Chapter Eight: Second
"Life often presents us with a choice of evils rather than good."
-Charles Caleb Colton
-----
"AIS has this tradition we called one month rule for first class and newbies. This rule is to know your skills, acquire your ability and enchance your knowledge- in short this is only a guide to students kung karapat-dapat ba ang estudyanteng iyon sa grupo na napili niyang salihan." paliwanag ni Rivia.
"At kapag nalagpasan mo lahat nang yun kasama ng initiation, ikaw... Donnie Villa Encarnation, ay ganap ng miyembro ng Hellix Sorority. Lahat ng prebilehiyo sa AIS ay makakamtan mo, wala din makakapanakit sa'yong ibang grupo sa loob at labas ng AIS. Hangga't miyembro ka ng Hellix ay magkakaroon ka ng koneksyon sa lahat ng nanaisin mo," segunda pa niya.
"Pero ayon ay kung makalalagpas ka sa initiation day, matapos man ang one month rule o hindi lahat ng newbies sa araw na yun ay dapat na nasa Advilleton Arena para sa initiation, at ang initiation ang magdidikta ng iyong kapalaran sa AIS. So, goodluck Donnie."
"Hayss! parang ang hirap naman." reklamo ko.
"Magiging mahirap lang kung paiiralin mo yang katigasan ng ulo mo at kung di ka rin marunong makinig." lintaya niya. "Kaya payong tao lang Donnie, hwag mong paiiralin sakin yang katigasan ng ulo mo ha? kundi papalambutan ko yan sa asupre."
Napalunok ako ng laway sa banta niya, pagkatapos niyang magpaliwanag ay humalukipkip si Rivia sa inuupuan nito at lumagok ng beer. Bigla nang nagsalita si Liane mula sa permi nitong pagkakaupo. "Para sa ikalawang pagsubok mo sa gabing ito ay di tayo lalabas."
"Teka, teka anong ikalawang pagsubok? What do you mean?" kunot-noong usisa ko sa kanila.
"Ehem! Ang nangyari kagabi ay ang una mong pagsubok, ang ipagtanggol ang sarili mo sa mga mangangahas na gawan ka ng masama." paliwanag ni Lu, marahas akong napatayo sa kinauupuan ko at inis na binalingan silang lahat.
"What?! So planado niyo pala ang mga iyon? How could you?! Paano kapag may nangyaring masama sa akin paano na ako? Tang-ina naman Rivia sana sinabi mo para naman nakapag-prepare ako kahit papaano." puno ng disgusto ang boses ko, di pa rin makapaniwala na ganon ang gagawin nila sa akin.
"Chill kiddo, hahahahaha masyado kang hot tempered. For your information lahat ng sororities at fraternities ay nakaantabay sa'yo kagabi, kapag lumagpas na sila sa red line ay saka na kami kikilos para iligtas ka," paliwanag naman ni Jiane. "Buti nasapak mo yung mga lalaki kaya hwag kang mag-aalala di kami lalapit sa iyo, kasi di namin pinangarap na magpapasapak sa'yo."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at ngayon lang nagsink-in ang mga sinabi niya sa akin. "So nakita nilang lahat yung ginawa ko kagabi doon sa tatlong lalaki?"
"Oo kitang-kita ng lahat, kaya wala kaming balak na magpasapak sayo delikado baka di lang tulog kundi comatoses ang labas namin kapag sa amin nangyari iyon!" Natatawang untag ni Lu, napatampal ako mg noo ko sa katwiran niya. Dios mi yo! May saltik talaga si Lu.
----
Magmamadaling-araw na pero naririto pa rin kaming lima sa colony at naglalaro ng computer games, di ko maiwasang mairita dahil nananakit na ang aking mga mata sa pagkakababad sa monitor.
"Hutek na yan oh!" inaantok na bulong ko, samantalang sila Lu, at Jiane ay game na game na nakisali sa pangalawang pagsubok sakin ni Rivia. Partidang may pustahan pang isanlibo bawat katao.
"Kailangan ba talaga ng may pustahan?" hurumentado ko sa kanila.
"Oo part of our game na yan, kaya isanlibo bawat bata," sulsol ni Rivia. "Malay mo malalo kayo tigda-dalawanlibo kayo ni Jiane."
Halos naiiyak-ngiyak akong ibinigay ang pera ko dahil siguradong bawas na ang allowance, napapikit ako ng makitang isanlibo na lang din ang natitirang pera sa wallet kong maganda- para pa sana sa isang buwan ko ito pero di na ito kakasya ngayon.
"Hwag ka dyan Donnie, sa kabila ka mamamatay ako sayo eh," sigaw ni Jiane. "Baril Donnie!"
Napabuga na lang ako ng hangin sa sobrang iritasyon, tuluyan ko ng di ginalaw ang mouse at keyboard para ipagpatuloy ang paglalaro ng counter strike.
"Ayy bubu! Hahahahaha," Malakas na mura ni Rivia sa harap ng computer niya, sinamaan ko to ng tingin dahil alam kong ako ang pinapatamaan niya. "Tinitingin-tingin mo di ikaw yong kalaban."
Di ko na malabanan pa ang antok at sakit ng mata ko kaya iniyuko ko na lamang ito sa keyboard at ipinikit ang mga mata.
"Huy! Donnie di pa tapos ang laro gising ka dyan." hurumentado ni Jiane.
"Hmm... Bahala na kayo dyan antok na antok na ako."
Patuloy pa ring naglalaro ang tatlo kahit na nakatulog na ako. "Yes! Gimme that money hahahaha ang galing mo talaga Lu!"
Tuwang-tuwang kinuha ni Rivia sa mesa ang apat na libo, pinaghatian nila Lu ito samantalang nakasimangot si Jiane sa pagkatalo sa laban.
"Lol! Psh." Pinaikot niya na lang ang mga mata niya sa pagkabigo. Alam naman niya madaya talaga si Rivia at wala na siyang magagawa doon.----
Kinabukasan ay naalimpungatan ako ng makaramdam ng pagkangawit ng batok mula sa pagkakayuko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, alas-seis na ng umaga.
"Fuck! Ang sakit ng leeg ko shit!"
Pinasadahan ko ng tingin ang buong colony at sa isang sulok ay payapang nakahiya ang tatlo sa isang foam. "Kaloka naman tong mga to, may pa-foam na nakalatag tapos ako iniwan talaga nila akong nakayukyok dito? Hayss! Buhay nga naman oh."
Naiiling na nakangiwi ako habang pinagmamasdan ang mga ito. Di ko alam kung tatawa ba ako o maaawa sa mga pwesto nila.
Nakapatong ang paa ni Rivia sa tyan ni Lu, habang si Lu halos nasa sa sahig na ang katawan at kumot na lang ang nakatabing sa hinihigaan niya, tapos si Jiane ang lakas ng hilik, nakapatong naman ang kamay ni Rivia sa mukha niya. Nagdesisyon na lang ako na mag-inat ng katawan para maibsan naman ng kaunti ang nangalay kong katawan- at pinasadahan ko pa ulit ang tatlo dahil di ko makita si Seraphina na katabi nila.
Nagulat naman ako ng makita siyang itong nakahiga sa isang mahabang kadena na nakasabit sa magkabilang haligi ng colony habang yakap-yakap ang katana niya.
Infairness! Magaling ang baklang to sa act of balancing, hashtag sana all! Teka nga makalapit nga. Akmang tutusikin ko sana ang pisngi nito ng bigla itong magsalita. "Anong sabi ni Lu sa akin?"
"Huh?"
"Diba hwag akong guguluhin lalo na sa pagtulog ko?" pagtataray nito.
"Patawad po kamahalan," pagbibiro ko "Di na po mauulit kamahalan."
Ginawa ko yung ginagawa ng mga napapanood ko sa mga drama kung saan lumuluhod sila upang humingi ng kapatawaran na hwag mapugutan ng ulo. Lalo na at may hawak pa naman itong katana.
"Tsk! Hwag mong gagalawin ito, patay ka sa akin kapag ginalaw mo ito kahit na malakas kang sumapak di kita uurungan, naiintindihan mo?" banta niya.
Hayss! Ang hirap makisama sa bipolar na malupet, ganda mo sana S pero daig mo pa ang pinaglihi sa sobrang samang ng loob, akalain mo yun may mas malala pa pala kay Rivia pagdating sa mood swings! Ang bakla- sinamaan pa ako ng tingin bago pumasok sa restroom ng colony. Hays! Dumampot na lang ako ng isang tubig at isang orange sa ref.
"Pwede na to, pantawid gutom lang."
----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...