sinabi at umalis na.









Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now