Chapter Sixteen: Uncertainty

41 38 0
                                    

Chapter Sixteen: Uncertainty
   

"His flight was madness; when our actions do not, Our fears do make us traitors."
   

-Shakespeare

        

Her POV

   
"Ok class that's for today, thank you for listening and class dismiss." Mas mabilis pa sa alas kwatro ng masilabasan ang mga hayop kong kaklase, oo mga hayop sila di nakikinig sa klase yung mga kapwa babae kong mga kaklase ay nakatingin nga sa prof pero di naman nakikinig samantalang yung mga boys ayun parang lantang-gulay dahil nasapawan daw sila ng kagwapuhan nong prof namin sa basic accounting, nag-leave yong dapat na prof namin at siya ang ipinalit. Nagka-instant pantasya tuloy ang mga kaklase ko kay sir Idris Hermosura, nakababatang kapatid daw siya ni ms. Queenie. Nakakatuwa naman at may magkapatid na pareho ng ginustong propesyon.

 
Hays anyway, sinundo ako nila Ven dito sa classroom dahil balak daw nila akong ilibre ng lunch pero sabi ko naman hindi na pero ang bakla nag-insists talaga. Nag-cr lang ako saglit at susunod na ako sa kanila, gusto sana akong samahan ni Ven pero pinakaladkad ko na lang ito kila Shu at Rollice. Nang pumunta ako ng CR dito sa building namin ay out-of-order kaya sa kabilang building ako naki-CR, habang naglalakad ako sa hallway ng mga engineering building ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay problema ng mga tao dito psh. Pagkaliko ko sa CR ay may nakabanggaan akong tao, napahawak pa ako ng noo ko dahil tumama ito sa baba ng kung sino.

 
"Aray! Di ka ba marunong tumingin?" Reklamo ko habang hinihimas ang nasakatan kong noo. Shet! Siguradong mamumula ito.

 
"Tss. Di ka rin marunong tumingin." Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng pamatay na tingin pero ang walang-hiya wala manlang reaksyon sa akin. Para din itong si Seraphina eh cold one's.

 
"Tss. " aalis na sana ito ng harangan ko ito. Tamad na binalingan ako ng mga singkit niyang mata at namulsa sa pader.

 
"Look di ko sinasadyang malaman ang identity mo kagabi ok? Ohh shit!" Napahiyaw ako sa inis why would I say sorry for the things that I never did! Common! di ko naman sinasadya na mahablot kagabi ang maskara niya, ang tanga kasi nong isang audience sa sobrang kalasingan natulak niya ako at si kwatro ang nasa tabi ko. Pinilit niyang nilayo ang katawan niya oh diba ang ungentleman niya pero dahil sa paglayo niya ng katawan ang nasabit sa kanan kong hinliliit yung maskara niya ayun automatic na-expose ang facelak ni koya, pero agad din siyang napayuko para takpan ang mukha niya.

 
"Look di ko kasamalanan yun kasalanan ng audience so don't put the blame on me ok?" At nginitian ko siya ng pilit at nilagpasan na siya. Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya bahala siya tinuloy ko na ang naudlot kong pagsi-cr nong makita ko si kwatro dito. Sigh.

   
Pagkarating ko ng cafeteria ay masama ang tinging ipinupukol sa akin ni Venille. Di ko alam kung matatawa ba ako o sasapakin ko siya, ang sama ng itsura eh.

 
"Meron ka na bang nahiraman ng pera mo?" Usisa ni Ven sa akin tumango naman ako sa kanya habang ngumunguya ng carbonara. Nanlaki naman ang mata niya at bigla akong inusisa.

 
"Talaga? Kanino ka nakahiram?" Napakamot ako ng batok ko di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi, nakagat ko ang labi ko siguradong maglulupasay ang babaeng to kapag nalaman niyang nakipagduwelo ako sa isang underground battle.

 
"Nakausap ko kasi si Uncle kagabi at ayun makakapagpadala daw siya." Pinaningkitan niya ako ng mata kala mo naman kinaganda niya yan mukha naman siyang ewan. Tinaasan ko siya ng kilay at ang bruha tinaasan din ako ng kilay.

 
"Tigilan mo ako Ven sasamain ka saken." Banta ko sa kanya di ko alam kung anong meron ngayon at nag-make face ang gaga napangiwi ako sa ginawa niya.

 
"Seryoso anong nahithit mo Ven?" Usisa ko sa kanya, bigla siyang inakbayan ni Shu na ikinatili ni Ven.

 
"Alam mo Donnie mukha lang tong maayos peeo ang totoo nasapian to ng espiritu ng mga bakunawa kaya ganito to ngayon." Natawa naman ako ng sinapak siya ni Ven sa mukha, sapo ang ilong hinihimas-himas naman ito ni Shu.

 
"Ayan buti nga sayo. Hahahahaha." Pangagatong ni Ven, muli niyang inakbayan si Ven at gigil na pinisil ang pisngi niya, napahiyaw naman si Ven sa sakit at sinamaan ng tingin si Shu. Tawang-tawa na lang kami sa itsura nila mga may saltik din itong mga to sa utak ehh.

----

  
Kinagabihan ay nagtungo kami sa isang establishment, madilim, maingay at maraming adik.

 
"Ano bang ginagawa natin dito?" Usisa ko sa babaitang si Rivia.

 
"Ibebenta ka sa mga DOM." Maikling sagot niya na kinainis ko, tiningnan ko siya ng masama kasi di ako natutuwa. Tumawa naman si Lu, at nagpaputok ng kanyang chewing gum, how gross bitch. Tss.
  

"May kailangan tayong makuha sa loob kaya tayo nandito." Kimeng sagot niya saken, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba eh masamaang kutob ko sa pagpunta dito. Psh!

 
"What?! magiging kawatan nanaman tayo for a night! Ibang klase talaga oh!" Reklamo ko at padabog na sumandal sa upuan ko.

 
"Well congrats my dear, you don't have any choice but to come with us. Or else.." napaismid ako ng ikasa niya ang baril sa harap ko. Tss. Magaling man-blackmail ang gaga.

 
"Tara na." Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay lumabas na kami ng sasakyan. Ang kasama ko ay si Rivia at Seraphina, at sa backdoor kami dumaan samantalang sina Lu at Jiane ay sa entrance. Napangiwi pa ako ng may tumamang sapot sa mukha ko seryoso bang madadaanan tong backdoor ng building na to parang tanga lang na at parang di nadadaanan ah.
 

"Shhhh!" Senyas ni Rivia ng mabuksan na niya ang backdoor. Agad tumango si S at umirap lang ako malamang na tatahimik ako lalo na at walang pasabi na pumasok kami dito. Psh. Nagpatuloy kami sa pagklalakad at unti-unti naming naririnig ang mga kalansing ng mga kubyertos, kaldero, plato, mga babasaging baso at mga nilulutong ulam. Kundi ako nagkakamali ay nasa parteng kusina kami ng establishment na ito. Dahan-dahan naming tinawid ang pinto ng kusina at sa kanto bago maghagdanan ng 2nd floor. Pawis na pawis ako ng makaakyat sa 2nd floor.

 
"Bakit ka tumigil?" Tanong ni Rivia sa akin, napahawak ako ng dibdib ko at hinabol ang paghinga ko.

 
"Saglit pagod na pagod na akong tumakbo, malayo pa ba tayo sa opisina na sinasabi niyo?" Napahilamos ng kanyang buhok si Rivia sa nangyayari hinarap niya ako ng may panlilisik na mata.

 
"Saka ka na magpahinga kapag nasa opisina na tayo non dali." Sigh. Napatango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy na namin ang tahimik naming pagtakbo. Pero pagliko namin sa isang pasilyo bago ang opisina ng patay namin ay nagulat kami ng tutukan kami ng flashlight ng isang tauhan nila.

 
"Hoy! Sino kayo?!" Agad kaming napaatras at napamura sa aming mga isip. Shit! Shit! Lagot na!

-----

-🖋☻Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon