Chapter 3

1.1K 58 20
                                    

"Kuya pasok na ako sa School." Pagkatok ko sa kwarto ni Kuya Stell pero walang sumagot.

Tulog pa siguro sila ni kuya Pau, mamaya pa naman klase nila eh. Minsan kasi dito natutulog si kuya Pau, wala naman masama mag boyfriend naman sila eh lagi nga lang akong third wheel.

Pagkarating ko sa room ay kakaunti palang ang tao dahil maaga pa.

Nag tingin-tingin na lang muna ako sa tiktok ng mga videos then biglang lumabas video ni Kuya Josh na kasama si kuya Stell sumasayaw silang dalawa.

Aware naman akong magaling si Kuya Stell sumayaw, pero hindi ko alam na magaling din pala si kuya Josh sumayaw.

Napaisip tuloy ako kung marunong din sumayaw si kuya Ken.

Sinearch ko yung account ni kuya Ken and may nakita akong video na nagsasayaw siya.

"Hindi lang gwapo, talented pa."sabi ko.

"Sinong gwapo?"

"Ay peklat mong blue!"Napasabi ko na lang dahil sa gulat ng magsalita si Kuya Josh.

"Bakit ka nanggugulat kuya Josh? At bakit ka nandito? Hindi kita classmate uy." napatingin ako sa mga kaklase kong napapatingin samin.

"Napadaan lang, tapos nakita kitang pangiti-ngiti dyan. Sino ba yan ha?" Akma nyang kukunin yung phone ko ng ilayo ko yon.

Ang lapit na tuloy ng mukha nya sakin  konti na lang... Ay ano ba iniisip ko?

Nakatitig lang sya sakin at umayos na ng upo pagkatapos.

"Ang chismoso mo kuya Josh." I pouted and he chuckled.

"Ay paalala ko pala sayo lakad natin bukas Rizal park ah. Be ready by 10am okay?" paalala nya at ginulo-gulo ang buhok ko at iniwan na ako.

"Ah hindi pala boyfriend?" Sabi ni Ava na kakarating lang.

"Hindi nga, malisyosa ka." sabi ko na lang at umayos na ng upo dahil saktong dumating yung Prof namin.

After morning classes, Ava and I decided na sa cafeteria na lang kumain, tinatamad kasi kami lumabas. Tumingin-tingin ako ng mauupuan ng makita ko si kuya Ken na kumakain mag-isa wala kasama sa table, kaya hinila ko si Ava papunta sa table ni kuya Ken.

"Hi kuya Ken! Can we join you?" I smiled at him para pag bigyan nya ako.

"Sige Jah."

Umupo kami ni Ava at nagisip kung ano ang kakainin namin, sinesenyasan ako ni Ava gamit ang  mata nya na parang sinasabing may gusto ako kay kuya Ken.

"Ako na bibili ng food natin Jah, wait mo na lang ako dito." Sabi nya at binangga nya ang balikat ko na parang sinasabing i-grab ko yung chance ngayon.

"Bakit mag-isa ka lang kuya Ken?" I asked him.

"Hindi naman ah, nandyan ka eh." He said and smile at me.

Namula naman ako sa sinabi nya, grabe yung epekto nya sakin.

"I mean na saan sina kuya Josh? Nakita ko yun kanina eh nangungulit nanaman." I chuckled.

"Ganon talaga yon masanay ka na dun. Wala pa yung lovebirds eh, tapos si Josh hindi ko alam nasaan yung hamster na yun, pakalat-kalat." pag-kukwento nya.

Napansin kong may dumi sya sa may bibig dahil sa pagkain.

"Kuya Ken may dumi ka sa bibig mo." Tinuro ko sa kanya kaya pero di pa rin naalis ang dumi sa bibig nya.

Kaya kumuha ako ng tissue sa bag ko then pinahid yon, mukha syang nagulat sa ginawa ko pero umakto ako ng wala lang sakin yon.

"Ayan wala na." nginitian ko sya.

Saudade (Josh×Jah)Where stories live. Discover now