Chapter 23

860 39 16
                                    

Lumipas ang mga araw hindi pa ulit kami nag-uusap ni Josh. I tried to call him and text him pero hindi siya sumasagot, pag dinadalaw ko si daddy John hindi ko siya naabutan doon hindi ko siya pinupuntahan sa bahay nila sa condo at sa company nila dahil baka ayaw nya akong makita.

Inayos ko ang mga papel na pinrint ko, ready for checking na ang thesis namin ni Ava medyo maluwag na ang sched naming dalwa pag natapos namin agad ito ay paghahanda naman sa graduation ang gagawin namin.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at umupo sa bar stool. My heart is feel so empty right now, hindi pa rin kami nag-uusap ayoko naman siyang suyuin ewan ko hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Hindi ko namalayan na nandito na pala si kuya Stell sa tabi ko. Nakapantulog na siya at mukhang matutulog na.

"Wala kuya." I smiled.

"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman hindi na masyadong busy." I drink my water. Binalot muna ng katahimikan saglit bago ulit siya nagtanong.

"Eh kayo ni Josh kamusta?" Tanong nya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"I don't know." I chuckled. "Hindi pa ulit kami nag-uusap eh, I tried to reach out pero wala pa rin. Alam mo naman kuya na hindi ako sanay manuyo diba? kapag pinagpatuloy ko yung pangungulit ko tapos wala ako mapala alam mong mapapagod lang ako at mawawalan na ng pake pagkatapos noon kaya bigyan natin siyang space kung yun ang gusto nya." I smiled.

"Hindi nya pa siguro alam yung sasabihin nya kaya hindi pa siya nagpapakita, hayaan mo kakausapin ka rin ni Josh hindi ka nun matitiis." He tapped my shoulders.

"Mali ba yung ginawa ko kuya?" Tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin ng upo.

"Hindi because you just want to help kaso lang nga napabayaan mo sarili mo." Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko naman kuya gusto magkasakit, gusto ko lang tumulong kahit sinikreto nyo sa aking lahat yung problema." I pouted.

"Oh bakit nadamay ako dyan?" Natatawa nyang tanong. "Hindi ito seryoso na. Sinikreto ni Josh yon sayo kasi ayaw nya pang makadagdag stress sayo yung problema nya alam naman nating lahat na importante sayo ang acads mo sayo, running for summa cum laude ka pa ayaw nya lang mawala yung focus mo doon Jah. Hindi ko naman sinasabi na tama siya pero ikaw lang ang iniisip nya Jah." He tapped my shoulders at naglakad na papasok sa kwarto nya.

Lumipas pa ang araw ngunit hindi pa rin kami nag-uusap ni Josh. Nagsisimula na akong masanay namimiss ko siya pero at the same time ayoko siyang habulin. May ugali kasi ako noong bata pa lamang ako na kapag sinuyo kita tapos hindi mo pa rin ako pinansin mapapagod ako tapos nawawalan na ako ng pakealam doon sa tao yun ang ayaw ko mangyari kaya hinahayaan ko lang si Josh, hindi ko nga alam dati noong iniiwasan nya ako ay hindi ko naramdaman yon pero iba kasi pakiramdam ko ngayon eh.

"Kaunting kembot na lang gagraduate na tayo!" Masayang sambit ni Ava. Nandito kami sa restaurant malapit sa LaSalle kakatapos lang namin magpacheck sa prof namin at sabi nito ay ready to bind na ang aming thesis paper.

"Yeah congrats to us." I sipped my drink. Binagsak nya ng bahagya ang kubyertos nya at tiningnan ako ng mariin.

"Cinongrats mo ako pero yung mukha mo pang byernes santo." Pagrereklamo nya.

"Baliw."I chuckled.

"Hindi pa rin kayo ayos ni kuya Josh? Sorry talaga ah dapat kasi hindi ako umamin eh." I saw sadness in her face.

"Naka ilang sorry kana Ava, diba sabi ko sayo wala kang kasalanan? Ako pa nga may kasalanan sayo kasi nadamay ka eh." Ngumiti ako sa kanya ng alanganin.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now