Chapter Seven: Preperation

52 52 0
                                    

Chapter Seven: Preparation
     

One friend in a lifetime is much; two are many; three are hardly possible. Friendship needs a certain paralelism of life, a community of thought, a rivalry of aim.

     

-Henry Adams

----
    

Nasa kalagitnaan ako ng klase ng makatanggap ako ng mensahe, ten-thirty palang ng umaga pero ang boring ng nagtuturo sa amin.
  
   
"Baka si globe o kaya smart nanaman to. Buti pa sila nagtetext hayss hashtag iyak, pighati, lumbay, hinagpis, at sakit!" Pasimple ko itong tinignan sa ilalim at binasa ang mensahe.


From: Rivia

    

Everyone see you later in colony at 5:00 pm.
   

Note: Punishment will occur for those who will comes late.
   

Agad nangasim ang mukha ko matapos mabasa ang message niya . Tss! Pakshet yan! Di pa nga ako nakakaget-over sa nangyari kagabi doon sa eskinitis buti umepek pa rin ang talent ko sa mga hinayupak na manyak yun.


Nangalumbaba ako sa mesa at di mapigilang alalahanin ang mga nangyari. Hays!! Sa ganito ba iikot ang buong oras ko dito sa kolehiyo?
   
    
"Hays!"
  
    
Pakatunog ng bell ay agad nagsikulasan ang mga kaklase kong atat na atat lisanin ang classroom. Hinayupak na mga estudyante to oh! Di man ako studious na tao pero di din naman ako bulakbol. Habang naglalakad sa hallway ay napatili ako sa taong bigla na lang akong inakbayan.

   

"Hwag kang kikilos kung ayaw mong masaktan," impit na boses niyang babala sa akin. Agad dumagsa ang kaba sa dibdib ko lalo na at di pangkaraniwan ang mga estudyante dito.
   

"T-teka sino ka ba?"
   

"Secret! Bawal sabihin," sagot naman niya, agad akong napangiwi nang makilala ang taong umakbay sa akin. Walang-awa kong pinagsasasapak si Shu.
   

  
"Aray! Tama na Donnie mashakit!" sigaw nito
 
 

"Ayan! Maloko ka talaga kahit kailan ehh!"

  

"Hahahahaha sila sisihin mo di ako 'no!" tanggol naman ni Shu sa sarili.
 
 
 


"Yung mukha mo kanina Donnie, sobrang priceless hahahaha," dugtong naman ni Ven.
   

Isang kalokohan ang pumasok sa isip ko, nanlalaking tinakpan ang bibig ko tapos ay kunwari ay nakatingin sa buhok niya.
  

"V-venille, may something sa buhok mo Ven!" Napataas ang kilay niya pero halata mo na kinakabahan na siya.

  
"A-ano?"
  

"M-may nakadikit sa buhok mo na tuko!"
  

"Hala! Oo nga Ven ang laki ng tuko. Hala ka! Magkakaroon ka na ng tuko Ven." Pagdadrama din ni Franky.
   

SororityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon