Chapter Twenty-seven: Last Test

34 31 0
                                    

Chapter Twenty-seven: Last Test
     

"There are obviously two educations. One should teach us how to make a living and the other how to live."
    

-James Truslow Adams   

    

Her POV

 
"Donnie dali talon!" Sigaw ni Rivia sa akin, agad akong tumalon sa bubungan ng trailer truck habang umandar ito nang mapadaan na sa lugar namin ay tumalon na ang apat at ako na lang ang natitira bumwelo ako at nagawa ko naman kahit first time kong gawin ito tang ina! Pwede na akong action star! At dahil doon ay naalarma ang driver at ang pahinante neto. Ramdam naman na bumilis ang pagpapatakbo ng truck kaya kahit mahirap ay bina-balance ko ang pwesto ko dito sa likod, pinaabante na niya kami ng makalapit ako ay inuwestra niya na pumunta ako sa kanan kung saan nakapwesto ang pahinante, samantalang si S na itinuro ang tuktok ng truck, nilabas niya mula sa sheath ang katana niya at itinusok ito sa pagitan ng driver at pahinante nabulaga sila ng katana, naglabas sila ng baril at pinaputukan ang taas.

  
"Ngayon na!" Sigaw ni Rivia, sabay naming tinungo ang magkabilang pinto ng truck, marahas kong siniko ang kamay ng pahinante ng ilabas niya ito sa bintana narinig namin itong humiyaw sa sakit at nabitiwan ang baril. Muli kong sinuntok ang mukha niya ganon na lang ang ngisi niya ng makita akong nasaktan samantalang siya ng di manlang ito naramdamab shit! Ang tigas ng mukha ng gago. Nagulat na lang ako ng itulak niya ang pinto dahil doon ay tumama ang katawan ko sa pinto at nakangiwi ako sa sakit. Sumunod naman sa akin si Jiane hinawakan niya ang kwelyo nito at inihulog sa kalsada. Todo kapit at baluktot ako sa pagalaw-galaw na pinto ng truck kahit walang makapitan ang mga paa ko ay kailangang kumapit ng mga kamay ko, may mga pagkakataon pa na tumatama ako sa side mirror, at masakit din na nabasag na ito dahil sa pagkakatama ko. Ng makapasok si Jiane sa pwesto ng pahinante ay hinatak niya ang pinto at hinatak paloob pero ang gaga hahatak na nga lang din naman di pa buong katawan kaya ang itsura ko ngayon ay nakadapa ako sa mga hita niya at nakalawit naman ang mga paa ko mula sa bintana. Pakshet! Di tuloy ako makakilos at nahihirapa akong makahinga.

        
  
"Ititigil mo ba ito o lagot ka sa amin?" Banta ni Jiane sa driver habang nakatutok dito ang baril. Padaskol na hinataw ni Rivia ang panga ni kuya medyo gumewang kami dahil doon.

 
   
"Yong manibela hawakan mo Ji!" Kahit nakadapa ako ay sinubukan kong tumulong sa kanila umamba din akong sumuntok ganong din si Rivia at sabay naming tinamaan ang magkabilang panga niya, dahil doon ay agad na nawalan ng malay yung driver bigla akong nag-panic kasi ramdam namin na biglang bumilis ang sinasakyan namin. Shit! Shit! Shit! Kailangang matigil tong truck.

  
"Jiane, asan ba dito ang preno dito?" Pasigaw kong tanong sa kanila hawak pa rin siya sa manibela.

  
"Ano?!" Pilit kong inangat ang mukha ko para makita siya at punyeta ang sakit sa batok. Humugot muna ako ng hangin at medyo nilakasan ang boses ko para marinig niya na.

  
"Ang sabi ko san banda ang brake nito?!" Ulit ko, minamaniobra niya ang manibela ng konti at iniwas sa mga pasalubong sa highway. Inis kong inilipat kay Rivia ang mukha ko na nakakapit pa rin sa hawakan habang nilalaslas gamit ng kunai ang seatbelt nong driver, di ko pala natanggal kanina.

 
"Rivia asan ang break nitong sasakyan?!" Napatingin siya sa akin at nginuso ang paa  nung driver napanganga ako sa kanya hutek na mantuturo na nga lang yung dalawang paa pa, iritable kong inulit ang tanong ko.

 
"Asan ba ang break?!"

  
"Dyan sa paa." Lalong uminit ang ulo ko di lang dahil sa posisyon ko pati na din sa dalawang ito.

 
"Alam kong sa paa ang break ang tanong ko saang paa!" Napatingin siya saken di ko alam kung nagpipigil lang ba ng tawa ang babaeng ito o nang-aasar eh.

  
"Oh? Sagot."

  
"Yung malaki dyan sa gilid." Nanlulumo akong yumuko. Sigh, bakit ba ang hirap kausap ng mga to ang lakas makaputang-ina ahh. Dahil sa di ko makausap ang dalawang to ay no choice ako kundi mamili sa dalawang paa ni driver yung kanan ay nakatapak sa gitna yung isa naman ay wala sa dalawa pang pedal na libre.

  
"Minnie minnie miney mo, pwet ng kabayo kamukha mo." Tumigil ang kanta sa kanan na pedal marahas kong tinulak pero maingat dahil ayaw kong makatama ng kung anong parte ng katawan ni koya, di ko pinangarap na makahawak ng kahit anong parte ng ibang lalaki baka si Josh pwede pa, teka bakit nga ba nasali si Josh dito animal! Nagiging mahalay na ako.

  
Inabot ng kamay ko ang kanang pedal at napamura nanaman ako na maramdaman ko na matigas pala ang pedal, shit! Lalo kong diniinan ang pagpindot at nagulat na lang ako ng lalong bumilis ang takbo ng sinasakyan namin ramdam kong nabahala ang lahat sa nangyayari.

  
"Anong bang ginagawa mo dyan sa pedal ng gas, mauubusan agad tayo ng gas niyan." Suway ni Jiane a akin agad ko naman tinanggal ang kamay ko dito at pinagpag ang alikabok na kumapit. Asar ko naman inabot ang isang pedal, medyo malayo ito sa akin pilit kong inabot ang pedal na mas malayo medyo napangiwi pa ako ng tumama sa pisngi ko ang tuhod ni kuyang driver pero di ko na pinansin pa. Humugot pa ako ng hangin at muling inabot ang pedal nakakangawit man pero nagawa ko din diinan ito, at ilang sandali ay biglang tumigil ang cargo truck na kinalalagyan namin, dahil doon ay dumausdos ako pababa sa sahig na una ang mukha kesa sa katawan at ang malala ay tumama sa sapatos ni kuyang driver ang pagmumukha ko. Agad kong winakli palayo sa mga pedal ang paa ni kuya abot-abot ang mura ko sa isip ko hayss.

  
"Aray!" Sigaw ni Jiane ng tumama sa dashboard ang noo niya hinilot-hilot niya ito samantalang ako bukod sa masakit na mukha ay idadaing ko din ang katawan kong plakda sa sahig ng truck.
      

"Ang sakit! Tulong!" Tiningnan ako ni Jiane dahan-dahan niyang inangat ang katawan ng nahawakan niya ang kamay ko.

  
"Sira ka talaga kung ano-ano ang ginagawa mo sa pedal."

  
"Ayos lang yun atleast tumigil na diba Rivia?" Lumingon kami sa pwesto ni Rivia sa pinto kanina pero wala na siya ngayon doon.

  
"Rivia!! Asan ka Rivia?!" Sigaw namin ni Jiane, agad sumulpot sa pinto ni Jiane sila S at Lu. Nagtataka din sila kung bakit wala si Rivia na nakasabit kanina.

  
"Mga sira-ulo nandito ako!" Sigaw niya ng tiningnan namin siya ay nakasalampak siya sa sahig at namimilipit sa sakit.

  
"Rivia!" Sabay-sabay naming sigaw at nagkukumahong na bumaba ng truck para daluhan siya. Kawawang Rivia nahulog ng magpreno ang truck.
  

----
   

-🖋☻Yuki

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon