Chapter Seventeen: Escape
"My heart is a lonely hunter that hunts on a lonely hill."-William Sharp
Her POV
"Shit run!" Sigaw ni Rivia. Agad kaming tumakbo pabalik sa pinanggalingan namin, shit! Futang-ina to the Nth power!
"Dito!" Sigaw ni Rivia sa isang kwarto, agad kaming pumasok don at dali-daling sinara. Napasandal ako sa kwartong iyon ng maluwag, at ilang sandali pa ay narinig namin ang mga yabag nila sa labas.
"Nasaan na ang mga iyon? Hanapin niyo!" Utos ng isang lalaki na tantya namin ay lider ng grupo nila nakahinga kami agad ng makalagpas sila ng kwartong kinalalagyan namin. Bakante ang kwarto walang masyadong gamit may mga ilang basura.
"Hoy bata, halika dito may bago tayong palano para makuha yung file na yun." Tumalima naman ako sa kanya at lumapit.
"Ganito kayong dalawa you have to distract those guys, maghiwalay kayo at dito ang tagpuan nating lahat. At kapag di pa wala pa dito after 30 mins dumiretso na sa dinaanang exit kanina natatandaan niyo pa ba?" Tumango kaming dalawa ni S. Sigh. Magiging pain kami ni S for a night goodluck sa amin. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na si Rivia maya-maya ay narinig namin yung mga lalaking humahabol sa amin na sinusundan na siya, nagkatinginan muna kami ni S at saka kami nagpasyang lumabas. Saktong pagkabukas namin ng pinto ay siyang pagdaan ng tatlo, agad na hinawakan ni S ang kwelyo ng isang lalaki.
"Maglaro muna tayo mga kuya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni S, seryoso?! Shit!! Agad tumigil sa pagtakbo ang dalawa pang lalaki medyo malayo na yung dalawa ng pero napatigil sila at biglang ngumisi sa sinabi ni S. Napalunok na lang ako at saka tumakbo sa pinanggalingan nila ilang saglit pa ay narinig ko na ang mga mabibigat na pagtakbo nung dalawa, ohh another shet! To the 2nd power. Nilingon ko sila at tama nga ako dalawa yung nakasunod sa akin, lumiko ako sa isang pasilyo pero agad akong napaatras ng makita ko ang ilang mga kalalakihan na naglalakad, naka-tie at suit silang lahat pero nasa gitna ang tingin kong boss, agad ding napatigil yung dalawang humahabol sa akin ng makita nila yung grupong iyon. Napamura akong muli so sino tong dalawang kolokoy na to?
"Psst! D dito!" Sitsit nila Jiane mula sa siwang ng pinto. Agad akong nagtungo don at isinara ang pinto.
"Asan sila Rivia?" Pabulong na tanong ni Jiane sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Tinarget ni Rivia yung kwarto at nagkahiwalay kami ni S para iligaw ang mga kolokoy akala namin bantay sila dito pero parang hindi." Nagkatinginan sila Lu at Jiane saka kinuha ang phone niya at kinontak si Rivia at S, naka-vibrate mode lahat ng phone namin para di kami mabulilyaso sa gabing ito. Ilang saglit lang ay nag-vibrate ulit ang phone niya ng makita namin ito ay isang mensahe na mula kay Rivia.
"Magkasama sila Rivia at S. Nakuha na rin nila ang file, kailangan na nating magmadali at muntikan na din daw nilang nakasalubong yong mga lalaking naka-suit kanina." Lintaya ni Lu at saka nilibot ang buong kwartong kinalalagyan namin may maliit na bintana.
"Sino ba yung mga yun kanina?" Usisa ko sa bruhang kulot nagkibit-balikat siya habang sinururing mabuti ang bintana at ang labas
"Malay din namin, baka yung may-ari netong building." Napaismid naman ako sa kanya at pinanood si Lu na ipagkasya ang kanyang katawan sa munting bintana, di kalaunan ay nagtagumpay naman siya.
"Seryoso kayo dito?" Nag-aalinlangan kong tanong. Kumunot ang noo ko at nagpapapadyak sa sahig, nakakabwiset naman oh.
"Oo tara na bago pa nila mahalata na may tao dito sa kwartong ito." Bulong ni Lu sa akin, sigh. Heto nanaman tayo sa lusot-lusot method. Di pa nga ako maka-get over doon sa unang beses na lumusot ako ng bintana ehh tapos heto nanaman nangyon. Sumunod na din si Jiane na lumusot at nagkasya din siya, napatingin sila sa akin at parang minamadali.
"Oo na heto na lulusot na. Psh." Dahan-dahan ko ding pinagkasya ang katawan ko sa makipot na bintana, tang ina! mas maliit pa ata ito kesa sa bintanang nilusutan ko dati. Pigil hininga ang lola niyo at inalalayan naman ako nila Lu at Jiane ng nasa balakang na ako ay napatili ako ng may humawak sa paa ko.
"Ohh shit! May nakahawak sa paa ko!" Nanlaki din ang mga mata nila ng maramdaman nila ang pwersa na bumabalik ang katawan ko sa loob. Shit! Again to the another power! This can't be happening! Pinilit kong makipagbuno sa kung sinong mang may hawak sa paa ko.
"Hatakin niyo ako dali!" Sigaw ko sa kanila. Bumwelo muna ako ng sipa at saka nila ako hinatak. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng tuluyan muntik pa akong matama sa bakal na railings.
"Tara na dalian na natin." Bago kami umalis ay gumulat sa amin yung humatak kanina ng paa ko di ko napigilang tumili at singhalan siya ng sapak. Agad siyang nawalan ng malay matapos kong masapak ang gago. Ayan buti nga sa kanya nagpagpag pa ako ng kamay at pantalon kasi may bakas ng alikabok sa bandang dulo nito habang nagpapagpag ay dinig ko ang mga palakpak nila Lu at Jiane.
"Di talaga ako magpapasapak sayo kahit biro pa yan." Napataas ang kilay ko sa kanya. Di pa ba talaga biro sa lagay na yan ahh.
"Tara na may hagdanan dito. Nakalabas na sila Rivia panigurado." Nagsimula na kaming bumaba at nagpakalayo sa lugar na to pinapangako ko na di na ako babalik dito.----
Other's POV
"Monsignor sigurado ka bang hahayaan mo na lang silang umalis?" Tanong ng isang tauhan sa naka-suit na misteryosong lalaki. Kita nilang lahat kung paano dumaan ang tatlong babae sa ikalawang emergency exit sa 2nd floor.
"Hayaan niyo na, natutuwa lang ako at nakita ko siyang muli." Kimeng ngumiti ang lalaki at inayos ang kanyang salamin. Malaki na talaga siya at college student na ang dating uhuging bata may grupo na din ngayon.
"Monsignor heto na yung tatlong lalaki, mukhang binugbog yung dalawa at walang malay ang isa." Pinasadahan ng misteryosong lalaki ang mukha ng tatlong lalaki, agad nanginig sa takot ang dalawang lalaki ng makita ang kanyang mukha.
"Do you know me?" Malamig na tanong niya sa dalawang lalaki. Napalunok ang dalawa at dali-daling lumuhod habang hinawakan ang paa nito.
"P-pakiusap po hwag niyo po kaming patayin." Pagmamakaawa ng isa, di na nakapagpigil pa ang misteryosong lalaki at sinipa ang mga nagmamakaawang lalaki.
"Ligpitin niyo na yang mga basurang yan nakakairita." Agad na yumukod ang tauhan at nagsimulang kaladkarin mg mga tauhan habang maglakad na palayo ang misteryosong lalaki. Patuloy na nagmamakaawa ang dalawang lalaki kahit malayo na sa kanya.
"Sir! Nakikiusap kami hwag niyo kaming patayin! Sir! Sir! Sir!!!!"
'Rivia Daniels
Li Jiane Xou
Lucifia del Monde
Seraphina Grossi at
Donnie Villa Encarnacion'
Di mapigilang mapangisi ng misteryosong lalaki sa grupo. Akalain mo yun binisita siya ng isang grupong taga-AIS at ang Hellix Sorority pa, tsk tsk tsk. Di pa ito ang huli nating pagkikita girls asahan niyo yan. Lalong-lalo ka na..----
-🖋☻Yuki
BINABASA MO ANG
Sorority
Mystery / ThrillerSimpleng mag-aaral lamang sa AIS si Donnie na walang ibang nais kundi ang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Sa pagka-graduate niya ng high school ay dala niya ang pangarap ay pinaghandaan niya ang pagpasok sa college. Pero di niya inaakal...