"Hoy jah! Tapos na yung klase hindi pa ba tayo lalabas?"Sabi ni Ava kaya napatingin ako sa kanya.
Tumingin ako sa paligid at kami na lang pala yung tao sa room.
"Tulala ka nanaman, hindi ka pa rin pinapansin?" tanong nya.
Umiling ako at tumayo na. "Hanggang ngayon di mo pa rin alam bakit di ka pinapansin ni kuya Josh mo tapos hindi mo pa rin alam kung sino yung sinasabi ni kuya Ken mo? Isipin mo kasi mabuti Jah hindi ko alam kung manhid ka lang o tanga ka talaga." Sabi nya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Alam mo rin kung sino? Sino Ava? Sabihin mo na sakin."pamimilit ko sa kanya.
"Ayoko, gusto ko ikaw makarealize."Sabi nya at naglakad na ulit kami.
Ano ba kasi yung nakikita nila na hindi ko nakikita? Ilang araw na sumasakit yung ulo ko kakaisip.
"Kuya Josh mo oh, lapitan mo na baka kausapin ka na ngayon." Turo nya kay kuya Josh, nakaupo si kuya Josh sa isang bench habang busy sa laptop nya.
Tinulak-tulak nya ako at nagpaalam na si Ava, iniwanan nya ako mag-isa.
"Pwede maki-upo?" Tanong ko kay kuya Josh at hindi sya sumagot patuloy lang sya sa ginagawa nya kaya umupo lang ako.
Kinuha ko yung phone ko at airpods, kunwari nakikinig ako ng music pero hindi, hinihintay ko lang sya magsalita pero wala nagsasalita samin.
"Kuya Josh." Tawag ko sa kanya. Tumingin siya saglit pero binalik nya rin agad ang paningin nya sa ginagawa nya.
"I miss you."sabi ko. Tila na gulat siya sa sinabi ko, pati na rin ako nagulat ako sa sinabi ko, hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon.
"Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Ano ba ginawa ko? Sabihin mo naman para aware ako. Hindi yung para akong tanga dito suyo nang suyo sayo na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." Tuloy tuloy kong sabi, hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita, nakatingin lang siya sakin. Tumayo na ako at aalis na ng tawagin nya ako.
"Jah.."Sabi nya pero di ko na siya pinansin at umalis na.
Nagmadali akong makapunta ng parking at pagkasakay ko sa sasakyan ko ay sunod-sunod ng tumulo luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan dahil iniignore nya ako? Hindi ko alam bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kung sa iba naman to hindi ako magkakaganito.
Nagdrive na lang ako papunta sa condo, hindi pa rin nauubos yung luha ko. Buti hindi pa traffic kaya nakarating agad ako.
Naabutan ko si kuya Stell at kuya Pau na nagtatawanan sa kusina, napatigil sila ng makita nila ang itsura ko.
"Oh anong nagyari sayo Jah?" nag-aalalang tanong sakin ni kuya Stell.
"Ah wala kuya na homesick lang ako, pasok na ako sa kwarto." yun na lang sinabi ko at nagkulong na sa kwarto.
Humiga ako sa kama at lalo pang umiyak.
"Bakit ka ba umiiyak nakakainis ka para kang tanga!"sabi ko sa sarili ko.
Binuksan ko yung phone ko at pumunta ako sa gallery ko, nandun yug picture namin ni kuya Josh ang saya namin, halatang close na close kami, nandun din yung pinag-gigitnaan nya kami ni kuya Ken.
Napunta ako sa picture na nasa Rizal park kami, selfie ito at nakatingin siya sakin.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni kuya Ken at Ava.
Si kuya Josh ba yung sinasabi nila? Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko, dahil sa naisip ko.
Gusto kong mag sinungaling sa nararamdaman ko pero unti unti ko na siyang narerealize ngayon. Kaya ba ganon na lang yung epekto nya sakin?