Chapter 28

920 40 5
                                    

"I'll be there in 15 minutes Farrah." I said and Ended the call.

Nagdadrive ako ngayon papunta sa studio ng Showbt dahil doon gaganapin ang audition. Pagkarating ko sa Building ay agad akong pumasok sa loob, nakita kong naghihintay na ang mga mag a-audition may mga sikat na artista at may mga bago rin. Binabati nila ako pag napapadaan ako sa harap nila at binabati ko rin sila pabalik.

Pumasok na ako sa loob ng studio at sinalubong naman ako ni Farrah. "Good Morning Direk!" Bati nya.

"Good morning Farrah, kumpleto na ba tayo?" Tanong ko.

"Yes direk tara dun na tayo sa upuan mo." Naglakad kami sa upuan ko kung saan nakaupo din ang mga producer dahil isa din sila sa mga pipili sa magiging cast ng movie. Binati ako ng mga staff bago ako umupo dahil mabait ako binati ko rin sila.

Tiningnan ko ang list na nasa harap ko at nakita ko ang pangalan ni Japs. Alam nya kaya na ako ang direktor sa movie na to? Ano kaya magiging reaksyon nya? ngayon lang ulit kami magkikita pagkatapos ng mga nangyari noon.

Nagsimula na ang audition, nag focus ako ng maigi dahil gusto ko yung makukuha namin na cast ay perfect talaga para sa role, ito pa naman ang unang movie ko dito sa Pilipinas so kailangan hindi ako pumalpak. 

"I like your acting but I want to see the emotion in your eyes. Can you do it again?" Nginitian ko ang babaeng nakasalang ngayon sa harapan namin. Feeling ko kasi kinakabahan siya kaya gusto ko siya bigyan ng chance.

Nag tuloy-tuloy ang audition may mga nagustuhan na kami at meron din naman hindi. Napatingin ako sa auditionee na pumasok, tiningnan ko lang siya habang naglalakad sa harapan at nakita ko ang pagka gulat nya ng makita nya ako dito nginitian ko siya ng bahagya. 

"Please introduce yourself." Nginitian ko ulit siya dahil bakas sa mukha nya na hindi sya makapaniwala na nandito ako.

"G-good Morning po I'm Jack Patrick Santos 20 Years old." Halatang kinakabahan siya kaya nginitian ko siya at tinanguan para ma cheer up siya.

"You may now start."  Sabi ko sa kanya at nagsimula na siyang umarte. Habang umaarte siya ay nakikita ko ang resemblance ni Josh sa kanya, hindi mo mapapagkaila na magkapatid sila. 

"Ang galing nya direk para sa isang baguhan." Bulong sa akin ni Farrah sa tabi ko. Tinanguan ko lang siya sa sinabi nya. Hindi sa pagiging bias dahil kilala ko si Japs pero masasabi ko na isa siya sa nag stand out sa mga nag audition pero hindi pa rin ako ang masusunod kung siya ang mapipili dahil hindi lang ako sa magdedesisyon.

Pagkatapos umacting ni Japs ay pinalakpakan siya ng mga tao dito sa loob including me. "Thank you po." Sabi nya bago lumabas.

Pagkatapos ng audition ay dumeretso na ako sa labas at nakita ko si Japs na nandito pa rin sa building. Hindi pa siya umaalis kanina pa siya tapos ah?

"Kuya Jah--- I mean Direk Justin." Tawag nya sakin, napatawa naman ako dahil iniba nya ang tawag nya sa akin.

"You can still call me kuya Jah ano ka ba Japs." Ginulo-gulo ko ang buhok nya. Buti na lamang at umalis na ang mga auditionee kaya wala ng makakakita sa amin baka maging issue pa ito kay Japs if ever na siya yung makuha sa casting.

"Talaga po?" Nag ning-ning ang mata nya sa sinabi ko. He's still the cute kid I know.

"Oo naman bakit hindi?" Natatawa kong sabi. 

"Syempre hindi na kayo ni kuya." He pouted. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Ano naman? I can be your kuya pa rin naman even Josh and I are not together anymore." I chuckled. "By the way bakit nandito ka pa? Kanina ka pa tapos ah."

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now