Chapter 9

1.3K 46 12
                                    

"The best talaga si Ken Suson kahit kailan!" Nagrereklamo na si kuya Pau dahil late si kuya Ken, papunta na kaming Pangasinan ngayon at one hour late na si kuya Ken.

"Akala yata ni Ken sa Mega mall lang tayo pupunta." pagbibiro ni Josh.

Nandito kami sa labas ng DLSU sabi kasi ni kuya Stell dito na lang magkita-kita.

Nandito ako sa loob ng van naghihintay habang yung tatlo ay inaabangan si kuya ken sa labas ng van, nakabukas ang van kaya naririnig ko sila.

Konting saglit pa ay dumating na si kuya Ken. "Sorry na may dinaanan pa kasi ako."

"Ewan ko sayo Suson lagi ka na lang late."kuya Pau rolled his eyes.

"Tara na Tara na tanghali na mahaba pa ang byahe!"Pagyaya ni kuya Stell.

Si kuya Stell ang driver namin then nasa passenger seat jowa nya syempre, nasa unahan namin ni josh si Kuya Ken then nasa likod kaming dalawa ni Josh.

Tahimik lang ako habang nasa byahe naka earphone at nakatingin sa bintana.

Naramdaman kong kinuha ni Josh ang isang earpiece sa tenga ko at nilagay nya yun sa tenga nya.

"Bakit tahimik ka?"sinandal nya ang balikat niya sa ulo ko.

"Wala lang, inaantok lang ako."I smiled at him.

"Yare! Dapat talaga di na ako sumama, yung nasa harapan ko naglalandian pati ba naman yung nasa likod ko?Makatulog na nga lang bahala kayo dyan! Pangit nyo kabonding!"sinuot ni kuya Ken ang airpods nya at natulog na lang.

Natawa kami sa sinabi nya. Badtrip yan kasi hindi kasama si Ava eh pero kung nakasama yon baka nag haharutan din sila.

"Gusto mo matulog?"tanong ng katabi ko.

"Ayoko, gusto ko makita yung daan. Namiss ko ang Pangasinan eh."

Kinuha nya yung kamay ko at pinisil-pisil ito. Bakit kumakalma ako pag ginagawa niya to?

He's my safe place na talaga.

"Do you think your parents will like me?"He pouted.

Natawa naman ako sa itsura nya dahil kita sa mukha nya na kinakabahan siya. "Of course! Nakwento na nga kita sa kanila and they are excited to meet you."

Nag ningning naman ang mata nya sa sinabi ko at lumaki pa ang ngiti sa mga labi nya."Talaga?" I nodded.

"Alam mo ba kagabi pa kami kinakabahan ni janpawlo."natatawa nyang pagkukwento at nagreact naman agad si kuya Pau.

"Damay mo pa ako!"

"Luh talaga naman! Tinawagan mo pa nga ako ng disoras ng gabi kasi sabi mo di kamakatulog kasi kinakabahan ka!"Napuno ng tawanan ang sasakyan dahil sa sinabi nya.

"Mahal wag kang kabahan di naman sila nangangagat nananakal lang."hinampas ni kuya Pau si kuya Stell sa binti nya.

Maya-may ay tumahimik na kami, si kuya Ken ay tulog pa rin at si Josh naman ay nakatulog na rin sa balikat ko. Naglaro na lang ako sa phone ni Josh para hindi ako mabored.

"Josh gising na, nandito na tayo."hinahaplos haplos ko ang buhok nya habang nakasandal pa rin siya sa balikat ko.

Hindi pa rin siya nagmulat at niyakap pa ako."Josh gising na baka makita tayo nina mama dito bahala ka." Agad naman siyang nagmulat.

Natawa ako sa ginawa nya, kabado bente bebe Josh eh. Bumaba na kami ng sasakyan at nakita kong tumatakbo palapit aamin si mama at papa kaya tumakbo din kami ni kuya Stell papalapit sa kanila.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now