It's been a while since he left. Walang araw na hindi ko siya naiisip, gusto ko siyang tawagan or ichat pero pinipigilan ko ang sarili ko. Buti na lang laging kinukwento sakin ni Stell ang kinukwento ni Jah sa kanya.
Simula noong umalis siya ay nag focus ako sa company namin para maayos na ang problema. Unti-unti na namin nababalik sa dati ang kumpanya, naayos na rin namin ang issue at dumagsa na ulit ang mga projects namin.
Malaki ang naging tulong sa akin ng mga kaibigan ko pati si Ava tinulungan nila kami ni ate Jasha para malinis ang pangalan ng kumpanya.
Nagising na si dad. Kwinento namin sa kanya ang mga nangyari noong mga panahong comatose siya. Sinisisi nya ang sarili nya sa mga nangyari at humingi siya ng tawad sa amin. Alam nya na rin ang tungkol sa amin ni Justin at naging malungkot siya pero sinabi kong pagbalik ni Justin at pag natupad nya na ang pangarap nya ay babalikan ko si Jah.
Last month my cousin from Japan called me that he is in USA doon daw siya mag-aaral ng law. I was shocked ng kwinento nya sa akin na nakita nya daw si Justin doon sa University na pinapasukan nya. Napakilala ko siya kay Jah noong nagbakasyon kami ng family ko sa Japan nakikigulo kasi siya pag nag vivideocall kami ni Justin.
"Nandito pala si Justin Sa US? I saw him kahapon sa cafeteria ng University akala ko kamukha nya lang pero sure ako siya yun." Sabi nya habang magka facetime kami. Nagulat naman ako sa binalita nya. "Nilapitan ko siya pero mukhang hindi nya ako nakilala kaya hindi na lang ako nagpakilala sa kanya."
"Really? how's he doing?" Tanong ko at para namang naguluhan siya sa sinabi ko.
"Bakit hindi ikaw ang magtanong? Hindi ba kayo nag-uusap?" Tanong niya. Kung kaya ko lang matagal ko na sanang ginawa.
"W-we broke up." Malungkot na sabi ko sa kanya.
"What the fuck? Hindi ko alam sorry." Sabi nya at nginitian ko na lang siya ng bahagya.
"Kaya pala mukha siyang malungkot nang nakita ko siya kahapon. Pinagmamasdan ko kasi siya kahapon habang kumakain siya mukha siyang malungkot tapos mag-isa lang siya he look so loner dude." Pagkukwento nya at kumirot naman ng bahagya ang puso ko sa narinig ko.
Bakit malungkot pa rin siya? Dapat masaya na siya kasi matutupad nya na ang pangarap nya. Nakipag break ako sa kanya para isipin nya naman ang sarili nya para gawin nya ang gusto nya talagang gawin na hindi nya ako iniisip.
"Can you do me a favor?" I asked him.
"Yeah. What is it?"
"Can you look Justin for me? Kahit hindi mo siya kaibiganin, tingnan mo lang siya sa malayo and make sure that he's okay. Please bro?" Pakiusap ko sa kanya. I want to know what Justin really doing there. I want to make sure he's fine. Stell's updates isn't enough because I'm sure hindi sasabihin ni Justin kay Stell kung hindi ba siya okay doon.
"Sure don't worry." Napangiti ako sa sinabi ng pinsan ko at nagpasalamat.
After that call, my cousin start updating me what Justin doing. Pinaalam ko kayna Stell ang pinagawa ko sa pinsan ko at okay lang naman sa kanila dahil mag-isa lang doon si Justin walang magcheck sa kanya dahil ayaw pabisitahin ni Jah ang family nya at mga kaibigan nya roon sa hindi malaman na dahilan.
After a year tuluyan na naming naisalba ang kumpanya. Bumalik na ang mga malalaki naming investor at nadagdagan pa ito. Nag retired na si dad as CEO ako na ang pumalit na CEO sa Real Estate company naming at si ate Jasha naman sa isang company.
"Are you sure you will go to US?" Stell asked. Nandito kami sa condo ko nag-iinuman kaming apat a magbabarkada.
"Yes I want to watch Justin's first movie." I said.