Chapter Twenty-four: Budol Finds
"...the common ememies of man: tyranny, poverty, dicease and war itself."
-John F. Kennedy
Her POV
*6:30 AM--
Kinabukasan paggising ko ay mabigat ang pakiramdam ko napakapa ako sa kama dahil parang may mainit at may nakakapa ako nakaumbok na bagay sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at biglang nawala ang antok ko ng malaman ko kung ano ang katabi ko.
"Hoy! H-hayup anong ginagawa mo dito?" Singhal ko, napaugot siya ng mukha bago buksan ang mata.
"Mamaya ka na magtaray inaantok pa ako." Reklamo niya sabay takip ng kanyang tenga ng unan ko. Kumuha din ako ng unan at inihampas sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito sa kama ko?! Aba't feel at home ka ha?" Bira ko pa, sinunod ko na ang pagpapatalsik sa kanya dito sa pinakamamahal kong kama.
"Aray naman! Wala namang sipaan. Tss." Natawa na lang ako sa kanya kasi lukot na lukot ang mukha niya sa inis.
"Patulugin mo muna ako ilang oras din kitang binantayan ka kasi.." pinutol ko ang sasabihin niya at minata siya.
"Kasi ano, Shin?" Bigla niyang nilayo ang paningin sa akin at napalunok.
"Ahh basta mamaya mo na akong alaskahin inaantok pa ako." Ulit niya, sumampa siya sa kama ko pagkatapos ay kinuha niyang muli ang unan ko para iharang sa mukha niya at tumalikod sa akin. Napangisi ako ng wala sa oras talaga lang ahh.
"Ayaw mo ba talagang bumangon dyan Josh?" Mapang-akit kong lintaya sa kanya, para mas lalong effective ay pinadausdos ko ang hintuturo kong daliri sa batok niya. Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagtigas ng kanyang kalamnan sa ginagawa ko. Pinagpatuloy ko ito hanggang sa balikat niya ang napakagat-labi ako ang tigas ahh tapos ay binalik ko sa batok niya. Napangiti ako kung paano siya mapaliyad, konti pa aalis din siya sa kama mo. Ilang saglit pa ay tinanggal niya na ang unan at nagulat naman ako ng hatakin niya ako at pumaibabaw sa akin.
"A-anong ginagawa mo?" Singhal ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"You tempt me first now.." ohh shet na malagkit! Napalunok ako sa kaba lalo na at konting kibot ay mahahalikan niya na ako. Putangina bakit biglang uminit pakiramdam ko papawisan na ako ng malagkit. Dahil sobrang lapit namin ay kitang-kita ko kung paano niya ako ngisian. Oh my Putangina ulit di ko na to uulitin.
"My turn.."
Umagang-umaga at kakapasok ko pa lang ng AIS pero ang itsura ko parang panguwian na sa sobrang bangag ng sistema ko napansin tuloy ako nila Ven na wala ako sa mood.
"Ay! Kakaning malagkit!" Napasigaw ako sa gulat ng tawagin ako nila Ven.
"Anyare sayo gurl?" Nakasandal na lang ako sa pader wala ako sa mood dahil sa ginawang paglapastangan sa akin ni Josh
"Wala." Maikling sagot ko wala sa wisyong magmaldita ngayon. Bumuntong-hininga siya bago tumayo kasi kakatunog lang ng bell, hudyat na tapos na ang breaktime. Nagsipaalam na sila sa akin samantalang heto ako mag-isa sa mesa dahil mamaya pa ang sunod kong klase kay sir Idris bago mag-lunch.
"Lalim ng iniisip natin ahh?" Tawag-pansin ng bagong dating na si Rivia kasama niya ang iba pa sa grupo ng hellix.
"Anong meron?" Dagdag niya bago sumubo ng lasagna na binili niya. Marahas akong umiling sa kanya nagkibit-balikat lang siya, pinasadahan ko ng tingin sila Lu, Jiane at S na may dalang isang box ng pizza, hamburgers, at isang malaking mangkok ng fries. Agad nagningning ng mata ko sa fries kaya nakikuha din ako sa kanya nagulat naman si Lu na may hawak non.
"Oh baka gusto mo pa ng Pizza at burger marami yan." Lintaya pa ni Rivia, di ko siya pinansin pakiramdam ko bigla akong nagutom sa fries, yes fries ang cryptonite ko. Binigyan naman ako ng isang burger at isang slice ng pizza ni Lu, agad ko namang tinanggap ang grasyang binibigay nila sa akin.
"Ang bilis ahh, PG lang?" Panunuya ni Rivia, sinamaan ko siya ng tingin habang sumusubo ng fries, tinawanan niya lang ako at muli siyang sumubo ng lasagna.
"Oo nga pala ikaw ang magbabayad ng lahat ng ito." Nanlaki ang mata ko at muntik pa akong mabilaukan sa sinabi niya. Binalingan ko siya at ang gagita todo ngiti pa na may pasingkit ng mata pang nalalaman.
"What?!"
"Ikaw ang magbabayad ng lahat ng ito." Ohh shet! What did I've done sa past life ko at mukhang pinagbabayaran ko ito ngayon.
----
"Huy Donnie, ayos ka lang? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan?" Untag ni Rollice sa kanilang mesa namin, napansin siguro na di ko pa ring ginagalaw ang pagkain ko.
"Na-budol ata ako." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Sigh.
"Paanong nabudol? Teka saan ka ba nabudol?" Napasimangot ako at napangalumbaba sa mesa.
"Manners Donnie, nagtatampo ang grasya sa ginagawa mo." Sita ni Ven sa akin, padabog akong sumandal sa upuan ko.
"Ok, Ok kakain na ng maayos." Sabi ko at kumain na ulit, sigh.
Busog na busog kami ng nagsitayuan na sila para magbayad sa counter. Pinauna ko muma silqng magbayad dahil ugali kong magpahuli.
"Guys may extra ba kayo dyan? Naiwan namin yung wallet namin sa locker eh." Paliwanag ni Ven habang nakasandal kay Rollice. Nagtaas na nang kamay si Shu.
"Sige ako na." Presenta niya nilabas niya na ang wallet niya pero agad din siyang napatigil ng makita ang laman ng wallet niya.
"Opss! Sorry guys, pwedeng sagutin niyo din muna ang sa akin nag-short ang allowance ko kukunin ko palang mamaya yung pera." Paliwanag naman ni Shu, ohh shet nangangamoy budol ulit ito ahh. Napatingin ako kay Franky na di na maipinta ang mukha sa mga nangyayari.
"Oh ikaw Franky, hwag mong sabihin na short din ang allowance mo?" Nginitian niya lang ako at nag-peace sign pa sa akin. Umikot ng 360 degress ang mata ko sa sobrang inis. Buenas talaga bakit ba ang malas ko ngayon? Padaskol akong tumayo at nagtungo sa kahera.
"Magkano teh?" Nagkalkula siya saglit at sinuma total niya ang lahat-lahat nang kinain namin.
"Four hundred ninety-nine lahat." Napapikit ako sa sobrang panluluno, nanginginig pa ang kamay ko habang binibigay ang natitirang limang daan ko.
"Sis wala kaming baryang coins pwede bang candy na lang yung piso?" Napanganga ako sa sinabi niya at parang tinakasan na sa katinuan. Ano ba yan piso na nga lang ang sukli magiging candy pa, umisahang tango ako sa kahera at ng aabutin ko ang candy ay bigla naman itong inagaw ni Josh.
"Salamat." Naiwan sa ere ang kamay ko habang nakikipagkamustahan ang talipandas na kumuha ng katangi-tanging sukli sa natitira kong limang daan.
"Ayos ka lang ba?" Muling pagtatanong ni Ven. Di ako sumagot sa kanya naglakad na lang ako palabas ng cafeteria. No, I'm not ok and will never be Ok! First time tong nangyari sa akin ang masaid sa isang araw ang allowance ko. Mukhang kailangan kong rumaket ulit sa computer shop kahit dos mil lang.
----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Misterio / SuspensoSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donya na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakala...
