Chapter Eighteen: Friday The 15th

38 37 0
                                    

Chapter Eighteen: Friday The 15th
   

"We find greedy men, blind with a lust for money, trafficking in human misery."
     

-Gen. Thomas C. Clark

  

Her POV

Matamang nanunood lang ako sa nangyayari sa baba ng biglang umeksena si Rivia dito sa rooftop na kinalalagyan namin, may hawak pa siyang vape ng lumapit siya sa akin.

  
  
"Kunin mo to bata?" Agad kong nasalo ang initsa ni Rivia sa akin, sinipat ko ito at napakunot ang noo ko ng mapagtantong isa itong bag.

 
"Anong gagawin ko dito?" Mataray kong tanong dito, inirapan niya ako bago bumuga ng vape.

 
"Ikaw kung babalutin mo sarili mo at itatapon mo na din sa ilog, mukha ka kasing tanga ehh." Umirap na lang ako sa kanya psh. Kahit kailan talaga ang sarap kausap netong babaing to. Lasang walang kwenta.

 
"Basta hawakan mo na lang yan daming satsat ehh. Psh!" Naiiritang sagot saken ng bruha, napangiwi ako sa reaksyon niya tss.. nakakairita din siya. Tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko ng kongkretong railings ng building na to. Ewan ko ba, gustong-gusto ko ng mga matataas na lugar at di rin ako takot kahit na gaano pa matataas ang kinatutuntungan ko, parang napapayapa at napapakalma ako ng mga ganitong tanawin, naalala ko nong bata pa ako madalas akong pagalitan nila mama at papa kapag inaabot ako ng hating gabi sa tree house na ginawa namin ni papa. Sariwang-sariwa pa rin sa utak ko kung gaano kami kasaya ng matapos namin yun pero agad ding napawi ng iwan nila akong mag-isa sa tree house, puno ng mga pulbura ng pampasabog at nakatutok sa akin ang baril.

 
"Huy! Ayos ka lang?" Pantawag-pansin sa akin ni Lu, napabuntong-hininga ako at binalik sa kasalukuyan ang atensyon ko. Tumango na lang ako sa kanya, tumigil sa paglalakad si Rivia at pinaluhod kami sa  isang tambakan, sumunod naman kami sa kanya at naaninag namin mula sa malayo ang dalawang kahina-hinalang lalake. As usual nakaitim ang mga ito at may bonet sa ulo. Mukhang naunahan kami sa pagiging kawatan ngayong gabi. Sigh..

 
"S at Jiane patidin niyo kapag dadaan na sila sa atin ako ng bahalang magpatulog sa mga iyan." Utos ni Rivia, tumango naman sila at pumwesto na ng tali sa harangan ang daanan ng eskinitis.

  
"Pre malaking pera to kapag napasok natin, jackpot tayo sigurado." Lintaya ng isang lalaki habang papalapit sila sa amin. Sumenyas na si Rivia sa dalawa na maghanda na, tumango naman ang dalawa at hinigpitan ang pagkakahawak na tali. Nang dumaan ang dalawang lalaki at napangiwi sila ng madapa sa semento dagli namang nilapitan nila Rivia at Lu ang dalawang lalaki. Walang pakundangang sinuntok ni Rivia ang isang lalaki, habang inupuan naman ni Lu ang likod ng lalaki. Nagsilapitan na sila Jiane at S sa kanila habang nanunood lang ako napapikit ako ng marinig ko ang sigaw ni Rivia na sipain ko daw yung lalaking sakal ni Lu.

 
"Ano ba sige na sipain mo na!" Naikuyom ko ang kamao ko at nilapitan sila. Tiningnan ako ni Lu na nahihirapan ng pigilan pa ang lalaking sakal niya. Muli akong napapikit at inundayan ng sipa ang kawawang lalaki. Nakahinga naman ng maluwag si Lu ng wala ng malay ang lalaking ito di din nagtagal ay sinapak ni Rivia ang isa pang lalaki nawalan na din ito ng malay at napabuga ng hangin matapos. Agad nilang tinali ang dalawang lalaki at pinagtulungang buhatin tinaliman pa ako ng mata ng babaitang si Rivia ng makita niya akong nakatayo lang.

 
"Ano tayo-tayo ka lang at di ka tutulong?" Kahit madilim dito ay umirap ako sa bruhang to pasalamat siya wala ako sa mood nakipag-alaskahan sa kanya.

 
"Tara! Let's rock for this night motherfuckers! At wala kayong ititira na kahit singkong duling!" Napailing na lang ako sa kanya matapos ma-hack ni Lu ang mga CCTV, ma-disalarm ang system at security features ng bangkong target namin kaya pala may bag na pinahawak sa akin kasi mangha-hijack kami ng isang bangko. Tss. Oo nga pala kawatan for a night nga pala kami ngayon. Nakabonet din kaming lahat at may voice changer na nakalagay sa lalamunan namin.

 
"Good evening anong kailangan ni--" di na natapos pa ng gwardyaang sinasabi niya ng pinaputukan na agad siya ni Rivia. Psh! Bitch as ever. Nagsilabasan na ang mga kasama ko ng baril at kinuha din nila ang baril nung gwardya kanina.

 
"Seriously?" Sinamaan ako ng tingin ni Rivia at inihagis ang baril kay Lu .

 
"Yes bitch! we need funds. So shut up and watch!" Nanlaki ang mata ko ng barilin niya ang isang vault, at kinuha ang bag sa kamay ko. I can't believe this sa tanang buhay ko di ko naisip a mapapasok ako sa ganitong gulo.

 
"S mukhang bagay sayo tong alahas na to oh whatcha think?" Utag ni Jiane na nasa vault ng mga  alahas, lumapit naman siya dito at kinuha ang nasabing mga alahas.

 
"Heto din bagay sayo Lu, total mahilig ka sa mga bangles at watch." Kinuha din ito ni Lu at tuwang-tuwa sa mga alahas. Nagkalkal pa sila ng mga vaults at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga alahas na nakatago. Kumikinang sa sobrang kislap at may ilang diyamante pang nakalagay.

 
"Donnie bagay mo ito ohh." Napailing na lang ako sa kanya habang nakangisi sa akin si Rivia.

 
"Common you can take anything you want, basta kaya mong buhatin palabas dito." Binigyan ko ng pamatay na tingin si Rivia at ang bruha tinawanan lang ako. Kumuha pa siya ng isa pang bag at nilagay ang pinakita ni Jiane sa akin at ilang makakapal na cash money matapos ay isinara niya iyon at initsa sa akin.

 
"Thank me later bitch."
----

 
(NP: All My Friends by Snakeship)

 
Napatakip ako ng tenga dahil nakakairita ang mga pagiging sintunado nung tatlo. Tss. Tuwang-tuwa sila sa mga nakuha nila buti pa tong si S tahimik lang at nakapikit buti nakakatulog to sa ingay nila.

 
"Shot pa!" Sigaw nila Lu at Jiane napapikit ako sa inis at tinungga ang alak sa harap ko. Lasing na ang tatlo kaya marahas akong tumayo sa sofa, tinawag pa ako nila Jiane at Lu pero di ko sila pinansin nagtungo na lang ako sa rooftop at pinagmasdan ang garden sa baba, nilapagko ang tatlong bote ng beer na kinuha ko sa mesa at nagsimulang uminom.

 
"Maliit ang view dito kesa sa building kanina." Napaayos ako ng upo ng biglang sumulpot si Rivia sa tabi ko. Umupo din siya sa kongkretong railings napaismid na lang ako sa kanya psh! Pati ba naman dito susulpot pa rin siya konti na lang at iisipin ko na pinaglihi siya ng nanay niya sa kabute. Di ko na lang siya pinansin at uminom ng alak. Magkakalahating oras na kami dito pero wala pa rin kaming pansinan bahala siya, aalis na sana ako ng pigilan niya ako napakunot ang maganda kong noo na binalingan siya.

 
"Don't feel guilty sa mga nangyayari, isang araw malalaman mo din ang lahat ng bagay."
----
    
-🖋☻Yuki
  

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon