Chapter 8

1.2K 52 5
                                    

"Jah antok na antok na ako, I can't wait na matapos na itong finals week."Pagrereklamo ni Ava at sinubsob nya ang mukha nya sa table.

Nandito kami sa library nag-aaral, last day na ng finals week namin. May one hour vacant time kami kaya nagpunta kami dito sa library para mag-review.

"Konting tiis na lang Ava makakatulog ka na ng mahimbing mamaya." pag cheer up ko sa kanya.

"Kaya nga, tsaka magkakaroon ka na rin ng bebe time baka this time matuloy na yung naudlot nyong kiss ni kuya Josh."Pang-aasar niya kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Ilang linggo na ang nakalipas hindi nya pa rin nakakalimutan yon. Pero sa kabilang banda tama si Ava, simula nag finals week hindi kami masyadong nakakapag-usap ni Josh kasi busy kami mag-aral. Pinag-usapan naman namin yon na uunahin namin studies namin pero nakakamiss din pala. Hindi kami magkasabay pumasok at umuwi kasi magkaiba ang schedule namin. Pero sabi nya sunduin nya daw ako mamaya, kaya nakisabay lang ako kay Ava kanina papasok para hindi ko na dalhin yung kotse ko.

"Bahala ka dyan, mag-aral na nga lang tayo Ava Suson."Agad naman siyang nagblush sa sinabi ko.

Maya-maya ay umalis na kami sa library dahil matatapos na ang vacant time namin. Nakasalubong namin yung apat papunta siguro sila sa building nila. Halatang wala din silang mga tulog. Si kuya Stell naabutan ko yan sa sala dun na nakakatulog sa pag-aaral. Si kuya Pau naman ay umuwi muna sa condo nya para makapag focus daw siya. Mukha lang silang mga siraulo pero matatalino mga yan.

"Bunso!"Tawag sa akin ni kuya Stell. 

Agad naman akong nilapitan ni Josh, binati naman ni kuya Ken si Ava at nag blush nanaman ang marupok kong kaibigan.

"Mga kuya! papasok pa lang kayo? Goodluck ah."Sabi ko at tumingin naman ako kay Josh.

"Mukha ka ng Panda."pang-aasar ko sa kanya at sinamaan ako ng tingin.

"Ikaw nga mukhang zombie."He chuckled.

"Ah talaga ba?"I rolled my eyes.

"Joke lang bebe Jah."He laughed.

"Mamaya na mga bebe time nyo baka malate yang dalwang yan nako."pagsaway ni kuya Pau sa dalwa niyang kaibigan.

Josh and kuya Ken pouted."Kontrabida!"Sabay nilang sabi kaya natawa kami ni Ava.

"Sige mamaya na lang Jah, sunduin kita sa room mo ah?"He said and I nodded.

Lumipas na ang ilang oras at sunod-sunod na ang exam namin, kaunti lang ang break namin. Sumasakit na ang ulo ko dahil puro major ang exam ngayong last day. Feeling ko nga ay nagkahalo halo na ang sagot ko sa magkaka relate na subject.

"Ano nga ba yun? nabasa ko na yon eh."kinakausap ni Ava ang sarili nya.

Hindi ko siya nilingon dahil baka akalain ng prof namin ay nagkokopyahan kami. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-sagot hanggang matapos ko na ang exam. Kinuha ko na ang bag ko at pumunta na ng unahan para ipasa ang papel ko. Sinenyasan ko na lang si Ava na hintayin ko siya sa labas.

Sa wakas tapos na din ang hell week, makakatulog na ako ng mahimbing. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Josh, sinabi ko lang sa kanya na tapos na ako mag-exam.

"Sumakit ulo ko don ah, nakakabobo yung tanong sa exam."Pagrereklamo ni Ava pagkalabas nya sa room.

"Kaya nga eh. Pero sana pasado tayo." I smiled at her.

Nag-usap pa kami ni Ava tungkol sa exam at kung saan kami nahirapan nang dumating si Josh.

"Hi Jah! Hi Ava!"Inakbayan nya ako.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now