Chapter 37

1.1K 39 8
                                    

"Cut!" Sigaw ko after kong masatisfy sa acting ni Japs. "That's all for today, happy weekend everyone!" Sigaw ko at pumunta sa tent ko.

Alas tres na ng madaling araw ng natapos kami kaya pagod na pagod ako. Ilang araw dire-diretso ang taping namin at dire-diretso rin akong saglit lang nakakatulog.

Masyado akong napagod nitong mga nakaraang araw dagdag pa ang tumatakbo sa isip ko. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto umupo muna ako sa tabi ng kama at tinanggal ko ang sapatos ko at mga accessories na suot ko. Binuksan ko ang mini cabinet ko sa tabi ng kama at kinuha ang jewelry box ko. Ilalagay ko na ang kwintsa ko at relo ko sa jewelry box ng mapansin ko ang isang bracelet. Nilagay ko muna ang kwintas sa box at kinuha ko ang bracelet na napansin ko.

Pinagmasdan ko ang bracelet na hawak ko at napangiti. Binigay ito ni Josh noong first monthsary namin. Lagi ko itong suot noong trainee pa ako sa USA pero tinago ko na lang makalaunan kasi pag nakikita ko ang bracelet na to noon ay si Josh ang naaalala ko at feeling ko hindi ako makausad habang suot ko to.

Bigla ko nanamang naalala yung huli naming pag-uusap ni Josh. Ang dami kong nalaman, all this time akala ko sinukuan nya ako. Nakipaghiwalay siya sa akin para matupad ko ang pangarap ko, I want to get mad because of what he did pero mas nagingibabaw yung paglambot ng puso ko. Yes I hate the fact na kailangan nya pang isacrifice yung relationship namin para lang mapapayag akong mag-aral sa ibang bansa but on the other hand he do that because he love me.

Sabi ni Josh sa akin ay tinupad nya yung pangako nya sa akin na sa bawat milestone ng buhay ko ay nandun siya. Hindi ko alam kung paano nya nagawa yon but I felt relieved noong sinabi nya yon.

Hindi pa ulit kami nag-uusap ni Josh after ng gabi na yon na sa tingin ko ay mabuti dahil hindi ko pa alam ang irereact ko pag nakita ko ulit siya.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Plano kong puntahan si Kira ngayon ilang lingo ko na kasi siya hindi napupunthan dahil busy ako. I need to make bawi kay Kira. Paglabas ko ng kwarto ay tahimik walang Austin na naglalaro, umalis siguro silang pamilya.

Nagdrive ako papuntang ampunan pero nag drive thru muna ako para bumili ng pagkain para sa mga bata especially kay Kira. Dumaan na rin ako saglit sa toy store to buy Kira a gift kasi siguradong nagtatampo na sakin yung batang yon.

Pagkarating ko sa bahay ampunan ay kinausap muna ako saglit ng madre upang magpasalamat sa pagkain at sinundo nya na si Kira sa loob.

"Kuya Jah!" Sigaw ni Kira habang papalapit sa akin. Masaya ang mukha nya at sinalubong nya ako ng yakap. This kiddo is so sweet. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ako ng batang to ay hindi lang pala ako kundi pati si Josh.

"Hi Kira! Kamusta ka?" Ngiting tanong ko sa kanya pagkahiwalay naming ng yakap.

"Ochey lang po ako. Bakit ngayon lang po kayo dumating?" She pouted. Sabi na magtatampo tong batang to eh. Natawa naman ako ng bahagya at ginulo-gulo ang buhok nya.

"Sorry Kira naging busy sa work si kuya Jah eh. Ito toys oh pambawi ko sayo." Inabot ko ang regalo ko sa kanya at tuwang-tuwa nya itong kinuha.

"Wow! Ang ganda po!" Sabi nya sa laruang binigay ko sa kanya.

"Kasing ganda mo." I said and she giggled. She's so adorable I hope I can have a daughter like her.

Pinagmamasdan ko si Kira na masayang naglalaro ng binigay ko sa kanya. Kinuha ko ang pagkain na para sa kanya at pinakain siya. Ayaw nya tumigil sa paglalaro kaya sinusubuan ko na lang siya.

"Binisita po acho ni kuya Josh noong isang araw." Pagkukwento ni Kira habang puno ang bibig nya ng pagkain. Pumunta pala si Josh dito? Palagi kasi naming sabay pinupuntahan si Kira eh.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now