Chapter One: The Adamson Infern School
"Abandon every hope, ye who enter here."
-Dante
----
Ngayon ang umpisa nang klase sa kolehiyo, kapansin-pansin na iba-iba ang kulay ng mga suot nilang porselas ang tawag nila dito ay Identification Bracelet na siyang magiging pagkakakilanlan ng mga mag-aaral ng AIS; white para sa first class, blue para sa mga second class, red para sa mga third class, black para sa mga forth class at Unified Colors naman kung makakaabot ng fifth class. Nagbabago ito base sa kung anong year level ang estudyante sa kasalukuyan- waterproof din ito, at matibay ngunit mahigpit ang patakaran na pinatutupad ng pamunuhan ng eskwelahan sa kanilang estudyante na huwag itong tatanggalin habang sila'y nag-aaral sa AIS.
Alas seis y' tirenta ng umaga-- maaga pa pero di na maitago ang galak at pagkasabik na nararamdaman ni Donya sa araw na to. Nagsimula na siyang maglakad patungo sa dorm ni Ven na tatlong building ang layo mula sa dorm niya. Agad siyang nagtaka nang mabungaran sa labas ng building si Josh- nakasandal, nakapamulsa at wari mo'y may hinihintay.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sa ika-limang building ka pa?" Tanging tango lang ang ginawa nito bilang sagot, maagang napakislot tuloy ang kanyang bibig.
'Kahit kailan talaga Joshua ang tino mong kausap psh!" iiling-iling niya at nagsimulang maglakad papunta sa building ni Ven.
Nang nasa building na sila ni Ven ay dinukot niya mula sa bulsa ng kanyang bag ang cellphone para tawagan si Ven para sabihing nasa baba na sila ni Josh.
"Ehem! Pababa na daw siya." pag-iimporma nito.
Nadismaya pa ito ng muli siyang tunguin ng naturang lalaki. 'Kahit kailan talaga walang kaamor-amor na kasama tong si Jo sh, bata pa naman naman siya pero kung makaasta parang dagan ang daigdig sa pagiging poker face! Ven, dalian mo ng bumaba please magiging bato na din ako dito dahil kay Josh!'.
"Good morning guys! O nandyan na din pala ang yelo ng barkada, isang mainit na ngiti naman dyan iceman!" bati ni Venille ng makababa na ito.
Irap naman ang sinagot niya kay Ven, "Sabi ko nga tara na bago pa tayo ang maging bato dito."
Nagsimula na silang maglakad na magkaangkla ang mga braso nila Ven at Donya. Masaya silang nagkukwentuhan hanggang sa nagdagdagan sila ng nadagdagan habang sila'y naglalakad papuntang AIS.
"Shu! Franky!" Kaway ni Ven, agad naman nagtakbuhan sila Shu at Franky papunta kila Donya. Agad silang nag-asaran ng kamuntikan ng madapa si Shu sa pagtakbo. Di kalaunan ay nadaanan na din nila ang isa pa nilang kasama si Rollice.
"Sige, sige excited na ako mga bes!" Pagtititili nito.
"Halata nga ehh." sumbat naman nila Ven, Shu, at Franky.
"Syempre bagong buhay sa kolehiyo, bagong blockmates at mga bagong crush." sagot naman ni Rollice.
"Ayon! Bagong crush talaga ang nagdala ehh!" pang-aasar ni Shu.
"Hoy, di naman masyado! judgmental ka bakla!"
"Hindi daw, hindi kami naniniwala! Hoy, kilala ka namin Rollice!"
"Sobra kayo! Di naman masyado. Slight lang! Hihihihi." Ilang pangaasar pa ang nangyari nang marating na nila ang entrada ng AIS - College Department. Isa-Isa na nilang tinap ang kanilang mga Bracelet.
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donya na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakala...
