"Oh bakit ang daming painting ditong nakakalat?" Tanong ni kuya Stell pagkapasok nila ni kuya Pau dito sa condo. Kakauwi lang nila galing sa work, isang linggo sila hindi umuwi dito sa condo at doon muna sila nag stay sa bahay nina kuya Stell niyaya nya ako pero masyado akong busy para doon umuwi.
"May nagkagusto kasi ng artworks ko sa twitter tapos magbabayad daw sila para sa arts ko so ginrab ko na sayang eh." Pagsisinungaling ko.
"Justin hindi pa tayo naghihirap ah. Hindi naman ako tutol pero busy ka pa sa acads mo kaya mo ba pagsabayin yan?" Concern nyang tanong. Si kuya Pau naman ay tahimik lang sa gilid.
"Wag ka mag-alala kuya ilan lang naman yung gagawin ko tsaka kaya ko naman." I smiled at him.
"Sige basta wag mo pababayaan yung studies mo last term mo na Justin baka ngayon ka pa pumalya." Pagpapaalala nya.
"Opo kuya." I smiled at pinagpatuloy ang pag pipinta.
Pumasok na sila sa kawarto nila, bumuntong hininga ako ng marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto nila. Hindi ako sanay magsinungaling, ang hirap pero kailangan kong gawin.
Nagsimula na ako tumanggap ng commission kapalit ng mga painting and artworks ko. Nagsimula ako last week, nagpatulong na rin ako kay Ava dahil baka may mga kilala sya na gusto magpagawa ng painting or other artworks ko.
Naisipan ko ito dahil gusto ko tumulong kay Josh ayoko namang tumulong na hindi galing sa sarili kong pinaghirapan yung pera.
I saw Japs last week sa mall bumibili siya ng materials for his school project tapos kulang yung pera nya noong magbabayad na siya sa cashier mabuti na lang nandoon ako kung hindi baka kung anong nangyari kay Japs doon. Pinakiusapan ako ni Japs na wag ko daw sabihin sa kuya nya yung nangyari kasi makakadagdag pa siya sa isipin ng kuya nya. Tinanong ko siya kung bakit kulang ang pera nya sabi nya lang ay nahihiya siya manghingi ng pera sa mommy nya at mga kapatid nya pero feeling ko ay dahil ito sa nangyayari sa kumpanya nila tapos nasa hospital pa rin ang daddy nila. Sabi rin kasi sa akin ni Ava ay naghihirap na daw sina Josh kaya gusto ko tumulong kahit sa ganitong paraan. Hindi ko alam kung paano ko mabibigay kay Josh to pero ang importante muna ay makalikom ako ng pera saka ko na iisipin yon.
Tiningnan ko ang mga natapos kong painting, madami na ito panglima na itong ginagawa ko may mga nabenta na rin ako noong nakaraang araw. Tumayo ako ng marinig kong nag ring ang phone ko, si Ava pala yung tumatawag.
"Hello?" Pagbati ko pagkasagot ko ng tawag.
"Uy Jah natapos mo na yung part mo?" Tanong nya. Bigla ko naman nasapo ang ulo ko dahil nawala yun sa isip ko.
"Sorry Ava hindi ko pa natatapos pero tatapusin ko ngayong gabi promise." Nahihiya ako kay Ava dahil nakalimutan ko tapusin yung sa thesis paper namin.
"Ayos lang Jah weekend naman bukas may oras pa." Sabi nya sa kabilang linya.
"Sorry talaga Ava."
"Okay nga lang baliw. Ikaw masyado mong cinacareer yang pag pepainting mo ah. Humingi ka na lang kasi ng tulong sa parents mo para matulungan mo si kuya Josh." Nararamdaman kong napapairap sya ngayon sa kabilang linya.
"Ava magagalit si Josh pag humingi ako ng tungkol kay na mama hindi ko pa nga alam kung paano ko ibibigay tong pinagbentahan ko ng mga artworks ko."
"Hay basta wag ka magpaka pagod dahil may ilang series of defense pa tayong pagdadaanan hindi ko kayang mag-isang mag defense yawa ka." Tinawanan ko na lang siya sa sinabi nya.
"Opo mama Ava sige na gagawin ko na yung part ko." I said and ended the call.
Inumaga na ako ng matapos ko ang pinagawa ni Ava at ang painting na kailangan kong tapusin. Papasok na sana ako sa kwarto ko para matulog ng marinig kong nag-uusap si kuya Stell at kuya Pau sa loob ng kwarto nila. Hindi ko gustong makinig pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa may pintuan ng kwarto nila.